Chapter 56

174 6 0
                                    

Chapter 56


Alice POV

Matapos ko na i-kwento yung mga nangyari yung tungkol nga sa mga babaeng nagtangka akong saktan ay nang hingi si Theo ng permission sa kanyang parents na kung pwede ay pati ako magkaroon din ng bodyguards. Sinabihan ko na nga si Theo na okay lang naman ako at hindi na iyon kailangan pero talagang mapilit sya. Pumayag naman kaagad ang parents ni Theo.

Pati parents ni Shai ay naalarma dahil nga sa nangyari kaya naman may mga bodyguards na rin si Shai kapag pumupunta sa school. At dahil nga sa nangyari ay nag report na kami sa management ng school. Kaya mas lalong hinigpitan ng school ang seguridad at chinecheck na ang loob ng bag ng mga students. Pinapa paalala na bawal mag dala ng kahit anong patalim. Noong umpisa pa lang alam naman na bawal mag dala ng mga deadly weapon sa school kaya nagulat ako na may dala yung mga babae na yun.

Habang nandito ako sa school ay napapansin ko yung tingin sa'kin ng mga kaschoolmates ko na para bang may ginawa akong mali. Hindi ko alam kung dahil ba may mga kasama akong bodyguards o hinuhusgahan lang nila talaga ako dahil sa mga tingin nila.

Pinahanap din ni Theo yung mga babaeng muntikan na akong saktan pero ni isa ay walang nag match sa mga dinescribe namin ni Shai which means na baka raw taga ibang school yun na pumuslit lang dito sa school pero imposible naman kung ganu'n kasi kilala nila yung apat na queen bee. Hindi ko lang talaga mapag konekta yung mga nangyayari. Para talagang may mali.

Minsan pa nararamdaman ko na para bang may sumusunod sa'kin o minamatyagan ako mula sa malayo. Ang weird lang kasi sa feeling parang sinusundan ako ng multo kaya tumatayo yung balahibo ko. Naikwento ko na rin iyon kay Theo dahil nga sabi nya sabihin ko raw kung may nararamdaman akong kakaiba dito sa school. Kahit nga yung apat na queen bees pina background check nya and talagang mamayan nga yung apat. Malinis ang records nila at nakapunta na ng ibat-ibang bansa. Nag hihinala rin si Theo sa ibang mga estudyante sa school dahil nga baka napag didiskitahan lang nila ako.

Sa tagal ko na andito sa school ngayon lang to nangyari. Elementary pa lang ay nandito na ako kaya naman halos kilala ko na yung mga nandito. Pare-pareho lang kami ni Shai at Josh na kinalakihan ang Lavender Springs Academy . Pasalamat talaga ako kay Miss Melissa Clemente Evans ang principal ng school dahil binigyan nya ako ng scholarship kahit pa hindi naman ako ganu'n kagaling.

Kaibigan nina lolo Johny at lola Amelia si Principal Evans. Tinulugan nya kami sa mga requirements para makapasok ako and syempre just like other students nag take din ako ng exam and interview bago makapasok. Tungkol naman sa tuition, kalahati na lang ang binabayaran namin dahil nga sa scholarship na natanggap ko galing sa principal. Sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako pumapasok dahil karamihan ng nandito ay sikat o mayayaman.

"Ang lalim ng iniisip ah. " Nag balik naman ako sa wisyo dahil sa biglang pag sulpot ni Cleyrie.


"Bagay kayo ni ano... " Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.


"Ha? Nino? "


"Edi si Matthew. Tsaka balita ko lagi raw kayong magkasama. Nag dadate sa mall ganu'n. " Ang bilis talaga makasagap ni Cleyrie ng chismis.


"So ano? Kayo na nga? " Tanong ni Cleyrie habang malapad ang ngiti sa'kin.

"Uy hindi ah. Magkaibigan lang naman kami. " Totoo naman kasi kahit pa lagi kaming magkasama.

Parang dati lang kasi shiniship din nila ako kay Josh noon. Ewan ko ba sa kanila at kung sino sino na lang shiniship nila. Hindi lang naman sa'kin to nangyayari kahit pa sa iba kong mga kaklase o kaschoolmate.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alice💠Where stories live. Discover now