Chapter 6

178 58 2
                                    

Chapter 6


Alice POV

Napailing-iling na lang ako at nagpatuloy  sa pag lalakad ng makita ko na naman yung rabbit na sinusundan ko.

Muli kong sinundan yung rabbit na may suot na tiara. Mabagal lang ang paglakad nya kaya naman hindi na ako nahirapan sa pagsunod sa kanya. Sa bawat madadaanan nya ay nag-ba-bow ang mga rabbit. Siguro nga talaga prinsesa sya.

Paglagpas sa pamilihan ay may madadaanan pang kagubatan. Hindi gaano kataas ang mga punong nandito. Halos kasing tangkad ko lang kasi ang mga puno. Pero mataas na ito tingnan para sa mga rabbit na nakatira rito. Iba pa ang kulay ng dahon. Dahil kulay lila at bughaw ang kulay ng mga dahon. Kakaiba para sa akin dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng puno.

May nadaanan pa akong malawak na damuhan at may lawa sa gilid na parte. Paglagpas sa malawak na damuhan ay may makikitang malaking kastilyo. Muli kong tiningnan yung rabbit na may suot na tiara. Dala nya pa rin yung basket na may laman na mga bulaklak. Halatang hindi nya napapansin na nandito lang ako sa likuran nya. Masaya lang kasi syang nagpapatatalon-talon.

Habang papalapit ay mas lalo kong nakikita ang kastilyo. Patuloy ko lang na sinusundan ang rabbit hanggang sa makarating sa maliit na pinto ng kastilyo. Siguro para sa kanila malaki na ang pinto.

Agad na pumasok ang rabbit na sinusundan ko. Bago sya pumasok ay nag bow sa kanya yung dalawang rabbit na kawal. Mayroon silang espada na hawak sa kanang kamay at diretso lang ang tingin sa harapan. I wonder nangangalay kaya ang dalawang 'to?

Mabilis na  sinara ang pinto kaya hindi ako nakapasok. Lumapit na lang ako sa pinto at binuksan ito ng dahan-dahan. Kahit pa mukhang gawa sa matigas at matibay na kahoy ang maliliit na tarangkahan  ay madali ko lang itong nabuksan.

Nakita ko naman na nanginginig yung mga kawal. Natawa ako sa isip. Siguro akala nila may multo na nag bubukas ng pinto. Ang liit talaga ng pinto kaya kinailangan ko pa na yumuko. Sinarado ko na ang pinto at nag patuloy sa pag lalakad.

Habang nag lalakad sa pasilyo nitong kastilyo ay napansin ko ang mga Painting ng mga rabbit. Nakacrown ang mga rabbit na ito kaya sa tingin ko ay sila ang mga naging hari at reyna ng lugar na ito. Seryoso lang silang nakatingin sa harapan at magaganda ang kanilang tindig. Katulad na katulad nitong mga painting yung  mga napapanood kong movies.

Nakita ko ulit yung rabbit pero light blue na  ang suot nyang skirt. Dala nya pa rin ang isang bastket na may mga bulaklak. May nakasunod pa sa kanya na mga babaeng rabbit na nakasuot ng itim at puti. Pareho ang disenyo ng kasuotan ng dalawang rabbit na mukhang uniform para sa mga maid.

Muli ko silang sinundan hanggang sa makarating sa isa na namang pinto. Pag dating sa pinto ay pumasok yung rabbit na sinusundan ko. Pinagbuksan syang muli ng mga kawal na nasa magkabilang gilid.  Mas malaki na ang pintong ito kaysa kanina kasi mukhang  hindi ko na kailangan pang yumuko. Mabilis akong kumilos at nakisabay ako sa pag pasok nya.

Pag pasok namin ay nakita ko ang isang rabbit na may golden crown. Mas malaki ang crown nya kaysa sa rabbit na sinusundan ko. Nakaupo sya sa isang malaking trono. Napatingala ako at nakita ang eleganteng chandelier. Maganda rin ang desenyo ng kwartong ito. Sa tingin ko ay europian ang design. Mukha itong thrown room ng mga hari at reyna.

