Chapter 2

650K 9.8K 1K
                                    

Chapter Two

"Mishael"



"Ang gwapo niya talaga!!" ngumiwi ako nang nakarinig ako ng mga nagtitiliang babae sa hallway.

Lumingon ako at nakita ko ang isang nakaka-iritang lalake na pumasok sa entrance ng cafeteria (hindi naman pwedeng pumasok siya sa exit diba?)

"OMG! Paparating siya dito! Girls paparating si Kuya Eleven dito!!" nagsisigawan sila. What the? Wala talagang mga taste ang mga babae ngayon.

Nasa cafeteria ako ngayon, kumakain kasama ang tatlong kaibigan ko.

"Uy Ath! Tingnan mo oh! Ang gwapo talaga ni Eleven ano?" Kinalabit ako ni Rickzyn, best friend ko.

"Psh. Bakit ba yan nandito?" masungit kong sinabi habang kinakain ang sandwich ko. Eh malayo naman dito ang building ng department nila eh. Siguro may babae na naman yan dito sa department namin. Tch.

"Ikaw talaga Athalia, bakit ang init init ng dugo mo pagdating kay Eleven? Ang hot kaya niya! at take note! Best friend siya ng kuya mo! Kung ako sayo, popormahan ko talaga siya dahil malaki ang tyansa ko!" ani Rui, pinsan ni Rickzyn.

"Tomoh si Rui, besh! Tingnan mo nga yang suot niyang fitted t-shirt! Parang sumisigaw ang mga abs niya na 'hubarin mo na itong tshirt para makita niyo ko!' Naku besh, ang abnormal mo talaga para pagmumuhian yan si Fafa Eleven, ano bang ginawa niya sayo ha?" sambit naman ng bakla kong friend na si Nebuchadnezzar, o mas kilala bilang si Zara.

"Marami!" tipid kong sagot sa tanong niya. Napailing iling sila sakin.

"Ath, paparating ata siya dito. Nakatingin siya sayo oh." biglang lumapit si Rickzyn sakin at bumulong.

Kumunot ang noo ko at lumingon ako ulit. Nakita ko nga si Eleven, nakasimpleng grey na v-neck at jeans na naglalakad patungo samin. At tama si Rickzyn, papunta talaga siya sa table namin at nakatingin nga siya sakin with his annoying smirk.

Pagkarating niya sa harap ko, nakatingala na ako sa kanya. Ang tangkad niya kasi tapos ako nakaupo lang, masistiff neck ako dito eh. Aish..

"Anong kailangan mo?" Masungit kong tanong.

Wala akong paki alam na maraming nakatingin samin. Ayun na naman yung mga death glare ng haters ko. Oo meron akong haters Bakit? Dahil naiinis sila na close ako sa barkada nila ni Eleven.

Ang barkada kasi nila ni Kuya ang pinakasikat dito sa campus namin. Mula highschool department hanggang sa college department. Si Eleven ang pinakasikat, dahil bukod sa malandi siya, meron talaga siyang appeal.. tch, at least para sa kanila.

Lima sila sa barkada. Si Kuya Jazhiel, the all around nice guy. Si Moses Gustav, ang joker. Si Zarethan Mariano, yung masungit na at matalino na athlete na running for cumlaude. At si Dishon Teves, yung mayabang na kalahi rin ni Eleven na mahilig sa mga babae.

"You forgot these." Nagulat ako nang lumapit si Eleven sakin.. at..

"Panty mo." bulong niya. May itinaas siya na isang maliit na tela na pink at may polka dots na white. "Nakita ko sa bag ko."

Nilapag niya sa lamesa ang panty ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Nanlaki rin ang mga mata ng ibang taong nakatingin. Shit! Shit Eleven!

Nalaglag ko siguro yan sa bag niya kahapon sa hapon nung nilagay ko muna ang mga panty ko sa sofa kasi kakakuha ko lang sa kanila galing sa sampayan! Aish!! Naaalala kong nasa sofa rin pala yung bag niya nung time na yun at naaalala ko rin na nakabukas pala yun nung hinagis ko sa sofa ang mga panty ko!!

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon