Chapter 5

563K 8.9K 304
                                    

Chapter Five

"The Dare Game"


"Athaliaaa!!" Nang nakita ako nina Rickzyn, Rui at Zara na naglalakad sa campus ay agad silang tumakbo patungo sakin.

"Kung maka-Athalia naman kayo dyan parang ilang taon na tayo hindi nagkita." biro ko.

"Eh syempre! Gusto na kaya naming malaman kung ano yung nangyari sa date ninyo ni Fafa Ronald nung Friday! Hindi ka kaya nagparamdam namin nung weekends!" ani Zara.

"Oo nga! Halika! Halika magkwento ka na kung anong nangyari!" Hinila na ako nila ni Rickzyn papunta sa isang bench. Pinaupo niya ako samantalang silang tatlo ay nakatayo sa harapan ko.

"So..? Ano? Nagkakasparks ba kayo? May papalit na ba kay Mishael?" nakangising tanong ni Rickzyn.

"Ano ka ba Athalia! Wag ka ngang pathrilling thrilling jan! Magkwento ka na! Excited na kaming mga single eh!" -ani Rui.

Nagbuntong hininga ako habang nakatingin sa kanilang tatlo. Ang iingay talaga nila kahit kelan.

Tumingin ako sa baba at naaalala ko na naman tuloy yung nangyari nung gabing yon. Niligtas ako ni Eleven mula sa masamang balak ni Ronald.

Hayy.. Nakakainis.

Bakit ako naiinis? Eh akala ko ba naman kasi nag-improve na ng ilang pursyento ang relasyon naming dalawa ni Eleven pagkatapos nun! Nagkaroon na ata ako ng konting appreciation sa existence niya sa mundo dahil sa ginawa niya para sakin. Pero.. Ugh!

Pagkatapos niya akong iuwi nung gabing yon ay hindi ko na siya nakita kinabukasan. Then the next day, and the next day! Hanggang kahapon ay hindi siya umuuwi at nagpapakita.

Sobra akong nag-alala sa kanya dahil akala ko na kung anong nangyari kanya.

Syempre nag-aalala ako. And take note, first time kong nag-aalala sa kanya nun. First time yun na ginusto kong umuwi siya dahil normally naman ay ayaw kong makita ang pagmumukha niya sa bahay!

Pero anong nangyari? Umuwi siya kaninang umaga. Oo.. Umuwi siya. At anong nadatnan ko sa kwarto niya? Porn na naman!

*FLASHBACK*

Gumising ako nang may narinig ako mula sa kwarto I Eleven, nanlaki ang mga mata ko.

Umuwi na si Eleven?!

Bumangon ako kaagad at nagpunta sa kwarto niya.

Gusto ko na siyang makita para magpasalamat. Salamat sa ginawa niya sakin nung nagdate kami ni Ronald.

"Eleven?" Usually hindi na ako kumakatok sa kwarto niya kung may kailangan ako, kaya binuksan ko na ang pinto niya out of habit.

Pero nang medyo nabuksan ko na ang pinto at papasok na sana ako para batiin siya, nanlaki ang mga mata ko.

"Eleven! Ugh! Babe, harder!" Agad na sinara ko ulit ang pinto nang nakita kong may babae na kasama sa kama. Nasa itaas si Eleven at hinahalikan niya ng marahas yung nakahigang babae. May kumot naman na tumatakip sa kanila sa may pribadong parte ng kanilang katawan.

Napasandal ako sa likod ng pinto. Hinawakan ko ang dibdib ko at nahingal hingal ako.

H-Hindi ko maiintindihan.. Normal naman sana sakin na makakakitang may ginagawa siyang ganun araw-araw gabi gabi. Hindi ako natatakot na pagagalitan siya at palalayasin ang mga babae niya.

Pero bakit ngayon hindi ko kayang makita siyang may gingawang ganun kasama ang ibang babae?

Hindi na lang ako nagbother na buksan ang kwarto niya para pagagalitan siya.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon