Chapter 40

251K 3.2K 748
                                    

 Chapter Forty

"Let You Go"

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Naging estatyuwa ako sa aking kinatatayuan.

Bakit? Bakit hindi ako makagalaw?

He was still kissing her. At ang linta namang babae ay sinusulit ang mga halik ng aking boyfriend.

Uminit ang aking dugo at saka lang ako nakagalaw ulit. Humakbang ako patungo sa kanila. My heart was racing, at pati mga paa ko ang pabilis ng pabilis ang hakbang.

Before I knew it I pulled the girl away from Mishael. Hindi ko gustong gumawa ng eksena dahil inaalala kong isang party ito tungkol sa business. Ang bait bait ko pa at inaalala ko pa talaga ang trabaho ni Mishael habang siya ay walang problemang makipaghalikan sa iba!

"What the?! Who the hell are you and what's your problem? Mishael-"

"You shut up, bago ko masira yang mukha mo. I don't want to make a scene here. Kaya bago mag-iba ang isip ko ay umalis ka na sa harapan ko."

Hinead to toe pa ako ng gaga at tumingin siya kay Mishael. "I'll see you next time." Tumingin siya ulit sa akin at inirapan niya ako. I swear... pakiramdam ko sasabog na ako!

Nang naiwan kaming dalawa ni Mishael ay bumalot sa amin ang katahimikan. Nakakalimutan ko na ang mga tao sa aming paligid. Naging blanko ang aking isip.

Bakit? Bakit niya iyon nagawa sa akin?

Nilingon ko siya at nagtama ang aming mga mata. His face was blank. The expression of his face was the same one I was so familiar with in college.

Wala akong sinabi. I held his hand and pulled him to the nearest exit, isang balcony. At tamang tama dahil walang tao doon at makapag usap kami ng maayos. Paghinto ko ay binitawan ko ang kamay niya at tinulak ko siya patungo sa harapan ko.

Hindi siya makatingin sa akin. But his face was still emotionless, na para bang wala siya rito. Na para bang wala siyang paki alam.

Lalong sumikip ang dibdib ko at tumaas ang dugo ko habang inaalala ang paghalik niya sa babaeng yon.

"Say something... Give me an excuse or... anything!"

Hindi siya nagsalita.

"Mish-"

"Let's break up."

Umawang ang aking bibig.

"A-Ano?"

"I want to break up with you. So can you please leave? I'm at work here."

"Mishael! What the hell is wrong with you? Anong break up? Ikaw pa talaga makipag break sa akin? Ikaw yung may kahalikang iba, dapat ako pa nga ang makipagbreak sa iyo eh! Ilang araw mo na akong hindi kinakausap ng maayos--"

Natigilan ako dahil kahit buong puso ko nang sinisigaw ang damdamin ko sa kanya ay nakikita ko paring hindi siya apektado. He even looks bored.

Hindi na ako nagsayang pa ng laway.

"Fine."

Namumuo na ang mga luha sa aking mga mata, kaya bago ko pa ipakita sa kanya na maiiyak na ako ay umalis na ako sa harapan niya.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang nagdadrive ako pauwi. Fuck! Ano ba ang nangyari? Hindi ko maintindihan... Hindi ko maintindihan si Mishael. Bakit niya ginawa yon? Bakit?

Ayaw na ba niya sa akin? Dahil hindi ako umoo sa kanyang proposal? Lintek na dahilan yan!

Sa sobrang galit ko ay kinailangan kong magpark sa gilid ng kalsada dahil natakot akong maaksidente.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon