Chapter 3

632K 10.2K 681
                                    

Chapter Three

"Not Just Anyone Will Do"

Magmula pa nung bata pa ako ay may gusto na ako kay Mishael. Si Mishael Stratford. Anak ng bestfriend ng mommy ko na si Mrs. Ezra Damish Stratford. May malaking business ang mga magulang niya at pangalawa siya sa tatlong magkakapatid.

Una ko siyang nakilala nung grade 5 ako, bumisita sila at ng mommy niya sa bahay namin nung nandito pa sa manila nagtatrabaho ang mga magulang ko. Sa una ko lang na pagkakakita sa kanya (kahit ang snob niya sakin) ay nagkaroon na ako kaagad ng interes sa kanya. Ewan ko ba sakin pero pakiramdam ko talaga, may something sa kanya.

Nang tumungtong ako ng highschool, doon ko na talaga nakumpirma na crush ko na talaga siya. Sa buong four years ng highschool ay lage kaming classmates at laging siya ang nakaupo sa likuran ko. As if parang destiny!

Bakit ako nagkagusto sa kanya? Nakapa-mysteryoso niya kasi. At ang amo ng mukha niya. Kaya lang medyo masungit at matalas ang dila, pero type na type ko talaga siya. Kahit pokerface siya, kahit ang hirap niyang abutin.

Hindi kami close kahit na napaclose naman ng mga mommy namin sa isa't isa. Hindi rin kami nag-uusap kasi nga napakatahimik ni Mishael. Ang tanging conversation lang namin sa buong 6 years ng pagiging schoolmates namin ay tuwing nanghihiram ako sa kanya ng papel o nag-e'excuse me' ako tuwing dadaan ako sa kanya.

Matagal ko naring pinapangarap na balang araw, kakausapin niya rin ako.. na balang araw mapapansin niya rin ako.

Pero... LETSE!

"I hate clumsy people." Yan pa talaga ang unang sentence na ibabanggit niya sakin sa buong buhay ko?! Seryoso?!

"Asan na ba yung malanding aso na yon?! Ugh!" ginulo ko ang buhok ko habang hinahanap sa campus si Eleven!

Oo hinahanap ko siya! Bakit? Para buhusan siya ng muriatic acid! (Joke lang pero kung pwede ko lang sanang gawin yun eh gagawin ko talaga) Magsasampung minuto na ata akong naghahanap sa kanya. Eh ang laki laki pa naman ng campus! Aish!

Pero bahala na! Wala na akong paki-alam! Ang gusto ko lang ngayon ay kung hindi ibuhos sa kanya ang lahat ng muriatic acid na makikita kong naka-stock sa science lab namin, ay ibuhos ko na lang sa kanya ang galit ko! Magbabayad siya!! Nang dahil sa kanya na-turn off na kaagad ang long-time crush ko sakin!

"Hey Athalia!" habang naghahanap-hanap ay biglang may nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko ang isang matangkad na lalake na may tatlong kasama sa likuran.

"Ah hi Ronald." sabi ko at tumingin tingin na ulit sa paligid para mahanap si Eleven. Si Ronald ay isa sa mga ka-batchmates ko nung highschool. Gwapo siya and I heard magaling rin siyang kumanta.

"Are you busy? Uhh.. Are you looking for someone?" Tanong niya.

"Oo.." tanong ko, hindi parin nakatingin sa kanya dahil masyado akong nagcoconcentrate sa paghahanap kay Eleven.

"Umm Athalia, by the way, are you free for tonight?" nang narinig ko ang sinabi niya ay napatingin ako sa kanya. Napakamot siya sa kanyang noo at mukhang kinakabahan.

"Bakit?" nang nagtanong ako ay nakita kong nakangisi ang mga kaibigan niya na nakatayo sa kanyang likuran.

"I wanna ask you out. Y-You know? On a date?" ngumiti siya sakin at nakita kong lumabas ang kanyang dimples.

"Uhh.." hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko.

Minsan lang kasi talaga kung may magyaya sakin ng date kasi karamihan sa mga lalake na nagkakagusto sakin, ay takot sa kuya ko, o di kaya sa mga kabarkada niya, specifically si Eleven.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon