Chapter 16

457K 6.5K 255
                                    

                   

Chapter Sixteen

"Let's Go"

"Rickz, ako lang ba? O nababaliw na talaga itong kasama natin?" ngumiwi si Rui habang nakatingin sa akin.

Dalawang araw na ang nakalipas magmula noong gabing nilagnat ako.

"Athalia, kanina ka pa ngumingiti-ngiti dyan mag-isa." Siniko ako ni Rickzyn at saka lamang ako bumalik sa aking huwisyo.

"Ha?" Kumunot ang aking noo na tumingin sa aking dalawang kaibigan.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga lamesa malapit sa soccer field ng campus. Kasama ko sina Rui at Rickzyn dahil pareho kaming mayroong libreng oras, at gawain namin ito magmula pa noong freshmen na umupo kami dito para lamang matatanaw namin ang mga estudyanteng naglalaro ng soccer sa malawak na field ng unibersidad namin. Paborito ni Rui at Zara ang mag "hunk watching" at nakikisabay naman kami ni Rickzyn.

"Asus!" Nagulat kaming tatlo nang biglang umalingawngaw sa paligid ang boses ni Zara at ang parating niyang mga hakbang. Nilingon namin siya na ngayo'y dala-dala ang kanyang kulay nude pink na shoulder bag at mga libro. Kalalabas lamang yata niya galing sa isang subject.

"Nebuchadnezzar!" Bati ni Rui sa kanya habang kumakaway kami ni Rickzyn.

Umupo si Zara sa tabi ko at kumuha siya sa hawak kong chips.

"If I know, friends, blooming iyan si Athalia ngayon dahil sino ba naman ang bruhang hindi ngingiti-ngiti 'pag si Fafa Eleven naman pala ang naghatid sa kanya sa school kaninang umaga!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Zara.

"Ano?!" Nalaglag ang panga ni Rui at Rickzyn.

"Girl, no denial, okay? Maraming nakakita sa inyo kanina. Sa front gate ka nga mismo bumaba ng kotse niya eh. At nakita ko pang pinagbuksan ka niya ng pinto!" Ani Zara, humahalakhak na para bang mayroon siyang isang misteryong nadiskubre.

"Zara, Rui, Rickzyn, I can explain. Okay?" Kinalma ko ang sarili ko.

"Oh don't lie to me Athalia! Nakita ko yun! I saw it with my own contact lenses you know?"

Napaatras ako nang kinirot niya ako sa baywang. "Aray! Wala pa nga akong sinasabi. Lie kaagad?"

"Alam mo, Athalia, matagal ko na kayong pinagdudahan ni Fafa Eleven eh. May something talaga sa inyo eh. May spark! At ngayon ay nag-iignite na ang spark niyo! Ayieee! Sabi ko na nga ba eh, mayroon akong psychic powers."

Umayos ako ulit sa pagkakaupo habang nag-eekis ng mga kamay si Zara at nakangisi na nakangiti sa kalangitan.

"OMG." nanlaki parin ang mga mata ni Rui.

"Athalia, totoo? May something na kayo ni Eleven?" Tanong ni Rickzyn at hinawakan niya ang kamay ko sa lamesa.

"Wala ah!" Depensa ko.

"Asus! Hindi ako naniniwal-- Aray naman Athalia! Sakit mo mambatok ah?" Binatukan ko na si Zara. Mahal ko si Zara pero minsan kapag umaandar ang bibig niya kailangan talaga gawan ng extreme measures para mapatigil. "Ang beauty ko pag-ingatan mo naman!" Dugtong niya.

Bumuntong-hininga ako. Napalunok ako nang tumingin ako ulit sa kanila at lahat na ng mga mata nilang tatlo ay nakatuon sa akin. Shit!

FLASHBACK

Kahapon...

Minulat ko ang mga mata ko nang gumising na ako. Umaga na at sinalubong ang gising ko ng pagsasakit pa rin ng aking ulo. Hinawakan ko ang aking noo at bumaba na pala ang aking temperatura. Mabuti naman.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon