Chapter 28

320K 5K 1.5K
                                    

Chapter Twenty Eight

"Siya Parin"

Paano niya nagawa iyon sa kanyang sariling best friend?

Dalawang araw ang lumipas at wala pa kaming natanggap na balita tungkol kay Eleven.

"I had to do it, Athalia. I'm sorry, pero wala akong pinagsisihan."

Iyon lamang ang sinabi niya nang tinanong ko siya kung bakit niya sinumbong sa mga taong iyon kung nasaan si Eleven.

"Akala ko okay lamang sa iyo na nanliligaw si Eleven sa akin? Iyon ba ang dahilan mo, kuya? Na ayaw mo si Eleven para sa akin? I can't believe you!"

Magang-maga na ang aking mga mata nang gabing iyon. Umuwi kaming lahat at sugatan pa ang mga lalake dahil sa ginawa nilang paghabol para kay Eleven. Pero huli na ang lahat at hindi nila nagawang maibalik ang kanilang kaibigan. Tahimik kaming tatlong magkakapatid nang makauwi na kami. Jahleel just kept silent as he listened to us.

"Ginawa ko iyon para sa iyo, Athalia!" Ani Kuya Jahziel.

Huminga ako ng malalim at ramdam na ramdam ko ang kirot ng aking dibdib. To think that my own brother did this.

"Matagal nang hinahanap si Eleven ng kanyang pamilya at matagal ko na ring alam ang dahilan kung bakit ayaw niyang umalis--"

"Alam mo naman pala eh! He was looking for his mother, kuya! Kahit ako naman gusto ko siyang humarap na lang sa kanyang dad dahil alam kong nahihirapan lamang siya--"

"That's not all, Athalia. You don't know anything." Mariing niyang sinabi. "He told you he hates his father? He was lying, Athalia. All his life, ang tanging gusto lang niya ay mapasaya niya ang kanyang ama!"

Natahimik ako. Anong sabi niya?

"Nahihiya siya dahil sa kanyang nagawa noong naasa New York siya. He was working for his dad's company at that time. Mayroon siyang proyektong nabigo at malaki ang naging purwisyo ng kumpanya nila dahil sa kanya. That's why his dad told him to come here in the Philippines for him to work in his company here, but he decided to leave his responsibilities because he got tired of trying to impress his dad and he was scared of failing him again. That was his main reason that I know he never told you."

Napaawang ang aking bibig. "Pero..."

"Wala akong problema sa relasyon ninyong dalawa, Athalia..." Kumalma na ang kanyang boses. "Hindi ako manhid. Akala mo ba ay hindi na ako nagtaka noon pa na nagkagusto siya sa iyo? I only pretended not to know so as to respect his pride because he's my best friend and I'd know he'd tell me about it someday. Masaya ako para sa inyong dalawa, pero mali na ang ginagawa ni Eleven, Athalia. Sinabi mo na. Pinapahirapan lang niya ang sarili niya. Nasasaktan niya ang mga tao sa paligid niya. And he knows he'll have to leave even if I didn't do what I just did. Ginawa ko iyon para sa kanya. His uncle's company is in trouble right now because Eleven's father is one of their major investors and he's pulling out all his money from the company because he knows his uncle has been helping Eleven in hiding. I kept this a secret from you, but his father has been threatening to pull out his money from his investments in the hospital where mom and dad is working. Malaki ang pusibilidad na mawalan ng trabaho sina mommy doon sa abroad. Do you hear me, Athalia? And you're too young. Masyado kang bata upang sumugal sa isang relasyon na hindi ka naman sigurado kung saan ka dadalhin. Ginawa ko iyon para sa iyo, Athalia--"

"Ginawa mo iyon para sa akin?" Sabi ko, tiningnan ko siya ng matalim. "O ginawa mo lang iyon para sa sarili mo?"

Kahit anong dahilan niya, tinaksilan niya pa rin si Eleven at sinaktan niya ang kanyang sariling kaibigan. Whatever he says right now, I'll still be upset for what he did.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon