Chapter 4

527K 10.6K 888
                                    

Chapter Four

"Jerks"

"Anong tinitingnan mo sa likod?" Tanong ni Ronald.

"Ha? Ahh.. Wala wala." sumandal na ako sa upuan ko at umiling iling.

I swear.. Kotse talaga ni Eleven yun! Pero siguro paranoid lang ako. Hindi naman siguro si Eleven lang ang tanging may kotse na ganun diba? And besides, why would he be following me?

Nang nakarating kami sa mall, hindi ko na iniisip ang tungkol dun sa kotse na kapareho sa kay Eleven. Nagfocus na lang ako sa date ko.

"Movie first before dinner? Or are you hungry already?" Tanong ni Ronald nang sabay kaming naglalakad sa loob ng SM.

"No, gusto ko movie first. Ano pala ang papanoorin natin?" Tanong ko habang nakangiti.

"Ikaw ang pipili." ngumiti rin siya pabalik.

Gwapo naman si Ronald. But I've heard stories about him na playboy rin daw siya. Pero hindi naman siya malala kagaya ni Eleven.

Atsaka sa tingin ko naman gentleman itong si Ronald. And besides, rumors lang 'yon diba?

"Oh wait.. Ronald, picture muna tayo?" huminto ako at lumingon sa akin si Ronald.

Mahilig ako sa mga selfie atsaka gusto ko ring may proof ako kina Zara na may ka-date ako ngayon. Haha.

"Sure." lumapit siya sakin at tinabihan niya ang mukha ko sa harap ng front camera ng iPhone ko.

"One, two, three.. Click!" Ngumiti ako at ngumiti rin siya nang kinuha ko na ang picture.

"Thanks! Haha! Tara na!" ngiti ko at nagpatuloy kami sa paglalakad patungong sine.

Tinitingnan ko ang picture naming dalawa habang nagalalakad para na sana mag edit.. Pero..

Teka?! S-Sino 'tong nasa likod namin sa picture?

Kumunot ang noo ko at inilapit ko ang mukha ko sa phone ko para matingnan kung sino yung pamilyar na lalakeng nakunan rin sa picture. Nakatayo siya sa likod namin na para bang tinitingnan niya kami mula sa malayo.

Shit. S-Si Eleven ba 'to? Medyo blurry siya at hindi ko naman nakikita yung mukha niya ng malinaw.. pero yung katawan niya, yung style ng damit at ng buhok. Medyo kahawig kay Eleven!!

Napalingon ako kaagad sa paligid at tumingin tingin ako. Wala naman akong nakikitang Eleven.

Umiling ako at nagbuntong hininga. Paranoid na nga siguro ako. Bakit ba lagi akong nag-iisip tungkol sa asong yun? Ugh..

****

Umupo kami ni Ronald medyo malayo sa screen. Bumili narin siya ng popcorn at mga drinks.

Magsisimula na ang movie na papanoorin namin at sumandal na ako sa upuan ko.

"Eat." Ngumiti si Ronald at inabot niya sa akin ang popcorn.

"Thanks!" kumain narin ako.

Napatingin ako sa mga upuan sa likuran namin at kumunot ang noo ko nang may nahagip akong lalake na nakaupo sa likod ko.

Ang weird niya. Bakit nakasuot siya ng ball cap at face mask sa loob ng sinehan? (Yung face mask na pantakip ng ilong at bibig na karaniwang ginagamit sa mga ospital)

Binaliwala ko na lang yung weirdong lalake at nanood na ako sa palabas.

"You cold?" Tanong ni Ronald. Maginaw nga. Bakit pa ba kasi naka-skirt ako?

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon