Chapter 42

136 25 0
                                    


Alice POV

Nabanggit saamin ni Theodore na mas lalo ngang nag higpit dito. Sabi ng tindero na nakausap nya ay may gaganapin na pagdiriwang ngayong gabi para sa  kaarawan ng prinsepe. Kaya dapat lang na makaalis na kami ngayon.

Naglalakad na kami papunta sa dulong parte ng Maris. May mga matataas na pader at may malaking tarangkahan ang nandito. Inuusisang maigi ng mga kawal ang mga pumapasok at lumalabas. May mga witch din silang kasama at itimututok ang speter sa mga nadaan. Parang kakaibang security system.

"Guro, mukhang mahihirapan tayong makaalis sa lugar na ito. Masyado silang mahigpit," bulong ni Xylo.

Seryoso lang si Theodore na halatang iniisip ang gagawin namin.  "Sundan nyo ko," aniya saka lumiko sa bandang kanan. "Sumunod na muna tayo sa mga nagtatanghal."

Tumango naman kami ni Xylo at patuloy na sinundan si Theodore. May isang karwahe na naglalaman ng mga dayami kaya naman mabilis kaming umakyat do'n at nagtago. Siguro nga ipapakain nila ang mga dayami na ito sa mga alaga na kasama sa tila ba circus. Patuloy lang kaming nagtago hanggang sa makarating kami sa isa pang tarangkahan. Malaki rin ito gaya ng kanina.

"Papasok tayo sa kastilyo. May alam akong daanan palabas dito." saad ni Theodore habang nakapikit ay nakaupo na sa mga dayami.

"Paano kung mahuli tayo?" Lumingon-lingon pa sa paligid si Xylo at hindi na mapakali.

"Gagawa ako ng paraan para makaalis tayo." Confident naman si Theodore ng sabihin nya ang mga salitang yan habang nakacross arms pa.

Kahit naman ako hindi na rin mapakali. Siguradong sa kulungan na ang bagsak namin kapag nahuli kami na pumuslit lang dito sa karwahe ng mga dayami. Pero sige, pagkakatiwalaan ko na rin si Theodore tutal marami naman syang spell na alam.

Nang huminto ang karwahe ay mabilis kaming bumaba. Namali pa ako ng tapak kaya natumba pa ako. Buti na lang at hindi ako napilayan. Hindi na nagcast ng spell si Theodore sa'min dahil wala naman daw napunta sa hardin kapag ganitong panahon na may celebration. Mabuti naman dahil kailangan na naming makaalis kaagad. Mabilis pero mapagmasid  kaming naglakad patungo sa hardin. Kakaiba ang hardin dahil may mga lumulutang na tubig ang dumadaloy sa lugar. Napatingala ako at namamangha sa ganda ng lugar ng biglang  sumulpot na fountain sa harapan ko. Sa sobrang gulat ay hindi ko ito naiwasan  kaya naman nasubsob ako sa fountain.

"Naku! Pasensya na!" nag aalalang wika ng isang lalaki.

Napatayo ako ng maayos at tiningnan ng mabuti yung lalaki. Nakanavy blue sya na coat, may gintong korona na may blue gems ang nakapatong sa kanyang ulo at ang ganda ng kanyang tindig. Itim ang kanyang buhok at ang pares ng mapupungay nyang mga mata ay nakatutok lang saakin.






"Ayos ka lamang ba binibini? Halika tutulungan na kita," nilahad nya sa harapan ko yung kamay nya. Kinuha ko naman iyon at tinulungan nya akong makaalis dito sa fountain. Napalingon naman ako kay nila Theodore at Xylo na pumunta sa pwesto ko.

Lumingon naman yung lalaki saka ngumiti. "Kasama nyo ba ang babaeng ito?"

"O-opo, pasensya n-na po kung ano man ang kalampahan na ginawa nya," paulit-ulit na nag-bow si Xylo halata na kabado sya kasi naman nauutal pa sya habang nag sasalita.

"Naku! Hindi naman sya ang lampa kundi ako. Dahil hindi ko sinasadyang palitawin ang fountain na ito. Pasensya ka na talaga Binibini," tumingin muli sakin ang lalaki at nakikita ko ang pag aalala sa mukha nya. "Wala bang masakit sayo?"

"Ahh...wala po. Ayos lang ako," ngunit ako ng malapad at napansin ko na nakatulala sa'kin itong lalaki.

"Binibini, anong pangalan mo?" Nakatingin lang sya ng diretso sa mga mata ko.

Alice💠Where stories live. Discover now