Chapter 44

243K 3.4K 490
                                    

Chapter Forty Four

"Good Boy"

"Woah." Napangiti ako nang nakita ko ang lahat ng hinanda niya para sa "short notice" raw na date namin.

He brought me to the rooftop of his tall and huge company building in the center of Manila. The view of the city at night was beautiful. Nadatnan namin na may dalawang taong naghahanda na sa lamesa sa gitna nito. There were lights and flowers and scented candles everywhere.

"Thank you." Ani Eleven sa dalawa at agad nagpunta ang dalawa sa gilid in case may kailangan kami. Pinaupo muna ako ni Eleven saka siya umupo sa harap ko.

The food was fantastic. Pakiramdam ko agad ay nawala na ang lahat ng aking stress ko sa trabaho.

"So you're leaving for Singapore tomorrow?"

"Yes. Early in the morning. I'll be gone for a while." Aniya, uminom siya ng wine. He smirked. "You'll miss me? Hm?"

"Hindi ka talaga nauubusan ng kakornihan, Eleven." Napailing iling na lamang ako at uminom din ako ng wine.

"Anyway. I wanted to give you this." Ani Eleven at may kinuha siya mula sa ilalim ng table. Hindi ko napansin na may nakabalot pala na mukhang manipis na kahon doon.

Inabot niya ito sa akin. It was wrapped in a beige paper-like gift wrapper with a brown string wrapped around it into a little ribbon.

"Ano 'to?"

"Buksan mo."

Tinititigan ko siya habang binubuksan nga ang kanyang regalo.

"Jahziel gave that to me when I came back. He said he found it at the house in my old room." He chuckled, na para bang medyo nahihiya. "I've always wanted to give you that."

Nang makita ko ang kanyang regalo ay nakita ko muli ang painting niya sa akin.

It was the same unfinished painting that he did of me from years ago.

"I want this girl's smile to last forever. Even at the cost of my surrender."

-11Adanza

Yun pa rin ang nakasulat sa likod nito.

Napangiti ako. It felt bittersweet to see that painting again. Tumingin ako sa kanya at nadatnan ko siyang seryoso ang mga mata na nakatitig sa akin.

"I love this." Sabi ko.

"I'd paint you again a million times more." Aniya. He gave me a faint smile.

"Nagpipinta ka pa rin ba? Bakit di mo 'to tinapos?"

"I paint here and there, pero masyado na akong busy dahil sa kumpanya." Aniya. "And I didn't finish that because... I can't finish it."

Natigilan ako.

"Um." Tumikhim ako. "Thank you talaga dito, Eleven. I love it so much. Ang dami kong naalala." Tinititigan ko ang brushwork niya sa canvas. "We were so young and in love."

"I was crazy about you." He chuckled. "Well, I still am. But my love for you matured now."

Uminit ang aking mga pisngi. He says it so casually, mako-caught off guard ka talaga.

"Do you remember? Nung may padeal-deal ka pa sa'kin na kailangan makikipag date ako sa'yo dahil nakunan tayo ng picture na naghalikan?" Tawa ko.

"How could I forget? That was our first kiss. Parang nasa langit ako non."

"You were so, so annoying."

"Effective naman diba?"

Nagtawanan kaming dalawa. It felt so good, so nostalgic, so comfortable.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon