CHAPTER 22

12.6K 425 18
                                    

MARSHALL's POV

"FIOLEE!" Sigaw ni Julienne habang patakbong palapit samin. Mas malakas pa ang hiyaw niya kesa sa music sa loob ng venue eh.

"Julienne ang ganda mo!" Tapos nagtatalon sila na parang ewan doon. Maganda nga si Julienne pero mas maganda si Fiolee.

"Sila bang dalawa ang ka-date mo?" Tumango si Fiolee.

Nag simula na ang party at naglakad kami sa walk of fame. Actually lahat sila couple pero kami nila Fiolee tatluhan at na iiba. Sa kanan ay si Prince at ako naman ang nasa kaliwa. Ewan ko ba pero feeling ko special kami kasi nung kami na ang naglakad lahat sila nag palakpakan. Center of attraction lang?

Pero na pukol ang mata ko sa lalaking nasa gilid ng stage na nakahead set, mukhang siya ang DJ sa party na 'to. Pero ang pinagtataka ko ay kakaiba ang awra niya at iba rin ang amoy niya? Hindi kaya bampira siya?

"Hoy Marshall sinong tinitignan mo d'yan?" Tanong ni Prince habang inaayos 'yung upuan ni Fiolee.

"Wala-wala." umupo na kami at nakinig sa MC ng party. Sa isang hotel pala ginaganap ang party na 'to, maganda ang paligid at masarap ang mga pagkain. Ayos din!

Nag sisimula na ang party at rock muna ang mga kanta, astig din mag remix 'yung DJ pati ako napapaindak pero kasi 'di ko type mga ganitong party eh ang gusto ko lang kumain ng kumain. May dugo kaya dito?

"Pangarap ko talagang maging DJ," sabi ni Bruce, kasama nga pala namin sila dito sa table, limahan kasi ang upuan.

"Hindi bagay sayo Bruce, tignan mo nga 'yung DJ doon sa taas ang pogi-pogi niya na halos lahat ng tao napapaindak niya. Grabe kong manligaw lang sa'kin 'yan ay! GO agad!" Sumimangot si Bruce at inirapan si Julienne. 'tong dalawa na 'to mag kakatuluyan din 'yan.

"HAHAHAA Julienne wag kang ganiyan baka mag selos si Bruce." natatawa na lang kaming tatlo sa kanilang dalawa eh.

🎶Say you're sorry
that face of an angel
Comes out just when you need it to 🎶 Nag simula na 'yung mga love song patugtugin kaya may mga nag siupuan at mayroon din namang nag aaya na sa mga kadate nila makipag-sayaw.

🎶As I paced back and forth all this time
Cause I honestly believed in you🎶 madaming na nag sasayaw na mga magkakapatner sa gitna. May mga mag totropa at kaibigan lang, may mga couple talaga na pwede nang langgamin sa ka-sweet-an nila.

🎶Holding on
The days drag on
Stupid girl,
I should have known, I should have known🎶 nakita ko tumayo si Prince at inilahad ang kamay niya kay Fiolee, nakaka-inis pero in other side ayos lang 'yan na siya ang first dance ni Fiolee basta ako ang last.

🎶That I'm not a Princess, this ain't a fairy tale,
I'm not the one you'll sweep off her feet,
Lead her up the stairwell
This ain't Hollywood, this is a small town,
I was a dreamer before you went and let me down,🎶 Tinanggap iyon ni Fiolee at nag simula na silang sumayaw sa gitna. Hawak-hawak ni Prince ang kamay ni Fiolee at bewang nito.

🎶Now it's too late for you and your white horse to come around🎶 Nakatingin lang ako sa kanila habang sila nagtatawanan at nagkukwentuhan. Kinalma ko ang selos at galit ko dahil hindi naman sa'kin si Fiolee eh. Isa pa kaibigan ko na rin so Prince.

🎶Maybe I was naïve,
Got lost in your eyes
And never really had a chance🎶 si Bruce at Julienne rin ay nag simula nang magsayaw, nag hahampasan sila pero nag tatawanan din.

🎶My mistake, I didn't know to be in love
you had to fight to have the upper hand🎶 'yan tuloy mag isa na lang ako sa table feeling ko loner ako.

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon