Chapter 7

157 59 1
                                    

Chapter 7

Alice POV

Nagulat ako ng biglang lumingon sa akin yung rabbit na nasa trono pati na rin si Melody. Nanlalaki pa ang mga mata ni Melody ng makita ako na parang nakakita sya ng multo.

"Melody!!"sigaw ng reyna. "Nag sama ka ng isang witch at hindi manlang ito ipinapaalam saakin?"

Huh? Witch? Sino? Ako?

"Nakikita nyo ako?"Nagtatakang tanong ko. Pero hindi nila ako sinagot.

"Sinasabi ko na nga ba at lumabas ka ng Rabbit kingdom. Ilang beses na kitang sinabihan na huwag aalis dahil may mga mababangis na halimaw sa labas ng ating kaharian. Hindi ka ba natatakot para sa iyong kaligtasan?"Nag aalalang wika ng reyna.

"Ngunit mahal na kapatid hindi naman ganoon kalayo ang pinuntahan ko at pasensya na kung hindi ko sinabi sayo na isinama ko sya,"ngumiti ng pilit si Melody saka tumingin sa akin.


Halata naman na nag papalusot lang sya para hindi mapagalitan. Pero hindi naman ako witch kasi tao ako. Bakit naman nila iisipin na witch ako?


"Ano ang pangalan mo?"tanong saakin ng reyna saakin.

Napatulala ko sa mukha nya at naisip ang mga dinaanan ko kanina. Hindi ako makapaniwala na nandito ako sa lugar na 'to. Pero kinurot ko naman ang sarili kanina. Hindi nga ito isang panaginip lang. Hindi ako makapaniwala na nakikipagusap sa akin ang mga rabbit.


Nag balik ako sa wisyo ng kalabitin ako ni Melody. Maliit sya dahil nga rabbit sya. Kaya sa may binti nya ako kinalabit.


"Ahh....ehhh..Ako po si Alice,"nakangiti kong sambit sa reyna saka nag-bow ng bahagya.

"Alice, ano naman ang iyong mahika?"malumanay na tanong saakin ng reyna.


Natulala  nanaman ako sa tanong nya. Ano naman kaya ang isasagot ko? Wala naman akong kapangyarihan na kahit ano. Kinalabit nanaman ako ni Melody. Tumingin ako kay Melody at ang sama ng tingin nya saakin. Para bang pinapatamaan nya na ako ng mga sibat sa mga tingin nya sa akin.


"Tinatanong ka ng reyna. Kaya sumagot ka. Mag sabi ka ng kahit na anong mahika,"pabulong nyang sambit saakin.

Napabuntong hininga ako. Hindi ako makaisip ng kahit anong magic na napapanood ko sa TV. Para bang na mental block na ako dahil sa mga tingin nila sa akin at naguguluhan  na talaga ko. Napailing-iling na lang ako sa isipan. Hindi ko kayang mag sinungaling.




"Ahmm..ano po kasi.."Ramdam ko na nakatingin silang dalawa saakin at inaantay ang isasagot ko.

"W-wala po akong kahit anong mahika,"nauutal kong sagot.

Napapikit naman si Melody sa sinabi ko. Habang ako naman ay napayuko.


"Melody! Ipaliwanag mo nga kung papaano nakapasok sa ating kaharian ang isang tao?"tanong ng reyna na halatang naiinis.

Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon