Chapter 8

574K 9.4K 835
                                    

Chapter Eight

"Sadista"

H-Hindi ako naniniwala.. Hindi ako naniniwala..

"Good morning class!" Bumalik ako sa wisyo ko nang pumasok na ang professor namin sa biology na si Mr. Dao.

Tulala akong tumayo kasama ang mga kaklase ko at binati na rin namin si Mr. Dao.

Isang araw na ang nakalipas ngayon mula nung.. mula nung nagtapat sa akin si.. si Eleven! At heto po ako.. Haggard na haggard! Bakit ako haggard? Dahil letse! Hindi ako nakakatulog ng maayos, hindi ako nakakasuklay ng maayos, ni hindi ako nakakain ng maayos! Dahil hanggang ngayon.. hindi parin talaga nagsisink-in sa akin ang lahat ng sinabi sakin ni Eleven kahapon! Ugh!

Ginulo ko na naman lalo ang buhok ko nang naalala ko ulit yung mga nangyari nung gabi ng party ni Lorrain, yung mga salitang binitawan ni Eleven sakin nung kahapon sa kusina sa umaga. H-Hindi parin ako naniniwala. Impusible!

Si Eleven? Ang isang Eleven Hezron Adanza III? Umaamin na may gusto siya sakin? Impusible na magiging totoo yun! Diba? With all the other girls around him na pinapansin niya at nilalandi, sapat ba talaga na maniniwala ako sa kanya? Hindi diba?!

Atsaka speaking of that mind-twisting jerk, nasaan na ba siya? Hindi na naman po siya nagpapakita magmula nung kahapon sa umaga. Ni hindi siya umuwi kagabi, at hindi ko rin siya nakitang pagala-gala sa bahay kaninang umaga. Ugh! Nasaan na naman ba ang nakakainis na lalakeng yon?!

Atsaka bakit ko nga ba siya hinahanap? Nababaliw na talaga ako rito! Ginulo ko na naman ulit ang buhok ko.

"Miss Rectazo!" Biglang may sumigaw sa pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nakatingin sakin ng matalim si Mr. Dao.

"P-Po?"

"May kuto ka ba Miss Rectazo? Bakit lagi mong kinakamot kamot ang ulo mo? Nakaka-distract ka sa klase!" sigaw niya. Napalunok ako sa kaba.

"N-Naku po sir. Sorry po! Hindi po. Wala po akong kuto!" depensa ko.

"Edi bakit ka nga ba laging kamot ng kamot sa ulo m--"

Naputol ang usapan nang biglang may nagbukas sa pinto at pumasok.

"Oh.. Mr. Stratford?" tiningnan ni Mr. Dao ang lalakeng pokerface na nakatayo sa may pintuan.

"Sorry I'm late." walang emosyon na sinabi ni Mishael habang nakahawak ang kanan niyang kamay sa strap ng kanyang itim na bag na may nakalagay na Jansport.

Napalunok ako habang nakatingin sa perpektong hugis ng mukha ni Mishael. Ang kanyang manipis na labi, yung mysteryoso niyang mga mata, yung ilong niya na kahit anong anggulo ay perpekto parin talagang tingnan. Heto na naman po ako sa pagpapantasya sa kanya.

"Sit next to Miss Kuto, Mr. Stratford." ani sir kay Mishael habang nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. T-Teka.. Ako? Miss Kuto?! Seriously?!

"Sir! Sabi na nga pong wala po akong kuto sir eh!" Naiinis kong depensa at narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko. Aish! Nakakahiya! Bakit ba laging ako ang napapahiya?!

Kinagat ko ang labi ko at yumuko na lang ako habang kinakabahan na naghihintay kay Mishael na umupo sa nag-iisang bakanteng upuan sa tabi ko. Kumakalabog ang puso ko.

Sa buong isang taon at isa't kalahating buwan ng pagiging classmates namin ni Mishael sa chem, hinding hindi ko pa siya naging katabi sa klase... not until now! Jusko po! Ang swerte ko ngayon!! Kaya nga lang, ang malas ko dahil sa 'Miss Kuto' na tinawag ni Mr. Dao sakin! -___- Nakakahiya sa kanya! Well, it's not like he really cares pero yun parin yun! Napahiya parin ako! Hayy...

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon