Chapter 30

125 39 0
                                    

Chapter 30

Alice POV

Pipikit na sana ako ng may narinig akong sumigaw ng malakas.

Naalala ko yung sinabi kanina ni Kapitan Minari na huwag lang papansinin ang kahit anong ingay sa labas kaya nagtalukbong na lang ako ng kumot at pumikit ng mariin. Pero kahit anong dedma ko ay lalo ko lang naririnig ang sigaw. Para bang humihingi ng tulong. Napaupo na ako sa kama at kinuha ang lampara na nasa side table.


Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at maingat na naglalakad para hindi makagawa ng tunog. Sana naman hindi ako atakihin ng kalampahan ko.

Sinundan ko ang boses.

"Halika dito...Tulong.."


Tila ba nanghihina yung may ari ng boses.


Sa paglalakad ay dinala ako ng aking mga paa sa isang malaking pader sa dulong parte ng hallway.


"Itulak mo lang ang pader..."



Sinunod ko naman ang boses. Binitawan ko muna ang lampara sa gilid saka buong lakas na itinulak ang pader. Sa pagtulak ay bumaliktad ang pader at napunta ako sa kabilang kwarto. Napakadilim ng paligid. Ang malas pa dahil nasa kabila pa yung lampara na ginamit ko.


Napalunok na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad kahit pa wala akong makita. Sa paghakbang ay nagulat ako ng biglang magkaroon ng liwanag galing sa mga tourch na naka lagay sa pader.

Habang naglalakad ay napansin ko ang isang lumang pinto. Bago ko buksan ang pinto ay kumuha muna ako ng tourch na nakalagay sa pader.


"Pakiusap tulong!" Hiyaw ng boses.

Napalingon ako sa likod. Nakakapagtala lang kasi kanina ko pa naririnig yung pag hiyaw pero mukhang hindi talaga naririnig ng iba kong kasama. Napalunok na lang ako saka pinihit ang doorknob. Tanging ang tourch na hawak ko lang ang nagsisilbing liwanag.



"Lumapit ka pa.."

Halata talaga sa boses ang panghihina. Habang nasa loob na ako ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses. Teka! Ang lalim ng boses parang pamilyar  sa'kin. Itinutok ko ang tourch sa isang sulok ng silid at nakita ang isang lalaki na nakakadena ang kamay at paa. Napatakip na lang ako ng bibig ng makita ang kalagayan nya. Punong-puno ng sugat ang kanyang katawan. Mukhang pinipilit nyang makawala sa pagkaka-kadena. Nakayuko lang sya sa'kin.

May kung ano sa loob ko ang gusto syang lapitan. Para bang hindi ko kontrolado ang kilos ko. Hindi ko namalayan na medyo malapit na pala ako sa lalaki. Lalo kong naaninag ang kanyang mukha ng makalapit ako.



"G-ginoong Theodore.."Pag banggit ko sa pangalan nya.

Inangat nya ang kanyang ulo saka tumingin sa'kin. Kitang-kita ko ang pula nyang mga mata. Nakita ko rin ang pag ngisi sya sa'kin. Kinilabutan ako sa pag ngisi nya.

"Nandito ka na.." Matalim nya akong tiningnan habang nakangisi pa rin.

Gusto kong tumakbo o umatras pero napako lang ako sa kinatatayuan. Shems! Ayoko ng ganito!

Buong lakas nyang hinatak ang mga kadena at kaagad nya itong natanggal. Lalo akong kinabahan ng mabilis syang makalapit saakin. Ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko. Tila ba bumigat ang paghinga ko dahil sa ginawa nya.


"Nagugutom na talaga ako..."Bulong nya sa tenga ko. Nanindig naman ang balahibo ko dahil sa ginawa nya.


Wala na akong magagawa sa mga oras na ito pero please ayoko pang mamatay. Ayokong sisipin lang ng kalahating bampira na ito ang dugo ko sa katawan. Hinawakan ni Ginoong Theodore ang bewang ko at inilapit pa sa kanya.



Alice💠Where stories live. Discover now