Chapter 34

289K 4.4K 782
                                    

Chapter Thirty Four

"Own Me"

SOBRANG tahimik namin sa loob ng kanyang kotse. Nasa back seat nga ako, si Brooks naman nasa front seat. "Okay ka lang ba dyan, Athalia?" Nilingon ako ni Brooks. Nakangiti siya sakin. Tumingin ako sandali kay Eleven at nahuli ko na siyang nakatingin sakin mula sa rearview mirror.

"Okay lang ako." tumango ako at ngumiti narin. Tumango tango din si Brooks at bumaling na siya sa kalsada. I wondered if she knew Eleven's dirty tricks behind her back.

Tahimik na hininto ni Eleven ang kotse sa labas ng building at agad akong bumaba ng sasakyan. "Thanks for the ride. Sorry talaga for the inconvenience." sabi ko nang nilingon ko sila at sinara na ang pinto ng sasakyan.

"Ano ka ba Athalia, it's perfectly fine. Eleven is kind. Of course, ihahatid niya ang sister ng kanyang bestfriend." Ngiti ni Brooks at nakita ko ang paghaplos niya sa braso ni Eleven. Sumikip ang dibdib ko ngunit nagkunwari akong wala akong naramdaman dahil dapat naman talaga wala.

"Well, good night then. Thank you ulit. Ingat kayong dalawa sa biyahe."

"Bye Athalia!" Ani Brooks. Tiningnan ko si Eleven pero nakatingin na siya sa kalsada at nagsimula nang magmaneho. Sa isang iglap ay humarurot na sila at naiwan akong nakatayo mag-isa sa tapat ng building.

Nang humarap na ako sa gate ay bubuksan ko na sana ito nang mapansin kong hindi ko dala ang aking purse. Oh my god! I left it in Eleven's car. Paano na ako makapasok ngayon sa bahay? My keys were in there. Napamura na lamang ako sa aking sarili. Nandoon din ang aking cellphone. Ano nang gagawin ko ngayon?

Kumalma ako at huminga ako ng malalim. Pumunta ako sa receptionist ng condominium at sinabi ko sa kanila ang aking sitwasyon. Kilala na nila ako kaya binigyan nila ako ng spare key.

Nakihingi ako ng telephone at tinawagan ko si Kuya para tawagin niya si Eleven at sabihin niya ang sitwasyon.

"I just called him. Sabi niya paparating na daw siya, Ath."

"Sige thank you, kuya."

And that was it. Ginamit ko ang spare key para makapasok ako sa aking unit. Naligo ako at nagbihis hanggang sa nagring ang doorbell ko. Eleven. I put him on speaker.

"Eleven? Ikaw yan?" tanong ko.

"Yeah. I got your things."

His voice on the speaker was so sexy, and so familiar... Nakakainis na ganito ang napapansin ko!

"I'll go downstairs, wait for me--"

"Ath, you don't need to. I can come upstairs for you. I don't want you to have to come down for me. Pagod ka na."

I was gonna say no. Pero napaisip ako. Wala namang problema kung aakyat siya. I'm all freshened up and I just wanna rest and sleep now. Aakyat lang siya at kunin ko ang wallet sa kanya and we'll say our goodbyes. Kung may problema ako doon, parang pinapakita ko na rin sa kanya na apektado parin ako sa mga nangyari sa amin noon.

And I can't let him think that.

"Okay.."

Umupo ako sa may dining table malapit sa malaking bintana ng aking kwarto. Tinignan ko ang siyudad sa labas nito at ang mga city lights.

Ilang sandali ang nakalipas hanggang sa wakas ay napatayo ako dahil may kumatok sa pinto.

"It's me." Ani Eleven.

"Eleven, thank God." Sinalubong ko siya at nakita kong suot niya paring ang kanyang suot sa party. "Iyong purse ko."

"Here.." binigay niya sa akin ang aking purse. Nang kinuha ko ito ay nadulas ito sa aking kamay at tuluyang bumagsak sa sahig. Nagkalat kaagad ang mga gamit ko mula sa aking purse sa sahig. Damn it. Pinulot ko ang mga bagay na lumabas mula sa aking purse nang napansin ko si Eleven na tumutulong sa akin.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon