Chapter 32

83 38 0
                                    


Chapter 32


Alice POV

Ang dami ng nagbago ngayon. Hindi na ganoon kataray sa'kin si Melody. Naalala ko tuloy yung araw na makita ko syang umiiyak. Yun yung mga panahong kakasakay pa lang namin dito sa barko.

Hapon na noon at sinabi ni Prinsesa Melody na matutulog na sya. Nagtaka naman ako kasi maaga pa naman para matulog kaya nagpunta ako sa kwartong tinutulugan namin. Pagdating ko sa kwarto ay nakarinig ako ng mahihinang paghikbi. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka ito isinara at ni-lock. Nakatalukbong lang ng kumot si Prinsesa Melody at rinig ko pa rin ang kanyang paghikbi.

"Prinsesa..." Naupo ako sa gilid ng kama at tumigil sya sa paghikbi.

"Bakit kayo narito?" Tanong nya at halata sa kanyang boses na umiiyak sya.

"Nag aalala lang ako sayo. Hindi ka naman kasi ganyan. Kanina ko pa napapansin na matamlay ka. May problema ba?"

Nagulat naman ako ng bigla syang tumayo at sumigaw. "Bakit ka ba ganyan?! Bakit ba napakabait mo sa'kin kahit pa nasusungitan o nasisigawan kita?!"

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya ng diretso. "Dahil yun ang dapat na gawin. Hindi ko kailangan na ipakita sayo kung ano ang ipinapakita mo sa'kin."

Napaluhod sya at lalong humagulgol. "Ang sama ko. Napakasama ko."

"Kaya siguro walang sinuman ang gusto akong  kausapin dahil nagiging mapagmataas ako sa kanila. Patawad...Patawad sa hindi magandang asal na ipinakita ko sa iyo, Alice." Lumuluha nyang wika habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang mukha.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Niyakap nya rin ako pabalik habang patuloy pa rin sa pagluha. Hinayaan ko lang sya na umiyak kahit pa mabasa ang suot kong damit.

Ilang sandali pa ay lumayo sya sa'kin at pinunasan ang mga natitirang luha sa kanyang pisngi.  "Patawad kung nabasa ko pa ang damit mo. Talagang masama lang ang aking pakiramdam ngayon. Labis akong nangungulila sa aking kapatid. Gusto ko syang makita, gusto ko nang bumalik sa rabbit castle at sa oras na makabalik ako ay hindi ko na susuwayin pa ang kanyang mga patakaran."

"Dapat lang na sumunod ka. Dahil ikaw ang prinsesa. Ikaw ang magiging role model ng mga nasasakupan mo. Malay mo maging reyna ka rin. Kaya dapat lang na matuto ka na sumunod sa patakaran," Tumango naman sya sa sinabi ko.

"Ito ang unang beses na makasakay ako sa barko ng mga pirata. Hindi ito ang nakagisnan ko pero dapat na akong masanay dahil siguradong matagal pa tayong magkakasama. Huwag mo na rin akong tawagin na Prinsesa. Melody na lang para kapag nasa Amare na tayo ay walang makakilala sa'kin. Sa tingin ko naman hindi pamilyar sa mga taga-Amare ang Rabbit Island. Sana ilihim mo na lamang ang pangyayaring ito. Pakiusap." Ako naman ang tumango sa kanya at muli syang niyakap.

Mag mula noon ay mas naging close na kami ni Melody. Hindi ko inaakala na mag oopen sya sa'kin. Siguro nga hindi ko sya makakausap kung hindi ko sya sinundan noong araw na umiiyak sya kaya masaya na ako ngayon na mas ok na.



Nagbalik ako sa wisyo ng makarinig ng malamig na boses mula sa likod ko. "Tumabi ka nga dyan."

Sumimangot na lang ako at tumabi para makadaan sya. Napansin ko lang na naging malamig ang pakikitungo nya sa'kin nitong mga nakaraang araw. Lagi naman syang seryoso at cold sa'kin pero parang iba kasi ngayon, mas lalong nag iba ang pakikitungo nya sa'kin at mas lalo syang naging masungit.

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Theodore. Si Xylo naman hindi ganoon sa'kin. Mas lalo ko nga syang naging ka-close ng magsimula kaming maglakbay dito. Actually, lahat sila kaibigan ko na dito sa barko. Kaya natutuwa talaga ako. Halos tatlong araw na rin ang nakalipas ng magpasalamat sya sa'kin. Akala ko nga talaga magiging ok na pero hindi pala.

"Alice! Takbo dali! mahahabol tayo ni Zed!" malakas na sigaw ni Mathias habang papalapit sa pwesto ko.

"Takbo dali andito na sya!" Sigaw din ni Johan.

"Eto na tatakbo na!" Kaagad na akong umakyat sa hagdan.

Nakikipaglaro kasi ako sa mga batang gala. Ang saya kasing makipag laro sa kanila. At saka para makapag exercise na rin. Pag akyat ko ay nakita ko na naman si Theodore. Nakasandal lang sya sa pader at seryoso syang nakatingim sa'kin.

"Uy ate Alice, ba't ka tumigil?" nagmamadaling tanong ni Adrian.

"Kaya nga. Baka mataya tayo ni Zed," Saad naman ni Sean na halatang natataranta.

"Baka saksakin pa nya tayo gamit ang baba nya," natatawang sambit ni Fhilip.

Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Fhilip at habang tumatawa ay kitang-kita ko ang matalim na tingin sa'kin ni Theodore. Para bang pinapatay na nya ako sa isipan nya. Tumingin-tingin pa sya sa mga batang gala na kasama ko.

"Hoy! Andito na si Zed!" Sigaw ulit ni Johan habang mabilis na tumatakbo papunta sa direksyon namin kaya naman tumakbo rin kami ng mabilis.

Ilang oras din kaming nagpaikot-ikot sa iba't-ibang parte ng barko dahil sa paglalaro. Naupo na lang kami sa sahig ng nakaramdam kami ng pagod. Natatawa pa kami sa mga sarili namin dahil pare-parehong magulo ang buhok namin dahil sa pagtakbo.

Si Melody naman ay halos gumapang na lang dahil sa kapaguran. Si Darlina naman ay nakahiga na sa balikat ko. Pero kahit na nakakapagod maglaro ay masaya naman. Matagal na panahon din mula ng todo akong maglaro ng gaya ngayon. Maghapon talaga kaming naglaro.

"Kakain na tayo!" sigaw ni Pearl mula sa kusina.

Nagkatinginan kaming lahat saka ngumiti. Makikita sa mga mukha namin ang saya kahit pa mukha na kaming nga gusgusin.

"Paunahan na!" Sigaw ni Zed saka pinipilit na tumayo.

"Bahala kayo dyan uunahan ko na kayo," Natatawang sambit ni Sam saka naunang tumayo.

"Ang daya mo!" Sabay na sigaw ni Mathias at Johan.

"Mauubusan kayo ng pagkain kung di pa kayo tatayo dyan," Saad ni Wilfred saka tumakbo.

"Kaya nga. Bilisan nyo dyan." Tumatakbong saad ni Christopher. Ewan ko ba doon tumatalon sya na natakbo.

Ano sya kanggaro? May lahi atang kanggaroo yun e.

"Hey Wait for us!" Sigaw naman ni Fhilip.

Napansin ko na kami na lang pala ni Fhilip yung maiwan. Grabe! basta pagkain ang bibilis talaga nila.

Pagdating sa hapag kainan, ayun! Walang pansinan talagang kain kung kain. Wala silang sinasayang na kahit katiting na pagkain. Yung malaking isda na nahuli nila noong nakaraan ayun! Ubos na ubos. Kulang na lang pati yung tinik kainin na nila. Kasama rin namin sina Lucky at Camila. Yung alaga nina Mathias at Kapitan Minari. Nandito rin si Fabian, isa syang racoon at alaga naman sya ni Wilfred. Bihira ko lang  sya makita dito sa barko.


Pagkatapos kumain ay tinulungan ko kaagad si Pearl sa paglilinis sa pinag kainan. Ako ang madalas na nag pupunas ng mesa at naglalampaso ng sa sahig. Alam kasi ni Pearl na lampa ako kaya hindi na nya ako hinahayaan na maghugas  ng plato.

Maingat kong nilalampaso ang sahig habang nakaharap naman si Pearl sa mga hugasan. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako kapag pinapalutang nya yung mga bagay bagay dito sa loob ng barko.

"Mukhang nasisiyahan talaga silang makipag laro sayo," nakangiting lumingon sa'kin si Pearl habang may bula pa ang platong hawak nya.

"Oo nga. Ang saya talagang makipaglaro sa kanila. Hindi ko napapansin yung oras," nakangiti kong wika saka ipinagpatuloy ang paglampaso sa sahig.




Nakangiti pa ako habang patuloy na nilalampaso ang sahig ng  bigla na lang tumagilid ng bahagya ang barko. Kaya naman natumba ako sa sahig. Aray ko po!

"Ano kayang nangyayari?" nag aalalang tanong ni Pearl saka dali-daling lumabas  sa kusina.

Sinundan ko naman sya. Ano kayang meron?

________





Alice💠Where stories live. Discover now