Chapter 18

334K 5.5K 361
                                    

Chapter Eighteen

"What Have I Done?"

"Good morning anak!" Naririnig ko ang boses ni mommy mula sa laptop.

Nagvideo call siya at nang kiniclick ko ang accept button sa screen ay bumungad sakin ang mukha nina mommy at daddy.

"Good evening mommy, hi dad!" ngiti ko sa kanila habang tinitimpla ang kape ko.

Friday ngayon, walang pasok, at nasa dining table ako ng kusina.

"Nasan ang kuya mo?" Tanong ni mommy.

"Right here, mom!" Masayang lumapit si Kuya samin habang may dalang tongs.

"My son! Happy birthday!!" Bungad ng mommy kay Kuya.

"Thanks mom!" Ngiti naman ni kuya.

"You're finally 21 years old, son." ani Dad.

"I know. Old, right?" Biro ni Kuya.

"You two are still young compared to us, Jahziel." iling ni Dad.

"Kamusta na ang preparations para sa party mo mamaya, anak?" Tanong ni mom.

"It's all taken care of, mom. Dont worry bout it."

Tumango si mommy pero bigla siyang sumimangot.

"Pero anak.. Are you really sure you just want a simple party?"

Bumuntong hininga si kuya. "Mom, we've talked about this already."

"I know, I know. But I mean, dun lang talaga sa mansion gaganapin? Gusto ko kasi sana Jahzi na dun sana sa hotel ng tita mo, you know? Isipin mo naman Jahzi. You're now officially 21 years of age. It should be a bomb! Kagaya nung sister mo sa kanyang debut. Diba?"

Tumingin si Jahzi sakin saka umiling.

"You know I hate grand stuff, mom. It's not my thing. Gusto ko simpleng salu-salu lang. What do you want me to do mom? Have a 21 roses ceremony?" Tawa ni Kuya kay mom, nakapameywang.

"Hayaan mo na si Jahziel, dear. It's his birthday, let him have want he wants. Magsorry na lang tayo sa kanya dahil hindi tayo makakapunta." Kalmadong sinabi ni dad kay mommy.

"Hay.. Okay fine, You're right." buntong hininga ni mommy saka tumingin samin.

"Jahziel anak, Athalia.." Panimula niya. "We're very sorry we still can't go home yet. Puno parin ang schedule namin sa hospital, alam niyo naman yan diba? Sorry talaga mga anak. We'll make it up to both of you next time, we promise." nagpout si mommy.

"It's okay mom." ani Kuya at tumango naman ako.

"Oops I nearly forgot!" Nabigla kami nang biglang nagsalita ulit si mommy.

"What, mom?"

"Ang kuya niyo! Si Jahleel! He'll be there any second now!" Aniya.

Teka...

"Ano?!" Sabay kaming napasigaw ni Kuya.

"Umuwi siya?!" Tanong ko.

"That bastard? Seriously?" Kunot noo ni kuya, umiiling.

"Who are you calling bastard here, lil bro?"

ANAK NG TUPA!

Biglang may pamilyar na boses na umalingawngaw sa loob ng bahay.

Nang tumingin kami ni Kuya sa pintuan ng kusina ay parehong nalaglag ang mga panga namin nang nakita namin ang isang matangkad na lalakeng nakasuot ng itim na leather jacket, denim jeans, vintage shoes, medyo mataas at nakaponytail na maliit ang buhok, at may DSLR camera na nakasabit sa leeg.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon