Chapter 6

499K 9.8K 660
                                    

Chapter Six

"I Can Do That Too"

Ang saya saya namin habang naglalaro ng truth or dare sa pool. Puro ata kami mga 3rd year college at ka-batch lang. Everyone else ay nasa dance floor, nagtatambay sa may bar, nag-iinuman, o nakiki wifi sa loob ng malaking bahay nina Lorraine. Gabing gabi na and it's about eleven o'clock already.

Nararamdaman ko ang malamig na ihip ng hangin habang nakababad parin ako sa pool at naghihintay kung kelan pa kaya ako mabibigyan ng dare.

Uminom ako sa aking wine glass habang napipikit-pikit na sa mga mata. Ilang beses na akong uminom ng shot mula pa kanina. I feel so sleepy now.

Lahat tumatawa-tawa, lahat sumasabay. Nakakatawa talaga at napaka-extreme rin ng mga dares nila.

"Ayoko!! Hindi ako tomboy ano! Ayoko!" Sigaw ni Zara habang tinutulak-tulak siya namin na halikan niya yung babaeng kalaro din namin.

"Eh panu ka naman magiging tomboy kung lalake ka naman talaga? Haha! Halikan mo na nga siya Buch! Wag ka ngang kj!" Tumatawang sinabi ni Rui kay Zara, uminom kasi si Rui ng vodka eh at kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya. Medyo lasing na rin ata si Rui.

"Wag mo nga akong tawaging Buch! Ugh! Zara ang pangalan ko!" ani Zara habang nakahalukipkip.

"Mas bagay sayo ang Buch kaysa sa Zara, Nebuchadnezzar! Haha!" wagas kung tumawa si Rui at nagtawanan narin ang lahat. Ang kukulit nila talaga. Napailing iling na lang ako at natawa kahit na medyo inaantok na ako.. and a little bit drunk.

Luminga muna ang mga mata ko sa paligid para makita sina Kuya Jahziel at ang mga barkada niya na nandun sa may bar, nag-iinuman kasama ang ilang mga babae na obvious na nagfiflirt sa kanila.

Lumiit ang mga mata ko para hanapin si Eleven. Bakit hindi nila kasama si Eleven?

Nandun naman kasi sina Moses at Dishon na nakikipaglandian sa mga babae, si Zarethan na simpleng nagbabasa ng libro sa tabi nila habang umiinom ng wine, at si Kuya Jahziel na nagtetext sa kanyang phone habang may mga babaeng naghihintay para makaflirt sa kanya. But where the hell is that Eleven? Nasaan na ang "onse" na yun? Umuwi na kaya siya?

"Athalia! Ikaw na!" Natauhan ako nang narinig kong sinisigaw ng mga kasama ko ang aking pangalan. Humarap na ako ulit sa kanila at nagulat ako nang nakita kong silang lahat na ay nakatingin sa akin.

"Ha?" Tanong ko habang medyo lumalabo na ang paningin ko dahil sa dami ng wine na ininom ko. The alcohol is kicking in. I think I'm drunk already.

"Ikaw na!" Tawa nila sa akin.

"A-Ako? E-eh diba dinedare niyo pa si Zara?" Tanong ko at nagsikap na makakapagsalita pa ng maayos. Nasa katinuan pa naman ako kahit papanu.

"Ayun oh nagwalk out! Sinundan naman siya ni Rui. Bad trip ata si Nebuchadnezzar ngayon. Haha!" sabi ni Rickzyn na nasa tabi ko.

"So what's the dare?" biglang ngumisi yung isa sa mga lalake na kasali rin sa laro. Di ko na sila kilala kahit pamilyar ang mga boses nila, I'm too drunk to recognize everyone right now. Gusto ko na ngang matulog eh.

"OMG.. Alam ko na!" Ngumiti si Rickzyn, pulang pula narin ang mukha niya dahil pareho kaming mahina sa alcohol. Bakit ba kasi uminom pa kami?

"Ano?" Tanong ng lahat pati ako.

"Si Misha!!" Tinaas ni Rickzyn ang kanyang mga kamay habang nakangiti. She sounds drunk already. Everyone sounds drunk right now. Para na kaming mga siga rito eh.

"Ano namang si Misha?" Tumaas ang kilay ko habang mas lalong bumibigat ang mga mata ko. I'm seriously sleepy and drunk right now.

"Halikan mo! Kiss him!" Tumawa si Rickzyn.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon