Chapter 33

319K 3.9K 340
                                    




Chapter Thirty Three

"Back Seat"

KUMAGAT na ang dilim at nakaupo lamang ako sa isang dulo ng waiting shed malapit sa nakahintong sasakyan ni Eleven. Nagbuntong-hininga ako habang nakahalukipkip at nag-iskrol-iskrol ng aking cellphone. Nababasa na ang gilid ng aking damit dahil sa lakas ng ulan. Tumingin ako kay Eleven na nakaupo din sa kabilang dulo. Kanina pa kaming dalawa nakahintay sa kanina'y tinawagan ni Eleven na sumundo sa amin at upang mapalitan din ang isa pang gulong ng kotse niya. It turned out there were two flat tires, pero napalitan na ni Eleven ang isa gamit ang spare niyang dala. Kaya ngayon ay basang-basa na siya, magulo at marumi dahil sa pagpalit niya nito sa ilalim ng ulan.

Tinawagan na namin sina kuya at Rickzyn tungkol sa aming sitwasyon, pero nag-insist si Eleven na darating 'yong tinawagan niyang mga tauhan niya.

"Eleven, sigurado kang hindi naliligaw ang mga tauhan mo? Ang tagal naman nila." Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya na ngayon ay halatang giniginaw na. Kinagat ko ang aking labi. Kahit dismayado parin ako sa kanyang maruming asal ay hindi naman ako sobrang sama para hindi mag-alala sa aking kapwa. "Maghanap na lang kaya muna tayo ng mapupuntahan at para makapagpalit ka na din ng damit? Magkakasakit ka niyan."

"I'm fine. Don't worry about me."

Nag-abot muli ang aking mga kilay at tumingin na lamang ako sa mga bahay na nasa 'di kalayuan. Tumayo ako. "Magtanong-tanong tayo doon oh. Baka matutulungan nila tayo."

"Athalia, it's raining. Sit down. Darating din 'yong mga tinawagan ko." Aniya. "You should get in the car cuz it's safer inside. I just can't get in cuz I'm soaking wet, but go ahead."

Tama naman siya...

"Okay." sabi ko at tumayo. "I'm just trying to suggest something to help. Paano kung matatagalan pa ang mga tauhan mo? You're soaking wet. Hindi mo na sana pinalitan 'yong isang gulong eh. Paano kung magkakasakit ka?"

Tumingin siya sakin at natigilan ako. Nakakainis na magandang lalake itong taong ito.

"I won't get sick, so don't worry."

Ano siya, si Superman? Sumimangot na lamang ako at hindi na ako nagsalita pa. There's no point talking to him. Malaki na siya para gumawa ng sarili niyang mga desisyon. Naglakad ako pabalik sa kanyang kotse nang tumunog ang aking tiyan. Damn it. Napatingin si Eleven sa akin.

"Nagugutom ka na?"

"Oo.." sabi ko, nakasimangot. "Pero ok lang. Sabi mo darating din yong mga tauhan mo. We'll get home soon."

Nagbuntong-hininga si Eleven. "We passed by an Inn before we got here. Malapit lang 'yon at pwede nating lakarin. We can go there and find dinner, but we have to run because it's raining."

Napatingin ako sa kanya at nadatnan ko ang mga perpekto niyang mga mata na nakatingin sa akin. For a second, the way he looked at me felt so familiar.

Sa huli ay pareho na kaming tumayo. Lumapit si Eleven sa'kin at hinubad niya ang kanyang suot na polo. Ginamit namin iyon bilang payong namin, and we started running under the rain. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Si Eleven ay halos nakaakbay na sa akin dahil siya ang may hawak sa kanyang polo na nasa itaas ng aming mga ulo.

"Ang sasakyan mo? Paano kung nanakawin?"

"You're worrying too much." Tiningnan niya ako nang nakakunot ang perpektong noo. "Ikaw ang may gustong makaalis muna tayo doon." Aniya, hinihingal habang pareho kaming tumatakbo. "And I don't want you hungry. Bahala na muna iyon."

***

PUMASOK kami't ng Inn at hindi ko akalaing magcheck-in talaga ng isang bedroom si Eleven. Gusto daw niya kasing maligo at magpalit ng damit. Binili niya ang isang jeans at Tagaytay shirt na nakita namin sa gift shop ng Inn.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon