Chapter 23

385K 5.5K 311
                                    


Chapter Twenty Three

"Explain to Me"

"M-Mishael!" Nagulat na lamang ako nang biglang nagmura si Mishael at umalis sa harapan ko.

"Teka lang!" San ba siya pupunta? At.. ano ba yung sinabi niyang yun? Anong ibig sabihin niya? He likes me? Paano nangyari yan? Did I hear things right?!

Hindi ko sana siya susundan, pero naramdaman kong mayroong mali. Noong naramdaman ko ang kanyang balat ay mainit ito. Baka mamaya ay nilagnat na pala siya at mawawalan na naman siya ng malay! Sinundan ko siya at hinawakan ko siya sa braso habang mabilis siyang naglalakad sa corridor.

"You did not hear anything from me. Forget what I said." walang expression sa kanyang mukha at hinawi niya ang kamay ko. What the?

"S-San ka ba pupunta?" Tanong ko, ignoring what he ordered me. 

"Pupunta ako sa basement para kumuha ng mop. Bumalik ka na sa classroom. Hindi kita kailangan" aniya. Binilisan pa niya ang paglalakad at nakita ko ang pag-igting ng kanyang bagang.

"Mishael, okay ka lang ba talaga?" Hindi ko sinunod ang kanyang utos. Sinundan ko siya hanggang sa pumasok siya sa basement ng school. Madilim sa loob ng basement at abala siyang naghahanap ng mop. Hinahanap ko naman ang light switch.

"Kalimutan mo yung narinig mo." aniya sa gitna ng dilim. "I don't like you. Just stick with that and leave me alone." aniya at kinuha na niya ang mop.

"'Leave me alone'? Why do you want everybody to leave you alone anyway?!" Sigaw ko pagkatapos konh mahanap ang switch. Nang makita ko siya'y hinawakan ko ang mop para pigilan siya.

Nanlaki ang mga mata niya.

I have liked this guy since like forever! Yes, I like Eleven now. But I can't help how Mishael still stresses me out like this! I have this feeling that I want to talk to him, that I want to know what's going on in his mind! Napaka kumplikado niya!

He told me he doesn't like me, tapos kanina.. What was that about? And now this? Ang gulo niya! There's totally something wrong with this guy!

Hindi sa gusto kong magkagusto siya sakin, I never expected that and I'll never satisfy my ego na may gusto pala siya sakin. I like Eleven now. But I'm just worried, naguguluhan ako kung bakit napaka-cold niya at mas gusto talaga niyang mag-isa lang siya! Why is he pushing everyone away?!

Nanlaki parin ang mga mata ni Mishael dahil sa biglang pagsigaw ko.

"Why do you prefer disliking people? Bakit ayaw mong makisalamuha sa mga tao? If you like someone, then you like them! If you want friends, then make some! Why do you love being alone?!" Sigaw ko sa kanya.

"Who said I loved being alone?" Bigla siyang umimik. May dilim sa kanyang mga mata na nagpatigil sa akin.

Lumapit siya sakin at napasandal ako sa isang pader. Napalunok ako.

"Stop messing with my life. Wala kang paki-alam kung gusto kong mag-isa lang ako. This is how I choose to live it. Yung sinabi ko sayo kanina? I was just bored. Me? Liking someone like you? Stop dreaming." Umiigting ang kanyang panga at matalas ang tingin niya sa mga mata ko. As if gusto niyang mambugbog. Nakakatakot. Nakakatakot ang mga mata niya.

Pero nakarinig ako ng biglang malakas na pagsara ng pinto. Napatalon ako sa gulat.

"Shit." napamura si Mishael at lumapit siya sa pinto upang mabuksan. Pero ayaw! Oh no! Ano 'to? Na-lock kami sa loob ng basement?!

Napatili ako dahil sa malakas na pagsuntok ni Mishael sa pinto. 

"Buksan niyo to! May tao pa rito!" sigaw ko. "M-Magtetext ako sa mga kaibigan ko." sabi ko nang nilingon si Mishael at mabilis kong kinuha ang cellphone ko. Pero nang naalala kong wala pala akong load ay napapapikit na lamang ako.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon