Chapter 10

151 53 0
                                    

Chapter 10


Alice POV

Mag uusap pa sana kami ni Rhea ng bigla na lang tumunog ng malakas ang kampana. Kaya naman kumalas si Rhea sa pag kakayakap at kaagad na tumayo.

"Kailangan natin bumalik sa loob ng palasyo. Marahil ay ihahain na ang pagkain para sa iyo, Alice." napangiti ako sa sinabi ni Rhea. Mas komportable na sya sa pagtawag sa akin ng Alice kumpara kanina.


Sumikat na pala ang araw na hindi ko namamalayan. Ganoon talaga siguro kapag nag ku-kwentuhan. Lumingon muna ako sa lawa saka ngumiti. Para bang kumikinang ang lawa ng masinagan ito ng araw.



"Alice, halika na!"Sigaw ni Rhea mula sa malayo kaya naman lakad-takbo na ang ginawa ko para maabutan sya.

Bago pa ako magpunta sa dinning area ay nagpunta ako sa kwarto na may napakaraming damit. Iba't-ibang klaseng damit ang nandito. Ang karamihan ay puro dress at mahahabang gown.



Nag umpisa na akong mamili ng damit. Hindi ako nakapamili kagabi dahil binigyan lang ako ng pantulog. Alam na siguro ng reyna na napagod na ako sa pagsunod kay Prinsesa Melody. Humakbang ako sa paligid  ng mga damit. Pinagmasdan ko ang mga nakasabit na damit na narito. Kinikilatis ko kumbaga. Meron kasing masyadong revealing–yun bang kita na ang kaluluwa ko pag sinuot. Syempre ayaw ko naman magsuot ng ganong klaseng damit. Sa pagtingin ng mga damit ay napansin ko kaagad ang isang simpleng dress.



Kinuha ko ito mula sa pag kakasabit at pinagmasdan ng mabuti. Gustong-gusto ko ang kulay na ito. Kulay sky blue ang dress na ito na hanggang tuhod at may sleeves na hanggang siko. Tinernuhan pa ng makintab na blue sandals. Wala naman kasing ibang sapin sa paa na kasya sa akin. Halos lahat ay maliit. Kaya no choice na ako. Maganda naman yung makintab na sandals. Parang gawa sa salamin.




Inayos ko yung buhok ko para naman hindi ako mukhang sinabunutan. Marahan kong sinuklay ang itim kong  buhok na hindi lalagpas sa siko. Ngayon ko lang napansin na humahaba na pala itong buhok ko.



Pagkatapos suklayin ay  itinali ko ang aking buhok gamit ang pulang laso  na nakalagay sa maliit na round table ng kwarto. Bale pa-pony tail ang style para hindi magulo tingnan ang buhok ko. Mayroon din ditong  malaking salamin kaya naman tiningnan ko ang kabuuan ng aking suot. Napangiti ako pero napawi rin ang aking ngiti ng maalala sina lolo at lola. Mas masaya kung makikita nila lolo at lola na suot ko ito.


Pag katapos pumili at mag bihis ay lumabas na ako ng kwarto. Nag aantay pa rin pala saakin si Rhea. Nag umpisa syang mag lakad kaya naman sinundan ko sya.




Nakarating kami sa isang kulay brown na pinto. Huminto muna ako at binuksan ng mga kawal sa magkabilang gilid ang pinto.



"Pumasok na po kayo sa loob Alice."Tumango naman ako kay Rhea at pumasok sa kwarto. Dahil maliit ang pinto ay kailangan ko na naman na yumuko.

Pag pasok sa kwarto ay napansin ko kaagad  ang isang napakahabang mesa. Kapansin-pasin din ang magandang chandelier.


"Halika Binibining Alice maupo ka,"nakangiting sambit ng reyna.


Nasa  dulo nakaupo si reyna Harmony. Naupo naman ako sa kaliwang bahagi ng reyna at  katapat ko naman si prinsesa  Melody. Mas malaki ang upuan ko kaysa sa ibang upuan na nandito.  Nakakamangha sa ganda ang inuupuan ng reyna. Ito'y kulay ginto. Ganoon din ng inuupuan ni Melody.



"Ang ganda mo sa iyong suot,"komento ng reyna.


Muling ngumiti ang reyna saakin. Naramdaman ko naman na namula ang aking pisngi dahil sa sinabi ng reyna. Napayuko naman ako at napatingin sa kulay sky blue dress na napili ko.



Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon