Chapter 10

478K 7.4K 546
                                    

Chapter Ten

"Nothing's Wrong"

"Oh lil sis, ang aga aga mo atang umuwi." Nang pumasok ako sa front door ng bahay namin ay nakita ko kaagad si Kuya Jahziel.

Nakaupo siya sa sofa at nagkakape habang kaharap ang kanyang laptop.

"Kuya, get a shirt muna please?" Tinaasan ko siya ng kilay. Eh panu ba naman kasi, ang lamig lamig na ng aircon dito sa bahay pero wala na naman siyang suot pantaas.

"It's a guy thing lil' sis. I like it shirtless. Anyway, kumain ka na. May pagkain na dyan sa kusina." aniya, nakatingin na ulit sa kanyang laptop.

Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi.

"S-Sinong nagluto?" Tanong ko, napatingin siya sakin.

"Ako. Bakit?"

Nang narinig ko ang sagot niya, tumango tango ako at tumingin ako sa baba. God why was I expecting something else?

"Uhh.. Sige kuya kakain na lang ako mamaya." Tumalikod na sana ako para dumeretso sa kwarto ko pero humarap ako ulit sa kanya.

"Umm... Kuya?"

"Yup?" Uminom siya ng kape at tumingin sakin.

"Si a-ano.. Si Eleven?" Shit! Bakit ko ba tinatanong?

"Ah, wala siya rito Ath. Ewan ko kung nasan yun. Bakit mo pala hinahanap?" aniya.

Napalunok ako. Tumingin na lang ako ulit sa baba habang kumakamot sa ulo. Damn it! Bakit ko nga ba siya hinahanap?!

"W-Wala lang kuya. Hehe, gusto ko lang kasing malaman kung nandito parin ba yung asungot na yun. A-alam mo na. Gusto ko lang marinig kung lumayas na ba siya o hindi. H-hehe." Nginitian ko si Kuya at agad rin akong tumalikod para dumeretso na sa kwarto ko.

Aish. Pagdating ko sa kwarto ko ay tumalon ako kaagad sa kama at humiga ng patalikod.

"Ugh!!" Ginulo ko ang buhok ko at napahilamos ako sa mukha ko habang sumisipa sipa ang mga paa ko sa kama.

Aish. E-Eh anu naman kung wala siya diba? Bakit ko ba siya hahanapin? M-Mas mabuti na nga tong wala siya eh! Bahala na nga siya kung nasan siya!

Pero bigla akong napahinto nang biglang may tumunog. Tumingin ako sa cellphone ko na nakalagay sa side table ng kama ko. Kumunot ang noo ko at gumapang ako sa kama upang kunin ang aking phone.

Tumingin ako sa screen at mas lalong kumunot ang noo ko. Unknown number ang nagtetext?

From: Unknown Number

Magkita na lang tayo sa plaza ng school. Sabay tayong pupunta sa bahay.

Tumaas ang isang kilay ko. Sino ba 'to?

Hindi pa nga ako nakakapagreply ay nagtext na naman siya muli.

From: Unknown Number

Tomorrow. 10 am. Don't be late.

T-Teka.. Sino ba ito? Ilang segundo ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang dalawang kamay ko at nabitawan ko ang cellphone ko sa kama. Posible kayang..

"S-Si Mishael?"

I-Impusible.. I mean, pwede ngang siya ito pero ayoko namang mag-assume! Atsaka panu naman niya nalaman ang number ko?

"Ay kabayo!" Napasinghap ako nang tumunog na naman muli ang phone ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang message.

From: Unknown Number

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon