Chapter 21

363K 6.7K 1K
                                    

                   

BABALA: MEDYO SPG

------

Chapter Twenty One

"More"

"G-Gusto kita! Okay? Gusto kita!" Sigaw ko sa gitna ng ulan. "And.. I hate it na inamin ko na sa'yo ito bago inamin ko ito sa sarili ko! I hate it! I hate it na kinain ko lang ang mga salita ko!"

Suminghot ako.

"I told you I hated you! I told you to go away! Diba? Pero in the end, look at what I'm doing. Ako pala ang maghahanap-hanap sa'yo nang nawala ka na. Ako pala ang sisigaw sayo sa gitna ng ulan na parang baliw na gusto kita! Gustung gusto kita, Eleven! At hindi ko na alam ang gagawin ko!"

Tinakpan ko na lang ang mukha ko dahil sa kaiiyak.

Sa di kalaunan ay naramdam ko ang isang yakap. He's hugging me. Gumaan kaagad ang loob ko.

"I-I'm sorry I took you for granted. I'm sorry sinaktan kita. I'm sorry sa lahat nga mga sinabi ko. Sorry, Eleven. I'm sorry..." umiiling iling ako sa kanyang balikat.

"I can't forgive you." bigla niyang sinabi. Napahinto ako at tumingin ako sa kanya. Anong sabi niya?

"I can't forgive you because I don't need to. You don't need to say sorry. After everything you just said right now? Nakalimutan ko na ang lahat ng dahilan mo para magsorry sakin, Athalia." Ngiti niya.

Nakahinga ako ng maluwag pero napaiyak na naman ako.

Niyakap niya ako ng mas mahigpit.

"Totoo ba talaga ito? Tell me I'm not dreaming. Tell me you're really Athalia." Bulong niya.

Tumango lang ako. I can't believe this is happening either.

"You have no idea how happy I am right now." Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.

"You.. You don't hate me?" Tanong ko.

"I did.. nung una kitang nakilala. But that hate turned to love and I never stopped loving you since. I could only control my feelings, but I never moved on from you, Athalia. And after this? Moving on would be impossible. Hating you would become a sin."

Napaawang ang bibig ko. Damn him and his words. Hindi ko alam ko anong sasabihin ko.

"I love you, Lady." bulong niya sa tenga ko.

He loves me and that's all I needed to hear.

*****

"Wait a sec." ani Eleven nang pumasok na kami sa kanyang apartment. Dumeretso siya sa isang kwarto at mabilis siyang lumabas nang may dalawang tuwalya.

"Here." nilagay niya sa ulo ko ang tuwalya at pinapa-dry niya ang buhok ko.

"You should take a shower. If you get sick, I won't allow it." Aniya, seryoso ang mukha. "This is the bathroom."

"I'll lend you my clothes at ipapa-dry clean ko sandali iyang mga damit mo. Take them off and give them to me. Okay?" Aniya.

Bago pa ako makakaayaw ay iniwan na niya ako upang mayroon raw siyang ichecheck sa labas.

Dahil wala naman talaga akong ibang choice ay pumasok na ako ng bathroom. Tama naman siya, baka magkakasakit pa ako. Nang hinubad ko ang mga damit ko ay nilagay ko sa labas gaya ng sinabi niya bago siya umalis.

"Athalia?" AY KABAYO! Halos napatalon ako nang kumatok siya. Naliligo na ako.

"Uhh.. Y-Yes?"

"Clothes." biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kamay niya, may hawak na mga damit. "You can wear this while we wait for your clothes to dry. Nilagay ko na sila sa dryer."

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon