Chapter 30

307K 4.5K 642
                                    




Chapter Thirty

"Ang Umuungol"

"Woooh!!" Nagsasayawan na ang mga tao sa dancefloor. Pagkatapos ng maliit na program kanina para sa acknowledgement ng mga kilalang guests ng party, ay saka na tumunog ang party music.

"Athalia! Mishael! Sayaw naman kayo dyan!" Tawa ni Rui habang sumasayaw saway na parang baliw sa dancefloor. Party girl pa rin talaga hanggang ngayon.

Tumango lang ako sa kanya at tumingin kay Mishael na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko. Kami na lang dalawa ang naiwan sa table, the rest ay kanya-kanya ng nag-eenjoy sa gabi. Di ko naman siya pwedeng iwan rito. Mishael's not really into parties.

"Ath! Sayaw naman kayo love birds! Ang KJ niyong tingnan jan!" Halkhak ni Zara nang dumaan siya sa aming table.

"Mamaya na lang siguro kami Zar! Siksikan pa kasi talaga ng tao!" Malakas kong sinabi dahil sa malakas rin na tugtog ng music.

"Mas maganda ang maraming tao Ath! Mas makakasayaw ka with freedom!" Ani Zara habang tumatango tango at may tinataas na glass of tequila.

"You can go." biglang nagsalita si Mishael sa tabi ko at napatingin ako sa kanya.

"Huh? Pero paano ka? Okay lang naman ako rito sa tabi mo."

"Ath,"

"Don't worry about me." ngiti ko sa kanya. Napabuntong hininga si Mishael at napangiti rin.

Bumaling ako sa dancefloor.. at saka na napawi ang ngiti ko nang nakita ko sina Eleven at Brooks na nasa gitna.

Napalunok ako habang pinagmamasdan kung paano sumasayaw sayaw ng sexy si Brooks sa harap ni Eleven. And she looks like she's getting drunk.

Nakita ko naman kung paano kinagat ni Eleven ang kanyang labi habang nakangiti at tinitingnan si Brooks na sumasayaw sayaw ng ganoon sa kanya.

Tumingin ako sa baba ng table at bumuntong hininga. Sumisikip na naman ang dibdib ko. Ang tagal na mula nung huli ko siyang nakita. Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari sa aming nakaraan.

So sila pala ang nagkatuluyan. Si Brooks at Eleven. Childhood friends and now lovers.

"Are you really okay?" Biglang nagtanong ulit si Mishael. Bumalik ako sa wisyo ko at tumingin ako sa kanya.

"Oo, okay lang talaga ako Mish. Nakakahilo lang ng konti kasi ang daming tao." lumapit ako sa tenga niya habang nilalakasan rin ang boses upang marinig niya ako despite the loud music.

"I can take you home." alok niya at lumapit rin ang bibig niya sa tenga ko.

"Ano?" Di ko masyadong narinig ang boses niya. Mas lumapit ang kanyang katawan sakin at medyo nakiliti ako nang naramdaman ko ang pag-galaw ng kanyang labi malapit saking tenga.

"I said I can take you home if you're not feeling good." Tanong niya.

Iiling na sana ako nang narinig ko ang kanyang sinabi.. Pero biglang nahagip muli ng mga mata ko si Eleven. Ang mga mata niyang nakatingin na sa akin. I caught him looking at me.

Nasa gitna siya ng dancefloor pero dahil sa tangkad niya ay naaaninag ko ang kanyang mukha. Sinasayawan pa rin siya ni Brooks at nagkakatuwaan ang mga tao sa paligid nila. Pero madilim at seryoso ang expression ng kanyang mukha habang nakatingin sa aming dalawa ni Mishael.

"Hindi. I'm fine Mish, I swear. Tsaka minsan lang natin nakikita mga friends natin ng ganito." Tumingin ako muli kay Mishael at bumungad sa akin ang nag-aalala niyang mukha. Kumalma ako at inisip na lamang na namalikmata lang ako. Why would Eleven stare at us like that?

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon