Chapter 7

560K 10.6K 881
                                    

Chapter Seven

"Lady"

Gumising ako sa isang matahimik na umaga. Half-closed parin ang mga mata ko habang nagsestretch sa kama at pinagmamasdan ang sinag ng araw mula sa mga bintana ng kwarto ko.

"Ugh.." tinatamad akong bumangon at nanatili akong nakaupo sa kama ko habang nakahawak parin sa ulo ko. Ang sakit ng ulo ko.

Tumingin ako sa relo ko at hindi na ako nagtaka na bandang alas nuebe na pala ng umaga. Late na ako sa klase.. at medyo hangover parin ako dahil kagabi.

Lumabas ako sa kwarto at dumeretso sa living room kahit medyo pa-zigzag akong maglakad. First time ko itong hang-over. Grabeh, ang sakit talaga ng ulo ko.

Pero pagdating ko sala, amoy alak ito at nagulat ako nang nakakita ako ng tatlong lalake na natutulog. Si Kuya Jahziel na natutulog sa sofa, si Moses na nakayuko't nakasandal sa sofa at natutulog habang nakaupo sa sahig at si Dishon na nakaupo at nakayukong natutulog sa kabilang couch. Puro hangover din pala ang mga ito!

"Hoy Kuya Jahzi.." Niyugyog ko ang kuya ko para gisingin siya. Nagugutom na ako, gusto ko nang kumain sa niluto niya.

"Uhh.." gumising siya at kinurap kurap niya ang kanyang mga mata. "Athalia.. Umaga na pala.. Ugh, ang sakit ng ulo ko."

"Kuya, nagugutom na ako. Magluto ka na ng breakfast." Inaantok kong sinabi sa kanya.

I know I sound spoiled, but I trust my brother's cooking more than I trust mine.

Dahan dahan siyang bumangon habang nakapikit. Pero nang nakaupo na siya sa sofa, ay dumilat ang kanyang mga mata.

"Teka.. Ath, may naaamoy ka ba?" Tanong niya.

"Huh?"

"May naaamoy akong chicken soup." Tumingin siya sa kusina at nagtaka.

"Fvk. San galing ang amoy na yun?" Nagulat kaming dalawa ni Kuya nang nagsalita narin si Moses na gising na at kinukusot kusot ang mga mata. Mukha na siyang gutom.

Kumunot ang noo ko at tama nga sila. May naamoy rin akong parang chicken soup... at nagmumula dun sa kusina.

Tumayo si Kuya Jahzi at naglakad patungo dun sa kusina. Sanay na siya sa mga hangover kaya mas makakalakad siya ng maayos kaysa sakin. Sinundan ko siya at naglakad narin ako patungo sa kusina. Tumayo din si Moses at sumunod rin sa amin.

At pagdating namin dun...

"Woah." napaawang ang bibig ni Moses sa likuran ko.

"El? Anong ginagawa mo?" Tanong ni Kuya Jahziel.

Nilingon niya kami at kinabahan ako nang tumingin siya sa akin.

Nasa tapat siya ng stove at may hawak na malaking spoon. Naka-apron siya, naka simpleng shorts at white sando. Nakikita ko ang pag-flex ng mga muscles niya sa braso nang lumingon siya sa amin.

"Nagluluto ako. Ano pa nga ba?" Tipid na sagot niya at bumaling siya sa niluluto niya.

Nagkatinginan kami nina Kuya at Moses.

"Marunong pala siyang magluto?" Tanong ni Moses. Nagkibit-balikat lang ako habang ang noo ko ay nakakunot. I had no idea either. Marunong palang magluto ang isang Eleven Hezron Adanza III?

"Alam kong nagluluto ka El. Pero bakit? May klase ka ngayon diba?" Ani Kuya Jahziel

Luminon siya ulit sa amin pagkatapos niyang patayin ang stove.

"Puro mga hangover ang kasama ko sa bahay at ako lang yung hindi uminom kagabi. I have to do something about it right?" aniya

Nagtaka si Kuya Jahziel at kumunot ang noo niya.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon