Chapter 19

337K 5.5K 312
                                    

                   

Chapter Nineteen

"One Last Time. Please"

Kinagat ko ang labi ko nang sinundan ko si Eleven at pumasok kami sa isa sa mga guest room.

Tiningnan ko si Eleven, hindi talaga siya lumilingon sakin. Dumeretso siya sa kama at kinuha niya ang bed sheets.

"What are you standing there for?" Halos mapatalon ako nang bigla siyang umimik.

"H-Huh?"

Lumingon siya sakin at pakiramdam ko ay tumigil ng isang segundo ang puso ko nang lumingon siya at tinignan ako sa mga mata.

"Maglinis ka na, Athalia." Aniya. Walang expression sa kanyang mukha at bumaling na siya sa kanyang ginagawa.

"Alam ko naman yun." tumango ako at inayos ko ang sarili ko.

Lampas sa sampung minuto ay yun lang ang ginawa namin ni Eleven sa loob ng kada-guest room na pinasukan namin. Naglilinis. At napakatahimik. Halos mabibingi na ako sa sobrang katahimikan.

Ako ang nagwawalis at nag-aarrange ng mga gamit habang si Eleven naman ay simpleng nagpapalit lamang ng mga bed sheets sa mga kama.

"Achoo!" Habang nagfefeather duster ako sa isa sa mga book shelf na nililinisan ko ay bumabahing narin ako dahil sa mga alikabok.

Bumuntong hininga ako at tinali ko na lang rin muna ang akong buhok sa isang ponytail. Medyo pinagpapawisan na ang leeg ko dahil sa kakakilos.

Nagpatuloy ako sa pagfefeather duster sa mga gilid ng bookshelves. Pero nagulat ako nang biglang may pamilyar na mga kamay na pumwesto sa mukha ko mula sa likuran. May hawak na panyo.

Nanlaki ang mga mata ko nang marahan na tinakpan nito ang aking ilong. Naramdaman kong tinatali niya ang ends ng panyo sa likod ng aking ulo para magsilbing face mask ko ang panyo.

"Allergic ka sa alikabok. Could you at least take care of yourself?" Sabi ng isang boses na kilalang kilala ko. Lumingon ako at nakita ko si Eleven na seryosong nakatingin sakin.

Inayos ko ang panyo na itinali niya around my face upang matakpan ng maayos ang aking ilong.

"T-Thanks." Damn. Bakit nauutal ako?

Tumalikod na lang ako ulit at nagpatuloy sa aking tinatrabaho.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Eleven at umalis siya bigla sa kwarto. May kukunin raw siyang extra pillows para sa kama. Nakahinga ako ng maluwag. Finally! Hindi na kami magkasama sa iisang kwarto! Hayy..

Paakyat ako sa isang ladder upang maabot ko yung mataas na parte ng bookshelves.. Pero biglang...

"Aaah!" Masyadong mabilis ang nangyari.. Nadulas ang paa ko sa ladder at tuluyan akong nahulog sa sahig!

Aray! Ang puwet ko!!

"Aish!" Napadaing ako sa lakas ng pagbagsak ko sa sahig. Ang sakit ng puwet ko eh! Damn it! Ang tanga tanga ko talaga.

"Athalia!" At sa nang nakita ako ni Eleven nang nakarating na siya sa loob ay agad siyang lumuhod upang makita kung may masakit ba sa katawan ko.

"What the heck did you do to yourself again?!" Nag-aalala pero naiinis niyang tanong.

"I.. I'm fine, Eleven. Nahulog lang ako." sabi ko, umiiwas ng tingin.

"Nasaan ang masakit?" Tanong niya.

"Walang masakit." Nagsinungaling ako. Nakakahiya naman kasi kung sasabihin ko sa kanya na masakit ang puwet ko.

"Ugh." he groaned at nabigla ako nang hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Stand up."

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon