Chapter 43

236K 3K 205
                                    

Chapter Forty Three

"Take Me Back"

"Tandaan mo ang mga sinabi namin sa'yo, Athalia." Ani Rui. "Okay??"

"Oo na." Tumango ako habang lumalabas ng kotse ni Zara. Nilingon ko sila.

"Just don't do anything stupid. Pag-isipan mo muna ang kung ano talaga ang gusto mo." Dagdag pa ni Rui. "Alam mo na."

"Yes girl. Tsaka single life is great naman. Okay lang naguguluhan ka, 'wag ka lang pumasok ng relasyon muna kung ganoon." Ani Zara habang inaayos ang buhok niya sa rear view mirror.

Tumango ako at nginitian ko sila.

I'm thankful I have friends like them. Kasi tama talaga sila. Naguguluhan ako. Masasaktan ko lang si Eleven kung hindi talaga ako sigurado sa mga ginagawa ko deep in my heart. And it's true that I'm still hurting from what Mishael did.

Ngayon ko lang narealize na napaka impulsive ko nga talaga. I was impulsive when I broke up with Eleven three years ako. I was impulsive when I decided to be with Mishael. I was impulsive when I kissed Eleven behind Mishael's back. And now this...

Pagkatapos kong maligo ay humiga ako sa aking kama.

Naaalala ko muli ang mga nangyari sa La Union.

Eleven's touch... His kiss on my forehead as we sat next to each other on the seashore...

"Mahal mo siya o nabitin ka lang?"

Rui's voice echoed in my head.

My heart flutters when Eleven is around me. He makes me smile. He makes me feel so special. But is that enough to say that I love him?

Have I ever made him feel special too? Ano ba ang ginawa ko para sa kanya?

All I've done for him so far was hurt him.

Nabitin lang ba talaga ako dahil sa paraan ng paghiwalay namin ilang taon nang nakalipas?

And... how about Mishael?

I've done so much for him to be happy, but I've never been as happy when I'm with him than I was when I was with Eleven. And for the same reason... dahil hirap akong mag move on dahil sa paraan ng paghiwalay namin ni Eleven dati. It was always in the back of my mind na paano kung pinili ko si Eleven?

But I genuinely care for Mishael. Importante siya sa akin.

Pagmamahal ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya o nasanay lang ako?

"Kung hindi mo masasagot ang mga tanong na 'yan, mas mabuti pa kung maging single ka muna. Don't be with neither of them. Kasi pag 'di ka pa sigurado sa pinapasukan mo, lalong lalo na sa mga relasyon, may masasaktan ka talagang tao. At ayaw mo 'yon diba?"

Habang malalim ang aking iniisip ay biglang narinig kong gumalaw ang door knob ng front door.

Napabangon ako.

Narinig ko ulit ang door knob na nag twist at nang tumayo ako ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.

Oh my gosh!

"Sino yan!—"

Natigilan ako nang makita ko sa sala si Mishael.

It makes sense. He has a spare key.

He closed the door behind him and walked to the sofa. He was dragging his feet at nahihirapan siyang maglakad.

Lasing siya.

Lasing siya?!

"Mishael!"

Agad siyang napahiga sa sofa at nakapikit na ang mga mata.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon