Chapter 12

457K 6.9K 254
                                    

                   

Chapter Twelve

"Make my lips shut"

Luminga ang mga mata ko sa paligid. Nakaupo ako sa isang malambot na upuan at naglalaro ang mga daliri ko sa isang brown na table.

Mag-isa lang ako sa aking table habang hinihintay si Eleven na ngayon ay nililingon ko para makita siyang kumukuha ng mga baso mula sa bar at may hawak nang wine. Huminga ako ng malalim at pinagmamasdan ko muli ang loob ng lugar na pinagtatrabahuan pala ni Eleven nang ilang gabi na. Walang tao dahil umaga pa.

Napalunok ako at nakaramdam ako ng kaunting kaba. Kami lang dalawa ni Eleven ang nasa sa loob ng second floor ng gusali na ito. Ang tanging kasama lang namin sa loob ng building na ito ay yung janitor na naglilinis sa baba.

"Hey.." Tinawag ako ni Eleven. Nilingon ko siya muli at nadatnan ko ang nakakahumaling niyang ngiti habang naglalakad patungo sa akin, may dala siyang isang tray ng mga baso at may hawak pa siyang isang botilya ng wine. "Drinks?"

I hate it. I hate it that he NOT only looks like any ordinary waiter, but a HOT one. Tuwing humahakbang siya ay mapapansin mo talaga ang kanyang perpektong buhok at ang bawat paggalaw ng kanyang mga kalamnan sa braso. Bakit ba ang gwapo niya? Tumaas na lamang ang isang kilay ko habang nakatingala sa kanya nang dumating na siya sa harapan ko at nilapag ang tray sa table.

"You're really gonna let me drink wine this time?" Tanong ko, nagtataka.

"Of course not." Aniya, natatawa. Sabi ko na nga ba. Sumimangot ako nang makita ko na naman ang mapuputi niyang ngipin. Him and his gorgeous smiles! "Here's your drink, missy."

Tiningnan ko siya ng masama nang nilapag niya sa table ang isang wine glass na may laman na tubig. Oo, tubig!

"Ewan ko talaga sayo Eleven. Hindi na sabi ako bata. I can drink alcohol if I want to." Sabi ko. Kinuha ko ang baso ng tubig na binigay niya habang umuupo na rin siya sa harap ko at nakangiti pa rin.

"Tapos malalasing ka na naman at magkakamali ka na namang halikan ako pagkatapos mong magconfess sa akin ng pagmamahal mo sa iba?" Ngumisi siya.

Naramdaman ko ang unti-unting pamumula ng mga pisngi ko. Damn! Naalala ko na naman tuloy yung gabing yun! "H-Hindi na yun mauulit ano!" Umiwas ako ng tingin at uminom na ako ng tubig.

"Sure it won't, Athalia. If you say so." Natawa lang siya at uminom na rin ng kanyang wine. Walang hiya talaga.

"But if it would happen again next time Athalia, I'd make sure you'll confess to me at hindi ka na nagkamali. Because you'll be confessing to the right person."

Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya. Tumingin ako sa kanya at natawa siya sa reaksyon ko. Nakita ko ang pagkagat niya ng kanyang labi habang naaliw na nakangiti sa akin.

"E-Ewan ko sayo. Corny mo!" Tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

Ilang segundo kaming tahimik sa aming table. Hindi nakakatulong na kami lang din dalawa ang magkasama. Sumulyap ako saglit sa kanya at nadatnan kong nakatitig na naman pala siya sa akin kaya mabilis akong umiwas muli ng tingin.

"So.." umubo na lang ako para mabasag ang katahimikan. "Part-time job pala huh?" Tumingin ako sa kanya.

"Yup. Don't you think I look good being a waiter?" Nagsmirk siya. Natigilan na naman ako dahil lumapit na naman ang kanyang mukha sa akin.

"Syempre hindi ano. Ang panget mo kaya."

"Oh really?" Lumapit na naman ng husto ang kanyang mukha sa akin. Shit!

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon