Chapter 36

307K 3.7K 324
                                    

Chapter Thirty Six

"Oh My God"

"Okay lang po talaga sa'yo doc na uuwi na muna ako ng maaga ngayon? Sorry po talaga doktora.." Tanong ni Cindy sa akin nang nag-alas quatro na ng hapon.

"Of course, Cindy. It's okay. Kailangan ka ng mom mo diba? You can go." tumango ako't nginitian siya habang inaayos ang mga papel sa aking desk.

"Thank you po, doc! Sorry po talaga--"

"Cindy, diba sabi ko sa'yo tawagin mo lang ko sa pangalan ko? Naiilang parin ako sa doc eh." Tawa ko sa kanya. "And you don't need to say sorry. You can go. Really, Cindy. It's okay."

"Thank you po.." Nahihiya siyang ngumiti sa akin at tumango. Cindy is such a kind, independent, and hard-working girl. Pero mahinhin lang talaga siya at sobrang mapagkumbaba.

Nang umalis siya ng clinic ay naiwan na talaga akong mag-isa. Kailangan ko pang ayusin ang mga papel-papel ng desk ko, yung mga utensils ko din na gagamitin para sa mga appointments ko bukas, kailangan ko na ding iprepare ng maayos.

Biglang may kumatok, nang tumingin ako sa glass door ng aking clinic ay naaninag ko ang isang katawan ng lalake sa labas.

"Sino yan?" Tumayo ako. Kahit glass-door pa kasi yon ay may mga poster na naka-tape doon kaya di ko masyadong nakikita ang nasa labas nito.

Nang bumukas na ang pinto ay saka ko na nakita kung sino ang dumating.

"Hi, lady. Miss me?"

Nagulat ako nang nakita ko si Eleven. Ngumiti lang siya sa akin at tuluyang pumasok sa loob ng maliit kong clinic. Dumeretso siya sa desk ko.

"I missed you." Aniya at hinalikan niya ako ng mabilis sa pisngi.

Napaawang lang ang bibig ko habang nakatayo sa likod ng desk ko. I didn't expect him to come to my clinic. Malapit nang mag alas sinco, baka ay kalalabas lang niya galing sa kanyang opisina? And he's visiting me..

"So this is your clinic huh?"

Tinititigan ko lang siya habang lumilinga-linga ang mga mata niya sa loob ng aking clinic. Nahiya tuloy ako bigla. Compared sa success niya at sa laki ng office niya ay siguro parang katiting lang itong clinic ko kumpara sa mga yon.

"Hey.." bumalik na ako sa wisyo nang tiningnan ako ni Eleven.

"You okay? Say something. Nabigla ka dahil nandito ako?" Ngiti niya. Lumapit ang mukha niya para matingnan pa ako lalo sa mga mata.

"H-Hindi noh!" Umiwas ako kaagad ng tingin. Inayos ko ang suot kong lab coat at inabala ko ang sarili ko sa aking desk.

"If you say so." nakakaloko siyang ngumiti sa akin at nagkibit-balikat. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Ugh! Him and his ways of pestering me. Andyan parin talaga!

"I came here to pick you up, Ath. Gusto ko ring makita ang workplace mo. Dinner tonight, remember?" Tanong niya.

Pakiramdam ko uminit ang mga pisngi ko sa sinabi niya.

"But it's still quarter to five?" Sabi ko sa kanya.

"Magluluto naman rin tayo. We can use the time. We'll cook as much food if you want, para lang magamit natin ang mga oras na yon. Then we'll have the perfect dinner. Pagkakasyahin ko ang oras kong makasama ka, Ath. If it would mean you'd me mine at the moment.."

"Eleven..." mariin kong sinabi. Umiling ako. "Stop joking around... Hindi nakakatawa."

Dumilim ang mga mata niya. "I'm not joking, Athalia."

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon