Chapter 29

308K 4.7K 552
                                    

Chapter Twenty Nine

"Girlfriend and Boyfriend"

"Cindy, wala na akong mga appointments mamaya diba?" Tanong ko sa aking assistant habang nakasandal at naglalaro sa aking swivel chair sa likod ng desk.

"Opo, doktora." Ngiti niya sa akin. Tumango ako at umupo ulit ng maayos.

"Hay salamat!" Buntong hininga ko.

Ilang bata narin ang tinanggalan ko ng ngipin mula pa kaninang umaga. Nakakapagod talaga ang pagiging dentista, pero maglilimang buwan na mula nung tinayo ko itong sarili kong clinic, ngayon pa ba akong magrereklamo? 

"May lakad po kayo mamaya, doktora?" Tanong ni Cindy.

"Yup! May party akong pupuntahan." ngiti ko. "Atsaka Cindy, sinabi ko na sa'yo diba? Tawagin mo lang akong Athalia. Isang taon lang naman akong mas matanda sa'yo eh. Tsaka di parin ako sanay na tinatawag ng ganyan. Kakagraduate ko pa lang last year eh."

"Naku, okay lang po doktora." Ani Cindy. "Ah nga po pala.. Si Sir Mishael po doc, nakita ko po yung kotse niya. Kanina pa po yata nakaparada yung kotse niya sa labas?"

"Ah! Nandyan na pala siya? He didn't text me yet." Si Mishael talaga. Tumayo ako mula sa swivel chair at tumango lang si Cindy, ngiting-ngiti pa rin sa akin.

Tatlong taon na ang nakalipas mula noong panahon na iyon. Tapos ko ng makuha ang diploma ko sa dentistry, nakapag-OJT, nakapasa ng licensure exam, lahat lahat ng paghihirap na yon ay nalampasan ko na sa wakas.

"Oh mauna na muna ako, Cindy. Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kanya habang hinuhubad ang puting coat ko.

"Okay lang po ako. May mga tatapusin pa po ako rito sa mga appointments para bukas, doc--"

"Athalia, Cindy." Paalala ko sa kanya. Nahihiyang ngumiti at tumango si Cindy at natawa na lamang ako sa reaksyon niya. Ang cute niya kasi. "Sige aalis na ako. Ikaw na bahala dito ah? Bye Cindy!"

Assistant ko si Cindy magmula pa nung binuksan ko itong dental clinic ko. Nag graduate siya ng nursing pero hindi pa siya nakapag-take ulit ng board exam. Nung una raw niyang take ay sa kasamaang palad hindi siya nakapasa. Kaya dito muna siya sa clinic ko, mag-iipon pa raw siya upang makapag-take ulit ng exam sa darating na panahon.

Paglabas ko ay agad na nahagip kaagad ng mga mata ko ang isang kulay puting Hilux na sasakyan na nakaparada sa harap ng aking clinic. May pamilyar at matangkad na lalakeng pormal na nakatayo at nakasandal sa gilid ng pintuan ng front seat nito. Ngumisi lamang ako at lumapit sa kanya.

"Kanina ka pa rito?" Ngiti ko kay Mishael. He just chuckled and leaned over me. Ginulo niya ang aking buhok.

"How's your day at work?" Ngiti niya.

"Eh ano pa nga ba? Nangangawit na ang braso ko sa katatanggal ng mga ngipin." halakhak ko.

Natawa siya sa naging sagot ko, and as usual tahimik parin siyang nakangiti. 

Pinagbuksan niya ako ng pinto ay umupo ako kaagad sa front seat. Umikot siya sa kotse upang makapasok narin sa driver's.

"Pupunta ka sa party mamaya?" Tanong niya nang pinaandar ang kotse.

"Yup! Oo naman! 26th birthday ni Dishon ngayon! It will be a blast!" Tawa ko. Ngumiti lamang siya at nakapatong na ang kanyang mga kamay sa manibela.

"It's still 5 o'clock." Ani Mishael. "Wanna go to the mall and buy something?" Tumingin siya sakin.

"Wag na. Pagod na ako eh, tsaka wala na tayong oras." sabi ko.

Tumango lamang si Mishael at tumulak na kami. Pinagmasdan ko na lang siya habang nagmaneho.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon