Chapter 17

390K 5.9K 786
                                    

Chapter Seventeen

"Goodbye"

"Eleven anong gagawin natin dito?" Tanong ko nang nakarating kami sa rooftop ng eskwelahan. 

"Upo ka muna." payo niya, halatang pinapakalma pa niya ang sarili mula sa nangyari at huminga siya ng malalim, at pinaupo niya ako sa isa sa mga wooden na bench na nakahanay sa rooftop.

Nang umupo ako ay nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko para tingnan ako sa mga mata na para bang ineexamine niya ang mukha ko.

Nabigla ako nang bigla niyang hinawakan ang pisngi ko.

Napaatras ako ng bahagya dahil sa kanyang ginawa.

"Masakit?" nag aalalang tanong niya.

"Okay lang ako." Nag iwas ako ng tingin at nilayo ko ang kamay niya. Narinig kong nagbuntong hininga siya.

"Pumunta na lang tayo sa clinic." tatayo na sana siya.

"Eleven, sinampal lang naman ako. Anong gusto mong gawin ng nurse sa akin? Lagyan ng bandage ang pisngi ko? Dito na lang muna tayo." kinagat ko ang labi ko nang narealize ko ang sinabi ko.

Tumango naman si Eleven. Nakakulay pula siya na v-neck at denim jeans, kahit simpleng damit lang ay kitang kita pa rin ang magandang hubog ng kanyang pangangatawan. His face was one thing that's too effortless, too. Nakakainis talaga kung bakit sobrang nabibiyayaan siya ng ganyang klaseng pangangatawan at mukha. I'm a girl but even I can be insecure with him.

Tahimik na umupo si Eleven sa tabi ko. Huminga ako ng malalim saka nagbuntong hininga.

Tiningnan ko siya at nagtama ang aming mga mata. Tiningnan ko siya ng masama at tinulak ng bahagya sa kanyang isang balikat. "Kasalanan mo talaga sobrang babaero mo kasi!" 

"Woah there! Easy!" Natawa siya sandali, ngunit unti unti lamang sumeryoso muli ang expresyon niya, "I know. I'm sorry."

Marami akong gustong sabihin, ngunit dahil sa dami-dami ng mga nararamdaman ko ay walang salitang lumabas sa bibig ko.

"Naiirita ako." Bigla siyang umimik. "Naiirita ako dahil naging duwag ako dati. And now that I'm finally brave enough to love you, my mistakes are still haunting me, at nadadamay ka pa."

Bumalot sa amin ang katahimikan.

Umawang ang bibig ni Eleven at magsasalita pa sana siya pero biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Ring! Ring!

"May tumatawag." tumayo siya habang kinukuha ang kanyang phone sa bulsa. "Sasagutin ko muna, Ath. Alright?"

Tumango ako. Lumayo siya ng konti bago sinagot ang tumatawag.

"Hello?"

Ilang segundo siyang may kausap sa kanyang cellphone. Nang matapos siya ay ibinalik niya ito kaagad sa kanyang bulsa at tumabi siya ulit sa akin.

"Sino yun?" Tanong ko.

"Private investigator." buntong hininga niya. 

Ano?

"Private investigator?" Sinong pinapa-imbestiga niya?

"Ah-huh. Para may tutulong sa akin sa paghahanap ko sa isang tao." Sagot niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Sino?"

Tumingin siya muli sa kin at matamlay niya akong binigyan ng ngiti. "Sinabi ko na sa'yo diba? Ang mama ko."

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon