Chapter 15

413K 6.5K 260
                                    

                   

Chapter Fifteen

"Impossible"

"Eleven?" Nang minulat ko ang mga mata ko ay unang nakita ko ang isang lalakeng nakaupo sa tabi ko habang nakahawak sa steering wheel.

"Shit! Athalia wag kang malikot! Malapit na tayo sa ospital." aniya habang saglit na hinawakan ang noo ko at bumaling sa kalsada.

Wala akong ibang nagawa kundi sumandal na lang ulit sa upuan ng front seat ng kanyang kotse. Pumikit ako. Ang lamig pero pakiramdam ko ang init init na ng katawan ko.

Napamulat ako ng mga mata ko nang naramdam kong may humawak sa kaliwang kamay ko. Nakita ko si Eleven na nakatingin sakin. Mukha talaga siyang nag-aalala, sobra.

"Is she alright?" Nakahiga ako sa isang puting kama nang nagtanong si Eleven sa doctor.

"Nothing to worry about, hijo. She's just stressed. Basta't paiinumin niyo lang siya nitong gamot na nireresita ko and give her some time to rest, she'll be fine. Normal lang rin ang lagnat niya." Wika ni doctor.

Narinig kong nagbuntong hininga si Eleven.

"Athalia?!" Nagulat kami nang biglang may umalingawngaw na pamilyar na boses sa ER.

"Kuya?" Napaupo ako ng maayos nang nakita ko si Kuya Jahziel na pumasok. Naka-puting uniporme siya.

"My goodness Mr. Rectazo, why are you screaming like that?" Tanong ng doctor kay kuya.

"Sorry. She's my sister doc. Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Kuya at lumapit siya sakin. Hinawakan niya ako sa kamay.

"She's okay, Jahz." nagsalita si Eleven.

"Ikaw ang nagdala sa kanya rito? Ano bang nangyari? San kayo nanggaling?" Tanong ni kuya.

"Nawalan siya ng malay at nagkaroon siya ng lagnat. She's too stressed out." Wika ni Eleven.

"Saan ba siya nawalan ng malay? Sa kwarto niya? Sa sala? Hindi ba siya nasaktan?" Tanong ni kuya.

Nakita kong natigilan si Eleven.

"Actually Jahzi.." panimula sana ni Eleven. "She went to the ba--"

"To the bathroom!" Sumingit ako sa usapan at napatingin silang dalawa sakin.

"A-ano kuya.. Oo sa bathroom! I was about to wash up at kanina pa talaga sumasakit ang ulo ko pero binaliwala ko. Nang umuwi si Eleven ay timing din na nawalan ako ng malay, ni hindi pa ako nakabukas ng shower at nakakuha ng towel, nagtotoothbrush pa lang ako. S-So he helped me up at dinala niya ako rito. Yan ang nangyari kuya." Sabi ko.

Napaawang ang bibig ni Eleven at nakita ko ang pangunguot ng kanyang noo pero umiwas ako ng tingin.

"I'm alright now. Sorry at nag-alala ka pa sakin kuya. May shift ka pa naman ngayon." sabi ko kay Kuya. Nagbuntong hininga siya.

"I told you to stop overexerting yourself on studying Athalia. Masama yan. I really hope you've learned your lesson." Ani kuya, napailing iling. "Thanks, El."

Nagkaroon pa muna ng maikling sermon si kuya para sakin bago niya naisipang pauwiin na kami.

"El, take her home now. Ako na ang bahala rito. Uuwi rin ako bukas. Take care of her." Ani kuya kay Eleven nang nakalabas na kami ng ospital.

"I will." tumingin si Eleven sa akin. Pumula ang aking mga pisngi.

"At ikaw young lady, you won't be going to school tomorrow." Tumingin si Kuya sakin.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon