Chapter 11

479K 7.5K 737
                                    

                   

Chapter Eleven

"Eleven"

Hinihingal hingal ako habang nagbibisikleta. Sumulyap ako sa aking relo para matingnan ko ang oras sandali at tumingin na ako ulit sa unahan.

Nang nakarating ako sa plaza malapit sa school ay agad akong bumaba at pinark ko sa ilalim ng isang puno ang bike ko. Nagpahinga ako sa isang bench habang hinihingal pa rin. Damn.

"Nasaan na kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko. Tiningnan ko ulit ang relo ko at bandang alas diyes na nga ng umaga. Kumalabog ang puso ko.

Inayos ko muna ang floral dress na suot ko at sinuklay suklay ko gamit ang aking mga daliri ang mahaba kong buhok. Simpleng straight lang at manipis ang buhok ko, natural rin ang kulay na light brown nito dahil sa mestizang dugo ni mommy. Sabi nila maputi raw ako pero hindi naman ubod ng puti, sakto lang. Atsaka hindi talaga ako mahilig magpaganda kaya kinabahan talaga ako kung anong hitsura ko ngayon. Would Mishael think I look pretty?

Tumunog ang cellphone ko at mabilis ko itong kinuha. Napalunok ako kaagad nang lumitaw ang kanyang pangalan sa screen ng phone ko.

From: Mishael <3

Nasaan ka na?

Kinagat ko ang labi ko at halos nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa pagmamadaling makapagreply.

To: Mishael <3

Nakaupo ako sa isang bench. Malapit sa isang malaking puno na may bike sa ilalim :)

Nagdadalawang isip pa nga ako kung lalagyan ko pa ba talaga ng emoticon na smiley yung message ko sa kanya pero di bale na.

Hindi pa nga nag-iisang minuto ay nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Tara na." Napalingon ako sa malamig at malalim na boses ng nagsasalita. N-Nandito na siya!

"Mishael? Ahh.. H-Hello!" nauutal ako nang tumayo ako para harapin siya. Nginitian ko siya at sinikap kong hindi magmukhang tanga. Nakasimpleng itim na long sleeve polo siya at white v-neck sa ilalim. Nakikita ko ang pag-ihip ng hangin sa mataas at mukhang napakalambot niyang buhok. Nakita kong may dala rin siyang isang bike na itim.

"Tara na." Ulit niya. Pokerface na naman siyang nakatingin sakin. Napalunok ako sa kaba.

"O-Okay.." Mabilis akong pumunta sa bike ko at sinusundan niya ako ng tingin.

"Bike mo yan?" bigla siyang nagtanong. Nilingon ko siya.

"Ahh.. Oo. Ayoko kasing magcommute. Bakit?" Naghintay ako sa kung anong sasagutin niya pero kumunot ang noo ko nang tumingin siya muli sa kanyang bike. Nakita ko ang pagsimangot niya saglit saka nagbuntong hininga.

"Nevermind." hindi na siya tumingin muli sakin at sumakay na siya sa kanyang bisikleta. "Just follow me."

Kumunot ang noo ko.

Sumakay na lang rin ako sa bike ko at sinundan siya. Kung pwede lang sanang tumili eh kanina pa siguro ako maingay! Hindi talaga kapani paniwala. Si Mishael.. at ako.. magkasamang nagbabike sa siyudad?! Lord sana po hindi ako nananaginip ngayon, at kung sakaling nananaginip nga ako, sana po 'wag niyo na po akong gisingin! Salamat po!

"Malapit lang ang bahay ko rito." walang emosyon na namang nagsalita si Mishael habang panay ang tingin sa dinadaanan namin. Nakasunod parin ako sa kanya at hindi ko parin alam kung panu dugtungan ang sinasabi niya kaya tumango na lang ako at hindi nagsalita. Hindi nagtagal ay napunta kami sa isang matahimik na street na kung saan may maraming mga nakatayong magagandang bahay. Puro mga naglalakihang gate ang nadadaanan namin. Huminto si Mishael sa tapat ng isang malaking bahay na may kulay puti na gate.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon