Chapter 25

344K 5K 252
                                    

                   

Chapter Twenty Five

"Stay by his Side"

Nang umalis na sila ay nakatulala ako sa loob ng banyo habang ako'y nagshoshower. I lied to them. Hindi ko sinabi kay Ms. Mirna kung nasaan si Eleven. I couldn't.

Nang natapos na akong magbihis ay umupo ako sa aking kama.

Huminga ako ng malalim.

Eleven's dad needs him. Ang ama na kinamumuhian niya...

He's still his father whether he likes it or not. Naiintindihan ko na kailangan ni Eleven na umuwi sa States kung mayroon mang sakit ang kanyang ama. .

Ilang minuto na akong nakatingin lamang sa aking cellphone.

Should I call him?

Naalala ko bigla yung tawag kanina ni Brooks sa cellphone ni Eleven. Now it makes sense to me. So this was the reason. Brooks was worried dahil pati na rin siguro siya ay pinuntahan na ng mga tauhan ng mga Adanza para lang hanapin si Eleven.

Ibig sabihin alam na niyang hinahanap siya.

Ano na ang mangyayari 'pag mahanap nila si Eleven? Would he really leave? Aalis na siya? Babalik siya ng America?

Biglang nagring ang cellphone ko at halos mabitawan ko na ito nang makita kong lumitaw ang pangalan ni Eleven sa screen nito.

"Hello?" Matamlay akong sumagot.

"Hey..." sinalubong ako ng malambing na boses ni Eleven. "Still awake?"

"Hindi pa kasi ako inaantok. Bakit ka napatawag?" Sasabihin ba niya sa akin ang totoo?

"I called to check up on you, lady. I miss you already." aniya at narinig ko pa siyang tumawa ng bahagya. Hindi ko magawang ngumiti sa kanyang sinabi. Kumirot lang ang aking dibdib.

"What are you doing right now?" Tanong niya bigla. Malambing ang kanyang boses na para bang wala siyang inaalalang iba. "Ang tahimik mo. There a problem? Are you getting sleepy?"

"Nasan ka ngayon?"

"Hmm?" Hindi siya nakasagot kaagad.

"Are you at the bar? May part-time ka pa rin ngayon diba?" Tanong ko.

"I... No, I actually quit. Last night was my last shift." Nautal siya.

"You.. You quit?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Yeah." and there was silence, na para bang may malalim siyang iniisip habang sinasagot ang tanong ko.

"Why didn't you tell me about it?" Kumunot ang noo ko.

"It's okay, I can find a new job elsewhere, Ath. Let's talk about something else, can we?"

"Paano na ang finances mo? Your allowance? And why did you quit Eleven?" Tumaas ang tono ng boses ko at natahimik si Eleven.

"Ath--"

"Did you quit because you're hiding? You don't want anyone to gather any traces of you? Nagtatago ka mula sa dad mo? Because people are looking for you? Is that it, Eleven? Am I right? Tell me please..." Nagsimulang nanggigilid ang mga luha sa mga mata ko.

Nang sinabi ko iyon ay natahimik si Eleven.

"Eleven..."

"How did you know?" Napapaos ang kanyang boses.

"Pumunta kanina rito yung... yung secretary ng dad mo. Hinahanap ka nila, Eleven. They told me you need to go home because your dad is sick."

Hindi muli nakasagot kaagad si Eleven. Pinikit ko ang aking mga mata.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon