CHAPTER 16

15.9K 528 24
                                    

FIOLEE's POV

Anong oras na pero gising pa rin ako, pano ba naman ako makakatulog ng mahimbing kung hindi mawala sa isip ko 'yung mga nalaman ko kanina. Parang bombang hinagis sa'kin ng walang paalam tapos sumabog sa harap ko.

NakakainIs silang dalawa! hindi man lang nila naisip na mabibigla ako? baka mamaya maloka pa ko kakaisip dito.

Dalawang lalaking gusto ko, 'yung isa tatlong taon ko na crush tapos 'yung isa nagbibigay sa'kin ng kakaibang feelings. Nalilito ako! magkamali lang ako ng pili baka pag sisihan ko sa buong buhay ko.

"ARGGGH ANO BA TO!" Napakamot na lang ako ng ulo ko at nagtakip ng unan. 2am na pero 'yung mata ko mulat na mulat pa din. 'yan tuloy dahil badtrip ako hindi ko na nakain 'yung uwi sa'kin ni mama.

"Hays." kanina pa ko nag iisip dito. kanina pa.

❦❦❦

"Fiolee ako ang piliin mo!" Pag uutos ni Marshall, masyado talaga 'tong dominant.

"Fiolee ako ang crush mo 'di ba? ako piliin mo." awww oo Prince

"Hindi Fiolee! mahal kita at kilala mo ko 'di ba?" Ito na naman bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Fiolee mahal din naman kita eh 'di naman nabibiglang ang pag mamahal sa taon ng pinagsamahan." kung sabagay hihi

"Fiolee." ano ba 'tong si Marshall

"Fiolee." isa pa 'tong si Prince

"Fiolee anak." ha? Ano anak?

"Fiolee"

"Fiolee anak gising na." napabalikwas ako ng bangoN at nakita ko si mama na nakabihis na, ready na siya para pumasok sa trabaho niya.

"Anak bumangon kana d'yan at aalis na ko, gagabihin ulit ako kaya nag iwan na ko ng pera at pagkain d'yan sa ref ah, painitin mo na lang pagkakain kana anak." saka niya ko hinalikan sa noo at itinaas ang hawak niyang susi.

"Oh ilock mo ang pinto at mga bintana pag aalis ka ha, itinext ko na rin si Marshall para may kasama ka anak hehe babye sweetie." at lumabas na siya sa kwarto ko.

Nag lo-loading pa sa utak ko 'yung mga sinabi ni mama. Kakagising ko lang kaya! kaya tulala muna ko saglit.

Mga ilang minuto saka ko na gets 'yung sinabi niya at namadali akong bumababa ng hagdan kasi naman.

"Hinayupak bakit pupunta dito si Marshall 'di ako ready!" Paghihimutok ko sa harap ng salamin at tinignan ang itsura ko. Ang gulo ng buhok ko at may panis na laway pa ko. Sobrang luwag din ng pantulog ko, hindi niya ko pwedeng makita sa ganitong itsura no ba 'yan!

Kaya pagkatapos ko kumain ay na ligo na ko, dati naman wala akong paki alam kung makita at maamoy niya pa ko na hindi ako naliligo eh. Pero kasi hindi ko maiwasang isipin 'yung maari niyang sabihin sa'kin ngayon eh.

"Ano bang susuotin ko?" dress kaya? OA naman sa bahay lang. Pants at blouse? Saan naman ako pupunta sa bahay lang naman kami? hay nakaw mag T-shirt na nga lang ako at short bahala siya d'yan. Tapos nag pony ako ng pusod para hindi mainet.

Nag linis-linis din ako ng bahay namin. Nakakahiya naman baka isipin pa niya burara akong babae. Tapos nag handa na rin ako ng makakain namin.

*ding dong*

Napatakbo ako sa harap ng pinto pero kinakabahan akong buksan 'to.

*dug dug dug dug*

Ito na naman 'yung kakaibang pakiramdam na dinudulot sa'kin ni Marshall. Hindi ko mapihit 'yung door knob namin kaya naman huminga ako ng malalim at inayos ko ang sarili ko.

Okay, Fiolee relax si Marshall lang 'yan.

"A-anong gi-ginagawa mo di-dito ha?"
Kunwari pagtataray ko sa kaniya. Pero hindi ko maiwasang tignan siya kasi ang pogi niya! Nakasuot siya ng gray na long sleeve at black na pants pero grabe ang pogi niya sobrang simple lang naman ng porma niya pero ang cool niyang tignan.

"Fiolee hindi purkit umamin ako sayo kagabi na mahal kita eh pwede mo na kong titigan at pagnasaan d'yan." nabato ako sa kinatatayuan ako, kapal niya ah! Pero actually hindi ko mapigilang titigan siya, ano ba 'tong nangyayari sa'kin?

Nag dare-daretsyo lang siyang ng pasok sa bahay. Feeling at home talaga 'tong isa na to asar!

"Kapal talaga ng mukha mo eh umalis ka na nga!" Umupo siya sa sofa at tinignan ako.

"Si tita Fionna ang nag papunta sa'kin dito kaya siya lang din ang may karapatan na paalisin ako okay?" Nag aalburuto akong pumunta sa kusina at kumain mag isa pero mamaya maya ay kumain na rin siya, kapal ng mukha no? Hindi ko naman inaayang kumain pero kumain mag isa. Wala na kong magagawa ganiyan talaga siya dito sa bahay namin eh.

Matapos kaming kumain ay umupo lang kami sa sofa.

"Anong gagawin natin?" Pag tatanong ko sa kaniya at dumikwatro ng upo. Humarap siya sa'kin at napahinto ng saglit saka siya umiwas ng tingin sa'kin. Anong problema nito? Bakit siya namumula?

Tinignan ko 'yung sarili ko pero ayos lang naman ah?

"Ayusin mo nga 'yang suot mo Fiolee! Mag pajama ka kung ayaw mong kagatin ko 'yang binti mo!" Napatingin ako sa legs ko. Nakashort ako at oo medyo maikli 'to, nawala sa isip kong lalaki ang isang 'to hahaha Pero in other way pwede ko 'tong gamitin pang-asar sa kaniya HOHOHO.

Lumapit pa ko sa kaniya at pinatong ang binti ko sa binti niya. Nakita ko ang pagkabigla niya at namula siya ng sobra, HAHAHA makakaganti rin ako sayo Marshall kala mo ha!

"Ano ba Fiolee nang gagalit ka?" Tumingala siya para iiwas ang tingin sa'kin pero hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa'kin.

"Oo bakit bawal ba ko mag shorts?" Saka ko pinakawalan ang pinakamaganda kong ngiti na pinag mulang ng pagiging kamatis niya.

"Ah nangaasar ka," sabi niya at umiba ang mukha, ngumiti siya ng panyak na sobrang kinatakot ko kaya sana aalis na ko sa tabi niya pero hindi na ko nakapalag at at at at---

"Marshall! Bwiset ka! Unggoy ka! Hudas! ARRRGGGH." pinag sasabunutan ko siya dahil nilagyan niya ko ng chikinini sa binti ko! Pano pag nakita ni mama 'to?
Kung ano-ano pa maisip nun at saka pano ako nakakapag-short o skirt bukas pag umalis ako? Arg pangasar talaga 'tong unggoy na 'to!

Tawa lang siya ng tawa hanggang sa namatay siya, Joke hanggang sa nag pagulong gulong na siya sa sahig namin. Ang saya-saya niya no? Bwiset talaga 'tong tao na 'to!

"Hahahaha ano 'di ka pa mag papajama?"

"Che!" agad akong pumunta sa kwarto ko at wala na kong na gawa kundi ang magpajama. Mukha tuloy akong jeje dahil sa suot ko.

Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang manood ng movie, puro horror nga kaya sigaw ako ng sigaw tapos siya tawa lang ng tawa parang baliw. Nung romance at love story naman tinulugan ako epal talaga 'tong lalaki na 'to.

May scene nga sa pinapanood ko na hinalikan siya ng bidang lalaki sa ilalim ng ulan. Napakaromantic, ako kaya? Saan ko mararanasan ang first kiss ko?

"Oy meryneda na tayo," sabi ni Marshall at nag unat-unat. Hapon na pala ang bilis ng oras.

"Tara bili tayo sa labas." pag aaya ko. Lumabas naman kami at nag punta sa 7'11. Ewan ko kung guni-guni lang ba o talagang tinitignan kami ng bawat na daan eh. Masyado bang gwapo 'tong kasama ko?

"pfft Hahaha." pilit na pinipigilan ni Marshall ang tumawa kaya naman nag taka ako.

"Anong problema?"

"'Yung pajama mo kasi HAHAHA." parang lahat ng dugo ko eh umakyat sa mukha ko. Oo nga pala nakapajama akong lumabas ng bahay! Ano ba 'yan!

"Hayaan mo na cute ka pa rin naman Fiolee." inakbayan niya ako at hinayaang tignan kami ng madaming tao. Ewan ko ba pero ito na naman 'yung feeling na lagi kong nararamdaman sa kaniya, 'yan tuloy hindi ko na napansin 'yung mga nakatingin samin dahil hindi ko mapaliwanag 'yung narramdaman ko.

Pero isa lang ang alam ko,

Masaya ako ngayon. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon