Chapter 26

314K 4.6K 73
                                    

                   

Chapter Twenty Six

"Against Athalia and Eleven"

"Hey." Nang binuksan ni Eleven ang pinto ng kanyang apartment ay sinalubong niya kaagad ako sa isang malaking yakap. "I missed you."

Pagkatapos kong umalis sa ospital kanina ay bumalik ako sa eskwelahan nang lalong naguluhan. Ni hindi na ako pumasok sa pinakahuling subject ko dahil hindi ko alam kung makakapag focus ba ako. First, Eleven, and now Mishael.

I already texted Eleven even before Kalyx brought me to the hospital that I'd visit him today.

Hindi ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko at nakatulala lamang ako habang niyayakap niya ako. Presko pa sa isipan ko ang mga di kapani-paniwalang sinabi ni Kalyx sa akin kanina sa ospital. Gayumpaman ay nang narinig ko ang boses ni Eleven ay muli akong napakalma at niyakap ko siya unti-unti pabalik.

"I miss you too, Eleven."

Kumalas na siya sakin at tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo at ang kanyang dalawang kamay ay nakapatong sa magkabila kong balikat. He smiled at me. "Brighten up a bit. May nangyari bang masama sa campus?"

"Buong araw akong nag-alala sa iyo. That's why I look like this. Kamusta ka na? Dito ka ba sa apartment mo buong araw?" Nag-alala akong tanong sa kanya. I'd have to find better timing to tell him about Mishael.

"I'm cooking up some dinner. Wanna help?"

Inakbayan niya ako at humugot ako ng malalim na hininga bago kami sabay na naglakad patungo sa kusina.

"How was school?" Kumalas siya upang puntahan ang oven at chineck niya ang kanyang binebake na chicken. Napatingin ako sa buong kusina at napaawang ang aking bibig dahil napansin kong marami-rami nga ang kanyang niluluto.

"How's being not in school?" tanong ko pero patuloy akong nakamasid sa buong kusina. Tumaas ang isang kilay ko. "Bakit pala ang dami mong niluluto?"

Biglang narinig kong bumukas ang front door ng apartment. Oh my god. Nang tumingin ako kung sino ang pumasok ay laking gulat ko nang makita ko ang kapatid kong si Jahleel na may dalang mga bottle ng wine.

"K-Kuya!"

"She's here early." Ani Jahleel at nilagpasan lamang niya ako para ilagay ang mga botilya sa lamesa. Saka lamang niya ako nilingon nang nagkatinginan sila ni Eleven. He smirked.

Si Eleven ay nilapitan ako at ngumiti. "Surprise."

Surprise?

"Natapos na ang exams ni Jahziel kahapon, Hanani. Remember?" Aning aking kuya. Mukha pa siyang naaliw dahil sa naging reaksyon ko.

"We're... we're telling Kuya Jahziel tonight?" Bakit masyadong mabilis ang lahat ng nangyayari? "Wait, bakit kailangan pati ako susurpresahin niyo! Parang kayong dalawa tuloy ang nagliligawan!"

"Chill. It was my idea." Ani Jahleel. "Eleven wanted to tell you but I wanted to see your reaction so..."

"Kuya!" At bakit naman siya ang nagkaroon ng idea?

"Imma be busy with an out of town project these coming weeks. It will be hard for me to find some free time starting tomorrow. And I told you already, didn't I? The sooner you tell our brother, the better." Kaswal niyang sinabi habang umiinom na ng wine. He winked at me before he left the kitchen to sit in the couch.

"Your brother can be very crafty." ani Eleven at nabaling muli ang atensyon ko sa kanya. Nakapameywang siya na nakatingin din kay Jahleel na ngayon ay wala ng pakialam sa amin. "Galit ka ba sa akin?"

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon