Chapter 42

222K 3.2K 416
                                    

Chapter Forty Two

"You're Amazing"

Nang gumising ako ay wala na sa tabi ko si Eleven. Binuksan ko ang aking cellphone. It's already 4 in the afternoon!

Nag iwan siya ng text sa akin.

From: Eleven

Hey sexy :) I'm out right now with the guys to buy food to cook later for dinner. I left your clothes on the table. Pina-laundry ko na yan.

Uminit ang aking mga pisngi. Habang nakahiga ako sa kama at nakikita ang sarili kong walang saplot, it just started to sink in what happened between me and Eleven.

We... really did it. And more than once.

Naligo ako at hindi ko maalis sa aking isipan ang nangyari sa aming dalawa.

I can still feel him down there.

Mainit... mabasa...

Back then we both really held back. Iba na rin kasi ngayon na adults na talaga kami. And I've done it before too.

Naalala ko tuloy yung mga panahon dati na hirap na hirap siyang magpigil.

Katawan ko naman ito. At ginusto ko iyong nangyari kaya walang problema na nangyari iyon. But it's really just starting to sink in to me that we made love for the first time.

And then I got reminded of Mishael.

Bumuntong hininga na lamang ako.

Pagkatapos kong mabihis ay lumabas na ako ng kanyang kwarto, hawak ko ang damit na binili ni Eleven para sa akin kaninang umaga.

Ngunit nang lumabas ako ay timing din na napadaan sina Zara at Rui.

Napatingin ako sa kanilang dalawa ang mukha nila ay gulat. Unti-unting sabay silang nagtaas ng kilay at humalukipkip.

"ANONG NANGYARI?! HA?!"

Nasa loob na kaming tatlo sa kwarto namin ni Rui. Nakaupo kaming lahat sa kama at sinimulan na nila ang kanilang interrogation sa akin.

They're my closest friends. Kaya sinabi ko na ang totoo.

"Oh... my.... goodness-miyo." Nalaglag ang panga ni Zara.

Seryosong nakatingin si Rui sa akin.

"Paano si Misha?" Tanong ni Rui.

"Wala na kami."

"HA?!" Sabay silang dalawang nag react.

"Teka muna. Nagbreak kayo ni Mishael? Paano? Kailan? Ano ba, Athalia? Wala kang sinasabi sa amin!" Ani Rui.

Kinwento ko na rin sa kanila ang nangyari sa amin ni Mishael.

"May kahalikan siyang iba tapos nakipagbreak siya sayo?!"

"Girl, hindi ko magets. Hindi naman ganon si Mishael, diba? Paano niya nagawa 'yun? My gosh! Akala ko no broken plates siya?"

"Ano?" Tanong namin kay Zara.

"Di makabasag-pinggan!"

"Baliw ka talaga." Hinagisan siya ni Rui ng unan.

"Nagkausap ba kayo ng maayos, Ath?" Bumaling si Rui sa akin.

Umiling ako.

"At kailan pa kayo nag break?"

"It was a few days ago."

Mariin na pinikit ni Rui ang kanyang mga mata at bumagsak ang kanyang ulo sa kanyang dalawang kamay. Umiling-iling siya at tumingin siya muli sa akin.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon