Chapter 14

141 45 0
                                    


Chapter 14

Alice POV

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ng makita ang lalaki. Nakatingin lang ako sa kulay dugo nyang mga mata. Yung mata nya nakakakilabot. Habang nakatingin ako sa mga mata nya ay para akong nalulunod sa dagat na napupuno ng dugo.  Nahihirapan na akong huminga habang nakatingin sa kanya para bang papatayin na nya kami.

Umiwas ako ng tingin doon sa lalaki at napansin na lumapit ng  kaunti sa akin si prinsesa Melody dahil sa takot at nanginginig na rin sya.

"Tinatanong ko kayo!" Sigaw ng lalaki habang hindi  inaalis ang matatalim na tingin sa amin.


Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Para bang nanuyo ang lalamunan ko. Nakakatakot talaga ang mga tingin nya. Lalo na sa akin. Kung nakakapatay talaga ang pagtingin naku! Malamang na nakahandusay na ko rito at duguan.


Pababa na sya at papunta sa direksyon namin ng bumukas yung pinto sa itaas.


"Guro!"Kaagad na bumaba si Xylo dala ang mga botelya na sa tingin ko ay gamot.


"Hindi sila kalaban. Mga bisita natin sila," mahinahong sambit ni Xylo.



"Nakakasiguro ka ba na hindi sila ilusyon lang?" Tanong naman ng lalaki.



Muling  tumingin sa aming dalawa ni Prinsesa Melody yung lalaki. Mukhang naghihinala talaga sya. Tumingin din sa amin si Xylo saka ibinalik ang tingin sa lalaki. Sa tingin ko ay sya nga si Ginoong Theodore.


Ang puti ng balat nya. Ibang-iba ang kulay ng balat nya kaysa kay Xylo. Nangingibabaw ang kaputian nya dahil kulay itim nyang damit. Nakasuot sya ng mahabang coat at itim na pantalon. Yung buhok pa nya kulay itim at yung ekspresyon ng mukha nya seryoso lang.

"Sa tingin ko guro. Mukha naman silang totoo,"mabilis na sagot ni Xylo.


"Sa susunod hindi ka dapat magdala ng kahit sino dito ng hindi ka nakakasiguro," payo ng lalaki–este si ginoong Theodore pala.



Grabe! Ang lalim talaga ng boses ni ginoong Theodore. Pero nakakatakot pa rin ang matatalim na tingin nya sa amin ni Prinsesa Melody. Halos kumapit na sa braso ko si Prinsesa Melody dahil sa takot. Mukha ngang nanginig sya sa takot dahil tumingin ulit  sa amin yung lalaki. Pero mas nakaramdam ako ng takot ng makita ko yung mata nyang kulay dugo.



Sa isang iglap ay bigla na lang nawala sa paningin ko si ginoong Theodore. Lumingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko nakita kung saan na sya nagpunta. Ang angas naman! isa siguro yun sa mga power ng mga vampires.




"Pagpasensyahan nyo na ang aking guro," sambit ni Xylo habang nag papahid ng mga gamot sa paa ni prinsesa Melody.



"Ganon lamang talaga sya. Hindi kasi sya sanay na may mga bisita,"dagdag pa nya.




Unang tingin ko pa lang kay ginoong Theodore na  yun ay alam ko ng masungit sya at strikto. Mabuti na lang at napakikisamahan  sya ni Xylo. Mukha pa namang papatay anumang oras si ginoong Theodore. Kakatakot!




"Sya pala yung hinahanap nyo. Sya si Theodore," nakangiting wika ni Xylo.




Sinasabi ko na nga ba sya si Ginoong Theodore. Kasi naman napansin ko kanina. Yung suot nya all black tapos yung kulay nya parang matamlay. Katulad na katulad ng description ni Reyna Harmony.


"Sya yun?!"Nanlalaki ang mata na tanong ni  prinsesa Melody.


Rumihestro ang pagtataka sa mukha ni Xylo.


Alice💠Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