Napatingin naman ako sa paanan at napansin na red carpet ang nilalakaran ko. Nasa unahan ko yung rabbit na sinusundan ko. May nakahilera pa na mga kawal dito.  Nag bow ang bawat kawal na nadadaanan ng rabbit na kanina ko pa sinusundan.

Talaga ngang prinsesa ang rabbit 'to. Sa bawat paghakbang ay lalo kong nakikita ang kabuuan ng nakaupo sa trono. Napatingin ako sa rabbit na nasa trono. Ang ganda ng damit nya. Kulay blue na dress na may glitters. Ang ganda din ng korona nyang gold na may green na gems. Sa tingin ko ay green emerald ang mga nakalagay sa crown nya.

Yumuko yung rabbit na sinusundan ko kaya ginaya ko din sya. Nag bow ako kahit alam ko na hindi nila ako nakikita. Hindi ko alam basta ginaya ko lang sila.

"Mga kawal magsilabas na muna kayo,"malumanay na sabi ng rabbit na nakaupo sa trono. Sya nga siguro ang reyna ng kaharian na 'to.

Lumingon ako sa mga kawal na rabbit, nag labasan nga sila. Sumenyas ang rabbit na sinusundan ko sa mga maid na rabbit na katabi nya at kaagad naman itong naglabasan.

Tumingin ako sa rabbit na sinusundan ko at nakangiti lang sya.

"Melody..Saan ka nananaman nag punta?" Mautoridad na tanong ng rabbit na nakaupo sa trono.

Melody pala ang pangalan nitong rabbit na sinusundan ko kanina pa. Hindi ko kasi marinig masyado yung mga rabbit na bumabati sa kanya dahil sa ingay.

"Sa ating hardin lang ako nagpunta mahal kong kapatid,"nakangiting wika ng rabbit na sinusundan ko na nagngangalang Melody.

"Ako ba talaga ay iyong lolokohin?"Nakataas kilay na tanong ng reyna.

"Ano? Kahit kailan ay hindi kita lolokohin mahal kong kapatid. Heto at pumitas pa ako ng magagandang bulaklak mula sa ating hardin,"wika muli ni Melody at ibinigay ng basket sa reyna.

Natawa naman ang reyna ng makita nya ang mga bulaklak. "Sabi mo ay hindi mo ako niloloko."

"Ha? Hindi naman talaga aking kapatid,"muling wika ni Melody.

"Hindi ganito ang mga bulaklak na nasa hardin natin ngayon. Pinapalitan ko ang mga iyon kahapon kaya nakasisiguro ako na hindi ganito ang mga bulaklak na nakatanim sa hardin ng ating kastilyo. Ngayon sabihin mo sa akin. Saan ka nagpunta para makakuha ng mga ganitong klase ng bulaklak?"Nakacross arms na tanong ng reyna.

Natahimik at nanatiling nakayuko ang rabbit na sinusundan ko. Mukhang hindi na nya alam ang sabihin dahil kanina pa sya nagsisinungaling sa reyna.

Muling tumingin si Melody sa reyna at ngumiti. "Nabili ko ang mga iyan sa pamilihan. Kahit itanong mo pa sa ating mga kawal at mga tindera sa pamilihan. Nakita nila ako."

"Talaga lang ah..Sige sabihin na natin na nanggaling ka nga sa pamilihan. Ngunit hindi naman ganoon karumi ang tatapakan doon. Nakakasiguro akong hindi hahayaan ng mga mamamayan na maging marumi lang ang kanilang tinatapakan. Kaya paano mo maipapaliwanag ang marumi  mong mga paa na napupuno ng putik?"Nakangising tanong ng reyna.

"Kapatid mo ako Melody kaya kahit kailan ay hindi mo ako maloloko. Sabihin mo na ang totoo. Saan ka ba talaga nagpunta?"Muling tanong ng reyna.

Sasagot pa sana si Melody pero nagulat ako sa sumunod na nangyari...























Alice💠Where stories live. Discover now