Chapter 44

142 24 0
                                    

Chapter 44

Third Person's POV

Isang magandang babae na may maikli at itim na kulay ng buhok ang lumapit kay Theodore. Pula ang suot nitong gown na may slit may mahabang slit dahilan upang mas makita ang makinis nyang hita.

"Magandang gabi sa iyo ginoo," wika ng babae gamit ang ganyang malamig ngunit nakakaakit na na boses saka lalong lumapit kay Theodore.

Hindi naman pinansin ni Theodore ang babae na kumapit pa sa braso nya.

"Maari bang alisin mo ang iyong kamay saaking braso?" Pagsusungit ni Theodore saka sinamahan ng tingin ang babae.

Tumawa naman ang babae at hinampas ng mahina ang braso ni Theodore. "Ang sungit mo naman ginoo. Hindi dapat ganyan ang inaasal mo sa harap ng magandang binibining gaya ko."


Pilit na inalis ni Theodore ang kamay ng babae saka lumayo. Nagpalakad-lakad sya sa gitna ng maraming mga wizard at witch na naroon sa pagnanais na makalayo sa babae. Umalis na muna sya at lumayo sa kahit kanino. Sa paglalakad ay napadpad sya sa mahabang hallway. May malalaking bintana sa bandang kanan at sa kaliwa naman ay ang pinto ng mga kwarto. Tumingin sya sa bintana at muli nyang nakita ang malawak na buhanginan at ang dagat. Nakarinig sya ng tunog ng takong kaya naman alam nyang nasundan sya ng babae. Tinapunan nya ng masamang tingin ang babae habang naglalakad papalapit sa kanya. Nagtaka si Theodore at napagsalubong ang mga kilay dahil hindi nya mabasa ang isipan ng babae. Tila ba nahaharangan ito ng kakaibang mahika. Ngumiting muli ang babae ng magkaharap na sila ni Theodore.

"Bakit ba iniiwasan mo ako?" nakacross arms na tanong ng babae.


"Hindi lang ako interesado sayo," mabilis na tugon ni Theodore.

Tumawa ng mahina ang babae saka muling tumingin kay Theodore. "Aray naman! Napakasakit mo naman magsalita. Hindi ka interesado saakin? Bakit ginoo?" Tanong ng babae saka tinagilid ang ulo pakaliwa.

Walang sagot na nakuha ang babae kaya naman mas lalo syang lumapit kay Theodore. Hindi lang gumalaw si Theodore sa kanyang tinatayuan at pilit na binabasa ang gagawin ng babae.



"Bakit mo ba ako sinusundan? Ano ba ang kailangan mo?" Muling tanong ni Theodore habang nakapoker face.

Muling tumawa ang babae. " Tama nga ang sinabi nila. Masungit ka nga talaga."

"Sino ka ba talaga?" Nakakunot-noong tanong ni Theodore.

"Sabihin na nating isa akong kaibigan. Nais ko lang naman na umanib ka saamin Theodore," nakangiting turan ng babae saka tinuro si Theodore.

Napacross arms si Theodore at ngumisi sa babae. "Sa tingin mo ba talaga ay malilinlang mo ako?"


"Mukhang mali talaga ng desisyon na iyong pinipili ginoong Theodore. Nais ba na saktan ko ang binibining iyon," nakangiting wika ng babae saka tumingin ng bahagya sa gilid kung saan nakasilip si Alice.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" Tanong ni Theodore habang nakatingin ng masama sa babae.

"Dahil ito ang inutos saakin at kung hindi ka aanib ay mas mabuti ng mahuli ka ng mga kawal at makulong." Aniya saka naglabas ng punyal mula sa kanyang suot na gown.


Napakabilis ng babae sa bawat kilos nito. Patuloy syang lumalapit kay Theodore at mahigpit ang kapit sa punyal. Sa bawat pag sugod ng babae ay naiiwasan naman ito ni Theodore ngunit sa isang iglap ay nagbago ang sitwasyon. Hindi alam ni Theodore mabasa ang naiisip ng babae kaya nahihirapan sya sa mga susunod nitong gagawin.

Alice💠Onde histórias criam vida. Descubra agora