Chapter 39

219K 2.9K 484
                                    

Chapter Thirty Nine

"Marry Me"

Ilang araw na ang lumipas. Marami na ring development ukol sa kasal nina Jahziel at Rickzyn. Finalized narin ang mga designs ng mga gown at suit ng mga mga bride's maids at groom's men.

Pero kinailangang umuwi pa muna sa US sina Rickzyn at Jahziel at babalik lang sila in a few months. Hindi naman nila pwedeng iwan ang kanilang mga trabaho doon.

Gabi na at katabi ko si Mishael sa kama habang nanonood kami ng movie. Tahimik lang siya sa tabi ko. Sa totoo lang, ngayon pa talaga kami nagkaroon ng time na magkasama pagkatapos niyang makalabas ng ospital. Naging busy siya masyado.

He never mentioned anything about the proposal again. Ilang araw ko naring pinag-isipan iyon. Handa na ba talaga akong magpakasal?

Napansin ko lang din... As the days passed, hindi na masyado tumatawag og nagtetext sa akin si Mishael. Hindi na rin siya masyadong naglalambing. Parang... nag-iba siya.

I looked up at him, seryoso lang siyang nakatingin sa movie. Romcom ang pinapanuon namin, at nakakatawa na ang scene na umeere sa TV, pero hindi siya natatawa, na para bang hindi naman talaga siya nanonood nito at may ibang iniisip.

I put my hand on his cheek. Napatingin siya sa akin. I smiled at him and kissed him on the lips. My hand slid down to his chest. Naging matindi ang aming halikan at unti unti akong nadala, pero bigla siyang tumigil.

"I'm tired tonight." Aniya. Pero hindi siya makatingin sa akin.

"Ohh..." I was still catching my breathe.

He slept next to me and the entire night, his back was just facing me.

Something's changed, at nahirapan akong matulog dahil sa kaiisip.

Galit ba siya dahil iniwan ko siya sa ere nung nagpropose ako? Pero ok naman siya nung nasa ospital pa siya. Bakit ngayon dumidistansya na siya?

Misha's mom was also mad at me. She found out when Mishael was brought to the hospital. Alam niyang magpopropose sana ang anak niya sa akin the night before. Naiintindihan ko naman kung bakit nagalit siya.

Eleven was true to his word. Hindi na niya ako kinokontak kahit hindi na siya naka block sa phone ko. We haven't seen each other for weeks.

Kamusta na kaya siya ngayon?

"Surprise!" After a few days binisita ko si Mishael sa kanyang opisina. Nagdala ako ng pagkain. Nadatnan ko siyang nakaharap sa malaking bintana ng kanyang opisina at may tinatawagan.

Nilingon niya ako at ngitian ko lang siya, pero hindi siya ngumiti pabalik. Mabilis niyang tinapos ang phone call niya. At bumaling siya sakin. He looked so good in his silver grey suit.

Pilit kong manatiling nakangiti kahit nabigo ako nang nakita ko ang expression ng mukha niya. Na para bang hindi naman siya masaya sa surprise kong bisitahin siya for lunch,

"Ath? Why are you here?" Tanong niya.

Nilapitan ko siya at niyakap. I kissed him on the lips, pero mabilis lang. Emotionless ang kanyang mukha nang tinignan ko ito pagkatapos kong kumalas. Natakot ako sandali... dahil pamilyar sa akin ang ekspresyon niyang iyon.

I chuckled. "Sinusurpresa kita, duh?" Tumawa ako. "Bakit parang hindi ka masaya? I just feel like we haven't had a lot of time for each other the past few days."

Tahimik lang siya at nag iwas siya ng tingin.

"I was just busy, marami akong inaasikaso ngayon. I'm sorry, Athalia. I don't have time to have lunch with you. May lunch meeting ako ngayon kasama ang isang business associate ko."

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon