Chapter 31

312K 3.9K 790
                                    

Chapter Thirty One

"Best Man"

"Uuwi na kayo dude?" Tanong ni Dishon sa amin ni kuya. Nasa table na ulit ako nakaupo sa tabi ni Mishael nang lumapit sina Kuya at Rickzyn sakin at sinabi ni uuwi na raw sila. Napag-usapan namin ni Mishael na mabuti at umuwi na rin kami. Pareho narin kaming pagod sa trabaho.

"Oo. I was about to tell you, Dish." Tango ni Kuya kay Dishon.

"What? Come on! Seriously?! It's not even 12 yet!" Nagtaas ng kilay si Dishon habang tinataas ng kanyang kamay ang isang wine glass at may babaeng sumasayaw bigla sa gilid niya. "Oops, babe I'm talking."

Napailing lang ako habang pinagmasdan kung paano kinagat ni Dishon ang kanyang labi at kinikindatan yung babae na nagsasayaw narin palayo. 

Tinapik ni kuya sa balikat si Dishon.

"Sorry Dish but I gotta take care of my girl." kindat ni Kuya.

Humalakhak si Dishon.

"Dishon.." Tiningnan siya ng masama ni kuya.

"Okay! Okay! I get it! It's my birthday but you're choosing the damn beauty sleep of your Rickzyn over me!" Tawa ni Dishon, nakataas ang dalawang kamay at umiiling iling. "But Athalia, you and Mishael should stay! Enjoy niyo pa ang gabi!"

Tumingin si kuya sa'kin. Ngumiti ako. Hawak ang kamay ni Mishael, "We're okay, Dishon. I'm getting a little tired from work too, so we'll see you next time we get together na lang. Thanks for the night! Your parties are always a blast."

Napangiti si Dishon.

"Fine! Alright! You guys can go."ani Dishon.

"But seriously Jahz! You've become a stuck up! Dude! You have it bad!" Halakhak na naman ni Dishon.

"Damn right I do. Shut up." Ani Kuya at kinagat niya ang labi niya habang nakatingin kay Rickzyn. Hinawakan niya ang best friend ko sa bewyang para magkapalapit sila lalo sa isa't isa.

"Damn dude! Sweet naman!" Naghihysterical si Dishon habang natatawa narin.

"Your just jealous, man."

"I'm not! Why would I be? I got plenty of girls!" Pagmamayabang ni Dishon.

"You got lots of girlfriends but none of them stick with your crazy shit. You should find one who will, Dishon." Iling ni kuya. Natigilan si Dishon pero natawa lang siya ulit.

"Uwi na kayo?" Lumapit si Moses sa amin, wala na naman si Zarethan. Umuwi na naman siguro. Ilang taon na ang nakalipas at hindi parin talaga nagbago ang pagiging suplado at party pooper ni Zarethan.

"Yup." tango ni kuya at tumingin siya sa akin at kay Rickzyn. Tahimik lang na nakatayo si Mishael sa tabi ko.

"Hm.." tango ni Moses. pero nagulat kami nang bigla siyang may hinigit na babae. "Oops, there you are! Saan ka galing?"

Napatingin kami sa isang babaeng mukhang mas bata pa ata kaysa sakin? She looks fresh twenty? Maganda siya, mataas ang buhok, manipis ang pangangatawan.

"Moses! Ugh!" Naiinis na hinawi ng babae ang kamay ni Moses.

"Easy there, cupcake." Moses chuckled. Cupcake? Hmm.. Who is this girl?

"Guys, this is Celeste. My date for tonight." Nagulat kami nang bigla niyang inakbayan si Celeste. Nanlaki ang mga mata ni Celeste at sinubukan niyang kumawala sa mga braso ni Moses pero masyado atang mabigat ang mga ito.

"Date?" Kumunot ang noo ni kuya.

Natawa lang si Dishon at ngumiti sa sahig na para bang may alam siya tungkol sa dalawa?

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon