Chapter 13

456K 7.5K 490
                                    

Chapter Thirteen

"Attention"

Tumingin muna ako sa kaliwa at kanan kahit na alam kong ako lang mag-isa sa kwarto, nakaupo ako sa kama at nasa harapan ko ang aking laptop. Bumaling ako sa screen at pinindot ko na ang kanyang pangalan.

Brooks Elle Fortaleza

Hindi lamang siya maganda kundi pati ang kanyang pangalan mismo ay maganda din pakinggan. Kiniclick ko ang kanyang profile picture at napaawang ang bibig ko nang makita kong sobrang dami ng naglilike sa kanya. Grabeh. Simpleng picture lang na nakangiti siya sa camera at naka-V sign ang kamay pero parang na siyang artista.

Ano kaya ang kinakain niya at sobrang manipis ng kanyang pangangatawan? 

Pagkatapos ng ilang oras ng pagsastalk sa kanya ay nalaman kong only child pala siya ng isang kilalang businessman. Si Mr. Wilson Fortaleza at Mrs. Kristabelle Fortaleza. Taga-La Union siya at nalaman ko din na siya ang magmamana ng kanilang restaurant business.

Magkapareho lang pala kami ng edad at kumuha siya ng course na culinary arts doon sa US. Magkapareho pa sila ng unibersidad na pinasukan rin ni Eleven doon. Umuwi lamang siya ng Pilipinas para tumulong sa pag-aasikaso ng negosyo ng kanyang pamilya.

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang mga albums niya sa kanyang profile.

Hanggang sa napahinto ako sa isang litrato nila ni Eleven.

Agad kong niclick ang album na may pangalan "NYC" kung saan ang album cover ay siya at si Eleven. 

Ang daming mga pictures nila kasama ang mga kaibigan nila na taga-New York. Hindi ko din inasahan na ang dami na pala nilang mga lugar na napuntahan ni Eleven, dahil hindi lamang iyon ang mga nahanap kong litrato nilang dalawa kundi nahuli ko pa ang mga litratong namamasyal sila sa ilan pang mga states ng US. Mountain climbing, picture of the beach, nakatopless si Eleven habang nasa tabi niya si Brooks na nakasuot ng bikini. Childhood friends talaga ah? 

Parang kabisadong kabisado na silang dalawa sa isa't isa.

Ugh, ano ba ang silbi nitong ginagawa ko? 

Sinara ko ang laptop ko at sumimangot. Paki alam ko ba kung close sila ng Brooks na yun? Tss! Bahala na nga sila! It's their relationship anyway.

Pero... nakakapagtataka lang talaga. Ilang araw na ang nakalipas magmula noong araw na pinakilala sa akin ni Eleven si Brooks at gabi-gabi paring lumalabas sa bahay si Eleven para sa part time job niya.

Wala naman akong problema na mayroon siyang trabahong pinapasukan. Bakit naman magiging problema ko iyon? Para sa kanya naman iyon 'saka mabuti rin iyon para hindi ko na siya makikita gabi-gabi na nag-uuwi ng babae. Pero nakakainis lang talaga. Nakakainis dahil magmula noong nakita ko sila ni Brooks na magkatabi noong araw na iyon ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na kung anu-ano na lamang ang mga naiimagine ko tuwing iniisip ko kung ano kaya ang ginagawa ni Eleven doon sa bar na yun. If he's there, I'm sure Brooks is there every night too. Magkasama sila. 

Not to mention na tuwing umaga, kapag magkikita kami ni Eleven ay lagi kong siyang nahuhuli na nakikipagtext sa Brooks na iyon! I don't know, okay? But I just don't like it! Iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon.  

FLASHBACK

"Morning lady!" Bati sakin ni Eleven isang umaga nang pumasok ako sa kusina. Magulo na naman ang buhok ko pero wala naman akong paki-alam dahil si Eleven lang naman ang nakakakita.

"Morning." Walang gana kong sinabi, pagod ako sa kaaaral gabi-gabi. Kinamot-kamot ko ang buhok ko habang antok na antok pa rin.

Umupo ako sa dining table habang inaalala na wala na naman si Kuya Jahziel sa bahay.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon