CHAPTER 59

5.4K 236 20
                                    

FIOLEE's POV

Sunod-sunod ang mga nangyayari ngayon, parang kahapon lang ang saya naming sinelebrate ang birthday ni Marshall tapos ngayon para na namang bombang sumabog sa harap namin ang nalaman ko.

Kahapon pagkauwi namin sa unit ni Marshall ay nakita naming naghihintay sa tapat ng pintuan si tito Howard.

Nakita ko kung pano mabigla si tito Howard at si Marshall nang magkita silang dalawa. Halos manginig sa galit si tito ng makita niya si Marshall na siyang pinagtaka ko.

Pero bago maggagulo ay minabuti na muna naming pumasok sa unit at mag-usap, pinakilala ko sa kaniya noon si Marshall at umiling siya saka sinabi ang katotohanan.

FLASHBACK

"Hindi ako nagkakamali! Ikaw 'yun wag ka nang mag kaila pa halimaw! Ikaw ang pumatay sa kapatid ko!" Halos gumuho ang mundo ko sa mga sinabi ni tito Howard.

"Nagkakamali po kayo, baka kamukha ko lang o ano." umiling siya,

"Siguro nga nadadaya mo ko sa itsura mo pero halimaw ka! Kaya niyo siguro magpalit ng anyo o kaya ay bumata pa sa tunay niyong edad." nagkatinginan kami ni Marshall, parang sinasabi ni tito na ang pumatay kay papa ay isang bampira.

"Gusto mong ipaalala ko ang lahat?" tumingin muna sa'kin si tito saka nag salita.

"seven birthday ni Fiolee nun, magkasama kami ng papa niya bumabyahe dala ang regalo niya sa anak niya, pero biglang may humarang na isang lalaki sa daanan namin"

"At ikaw 'yun!" na bigla kami, hindi alam ni tito Howard ang lahat pero mukhang ang tinutukoy niya ay ang papa ni Marshall, si tito Jazon noon pa man maraming nagsasabi na magkamukha silang mag-ama. 'di kaya totoo ang sinasabi ni tito?

"Bumababa ang kapatid ko sa kotse at nilapitan ka, saka mo siya sinakal at kinagat sa leeg, hinagis mo pa siya sa sasakyan na siyang kinabasag ng salamin sa harapan nito at iyon ang inakala ng mga pulis na dahilan ng pag kamatay ng kapatid ko, pinangas mo ang leeg niya na halos humiwalay ang ulo niya dito. Sobrang sakit makita kung pano pinatay ng isang halimaw na katulad ko ang kapatid ko! Halimaw ka!" Sinapak ni tito si Marshall at agad dumugo ang labi ni Marshall pero halos 'di niya ito ininda.

Pero ako, halos sobrang sakit ng mga narinig ko, totoo ba iyon? Ang sabi ng mga pulis maaari daw bumangga ang sasakyan nila at dahil hindi naka seat belt si papa ay tumilapon ito sa harapan ng sasakyan at na basag ang salamin nito, pero hindi pala iyon ang katotohanan, tama si tito. Tugma lahat ang kwento niya sa mga pangyayari iisa lang ang totoo ngayon.

Ang katotohanan na pinatay ng ama ng lalaking mahal ko ang pinaka \mamahal kong ama. Wala na si papa at lahat ng nangyari noon ay sinisisi ko sa sarili ko pero mali pala, sobrang mali na halos madurog na ang utak at puso ko kakaisip na minahal ko ang lalaking anak ng pumatay sa tatay ko.

Wala na kong na gawa nun kundi ang tumakbo ng tumakbo, naririnig ko silang sinisigaw ang pangalan ko pero parang wala akong balak na lingunin man lang sila, ang gusto ko lang ay tumakbo ng tumakbo kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Kahit saan basta makalayo lang sa problemang 'to, kahit saan basta matakasan ko lang ang nalaman ko. Pero ang katotohan ay hinding hindi ko na talaga matatakasan, bakit sa'kin nangyayari 'to? Bakit ako pa? Bakit sa'min pa? Ninais ko lang naman maging simpleng babaeng may simpleng pamumuhay, 'yung tipong hindi ako kakaiba sa lahat, 'yung pumapasok ako sa school at nakikipag kaibigan sa iba't ibang klase ng studyante, 'yung simpleng babaeng makikipagtawanan sa mga kasama niyang kaibigan at isang simpleng babaeng iibig sa isa rin normal na lalaki.

Siguro nga simula palang sobrang mali na, mali na, na nakilala ko si Marshall, mali na na naging kaibigan ko siya at tumagal ito hanggang sa naging mahal ko na siya.

Sobrang mali? Sobrang mali na halos pati mga kaibigan at magulang ko na damay sa problemang ito at isa pa sobrang mali na pati pagkatao ko na gawa kong baguhin para lang makasama ang lalaking mahal ko.

Pero pano ko mababawi 'to? Pano ko mababago ang andito na? Pano ko babaguhin ang sarili ko kung tinggap ko na ito ng una palang?

Sobrang hirap, saan ako pupunta? Sana isang panaginip na lang 'to na pagkagising ko eh lahat ay babalik sa normal, 'yung crush ko lang si Prince at bestfriend ko si Marshall, 'yung nagluluto sa'kin si mama at papasok ako ng masaya sa school para sasalubingin si Julienne.

Sana maibalik ko 'yung dati, sana pagkadilat ko sa mata ko ngayon wala na 'tong luha, kasi sawa na kong umiyak.

Sawang sawa na kongumiyak.

TO BE CONTINUED

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now