Chapter 9

589K 8.4K 540
                                    

Chapter Nine

"Biology"

"Saan mo ba ako balak dalhin? Ha?" Humalukipkip ako habang nakatingin sa kanya mula sa front seat ng kanyang kotse.

Pero imbes na sumagot ay nagsmirk lang siya habang nililiko ang kotse sa kalsada.

Ugh. Great. Nice talking Eleven.

"Don't you remember this road?" Bigla siyang nagsalita at natigilan ako.

"Huh?" Anong ibig niyang sabihin?

"Ang daan na 'to. Wala ka bang naaalala?" Ngumiti siya at kumunot ang noo ko.

Tumingin ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ko ang dinadaanan naming kalsada.

Teka.. Pamilyar nga ang daan na 'to.

"Eleven, nasaan ba tayo?" Tanong ko habang lumilinga linga ang mga mata ko sa bawat dinadaanan ng kotse.

"To the place where we first met." Ngumiti siya habang nakatingin sa unahan. Nanlaki ang mga mata ko.

"A-ano?"

Imbes sumagot ay binigyan na naman niya ako ng smirk. Aish!!

"H-Hoy Eleven! Tinatanong kita kaya sumagot ka naman ng maayos! Ugh! Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Lady, you have no idea how more attractive you are when you're impatient." natigilan ako sa sinabi niya.

Tumingin siya sakin at natawa siya dahil ata sa pagkakagulat ng hitsura ko. Aish.. Sumimangot na lang ako sa kanya. Wala namang konek yang sagot niyang yan sa tanong ko eh! B-Bwisit talagang kausap ang lalakeng ito!

"And if you're asking me where we're going... Nandito na tayo kaya wag ka ng magtanong." kumunot ang noo ko at nagulat ako na hininto na niya ang kotse.

Nang nakapark na ang kotse ay saka lang ako nakatingin sa labas ng bintana.

Pagtingin ko sa labas ay agad bumungad sakin ang isang malaki at pamilyar na green na gate. Tumingala ako at napaawang ang bibig ko nang nakita ko ang pangalan ng skwelahan ko nung elementary.

"S-Saint Vincent Ferrer's?" Panay parin ang tingin ko sa pangalan ng skwelahan.

Narinig kong lumabas na si Eleven ng kotse at naglakad siya patungo sa labas ng pinto ng inuupuan ko. Binuksan niya ang pinto at nilahad niya ang isa niyang kamay sa akin.

Tumingin ako sa kanyang kamay at sumimangot ako. Pinagtataasan ko siya ng kilay.

"Just hold my damn hand Athalia. Wag ka ng mahiya." Tumawa siya. Aba!

"Ewan ko sayo!" Tinulak ko siya at bumaba narin ako sa kotse. "Ano bang gagawin natin dito ha?"

"Sinabi ko na sa'yo diba? Dito ko gustong maganap ang first date natin. This is the perfect place. Sa lugar kung saan at kung kelan una kitang napansin." ngumiti na naman siya. Nanlaki ang mga mata ko ng hinawakan niya bigla ang kamay ko at nagsimula na siyang maglakad sa unahan.

"A-ano ba!" Niyugyog ko ang kamay ko para mabitawan niya pero hindi na siya natinag, patuloy parin niya akong hinihila papunta sa loob ng skwelahan.

"Hindi naman ako nagrereklamo nung hinalikan moko at hindi ka naman din nagreklamo nung hinalikan kita. You shouldn't make a fuss about us holding hands right now Athalia." Kinilabutan ako nang lumingon siya sakin habang nakangisi.

"I-Ibang kwento na yan ano! Aish! K-Kalimutan mo na nga ang nangyaring yun!" Kainis!

"Nope. It's hard to forget, lady. What you're asking me is impossible."

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon