SIMULA

941K 15.1K 1.1K
                                    

HER POV

Eleven Hezron Adanza III

Alam niyo ba kung ano ang feeling ko kapag maririnig ko yang pangalan na yan?

Feeling ko... Feeling ko.. gusto kong kumuha kaagad ng kutsilyo, ay! wag lang yung isang kutsilyo kundi yung napakarami talaga! As in assorted pa ang designs! Kukunin ko lahat ng stocks ng kutsilyo sa mundo at ihahagis ko ang lahat ng 'yon sa iisang tao lamang!!

At yun ay walang iba kundi siya. Si Eleven Hezron Adanza III. Ugh!

Sa simpleng galaw niya, sa simpleng paghinga niya, sa lahat ng kilos na pusibleng gawin niya, maiinis talaga ako!

Ayoko siyang makita! Ni ayokong huminga ng hangin na hinihinga rin niya!

Ang dahilan? Ayoko munang pag-usapan. Tch.

Pero ang problema? Lagi siyang nandyan. At 'pag sinabi kong lagi siyang nandyan, as in lagi talaga siyang nandyan!

Palibhasa bestfriend kasi siya ng kuya ko. Mula pagkabata. Kaya ibig sabihin, mula rin pagkabata ay magkakilala na kami ng lalakeng yun.

Lagi siyang tambay sa bahay namin. Mula noon hanggang ngayon na lumaki na kami! Eh para na ngang ginagawa na niyang sariling bahay ang bahay namin eh. Ay hindi.. Hindi yan ang tamang sentence...

Ginagawa niyang motel ang bahay namin para sa mga babae niya!!

Kasi balibhasa isa siyang malanding aso! Oo! Yan ang pinipili kong term para sa kanya kaysa dun sa mga tawag nila sa kanya na PLAYBOY, CASANOVA, DEVIRGINIZER. Tss! English lang ang mga yun para magmukha siyang sosyal eh! Atsaka pareho lang naman ang meaning ng term ko sa mga term nilang yun! Diba?

Malandi siya! At mukha siyang aso! Malanding aso!

HIS POV

Athalia Hanani Rectazo

Hah. That girl drives me nuts. Nakababatang kapatid siya ni Jahzi, pinakamatalik kong kaibigan sa mga kabarkada ko.

Girls love me. Lahat sila nagkakarandarapa sa akin and I didn't even do anything to get their attention. Sa simpleng galaw ng labi ko, I can hypnotize any girl and get them in bed without moving a finger. All girls... except one.

Ang tanging babae na ayaw na ayaw sa akin kahit ano pa ang gagawin ko. Si Athalia.

She hates me. Ofcourse she does, hindi ko siya masisi because all her life, I've been there to pester her around. Why? Because it's fun. Lagi kaming magkaaway. Mula sa napakaliit na bagay hanggang sa napakalaki. Yes, I do hate her.. Pero hindi ko maiintindihan.. I hate her pero fuck. Gusto kong pansinin niya rin ako. Like all the other girls. I want her to look at me too. Pero kahit anong gagawin ko, hindi niya talaga ako nakikita. Langit na sa akin ang mapansin niya ako. And I hate it. I hate it that she hates me so much. I hate it that she doesn't like me. I want her to freakin notice me!

I want her to want me.. as much as I want her.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon