CHAPTER 19

14K 542 20
                                    

FIOLEE's POV 


"Aray! Ano ba 'yan Fiolee ayusan mo naman!" hinila ko 'yung benda. Hindi ko kasi siya mabuhol masyadong maikli.

"Teka tumalikod ka nga!" Nakakainis bakit ganito to kaikli?

"Ano ba gusto mo bang bumuka ang tahi ko ha?" Binatukan ko siya. Napaka reklamador kitang hindi ko mabuhol eh.

"Tumahimik ka!" binebendahan ko 'yung sugat niya pagkatapos ko malinis, ang problema nabwibwiset ako dahil maikli 'yung teka hindi ko mabuhol.

"Teka tatalikod ako iikot mo sa ikod ko para mabuhol mo!" Gaya ng sinabi niya sinunod ko tapos inabot ko 'yung tela sa dibdib niya, parang niyayakap ko na rin siya kasi iniikot ko 'yung kamay at braso ko sa katawan niya. Ano ba 'to napakamanyak ko naman!

"Ibuhol mo na." tapos ang lapit-lapit namin sa isa't isa ito na naman 'yung puso ko nag wawala arrgh!

"Fiolee ibuhol mo na." ang bango niya pa nakakainis. Bampira ba talaga 'tong lalaki na 'to? Feeling ko kasi artista siya.

"Fiolee nakikinig ka ba?" My gosh Marshall kinikilig na ko sayo ngayon ginayuma mo ata ako eh

"FIOLEEE!! Ano ba? Nakikinig ka ba?" Napalingon ako sa kaniya at napatulala.

"Tsk mamaya mo na ko pag nasaan pwede. Pag sinagot mo naman ako mahahawakan mo na 'to kahit araw-araw pa eh." sabay ngisi niya sa'kin at kindat.

"KAPAL MO! may iniisip lang ako no." pagpapalusot ko. Nakakainis parang nababasa niya 'yung iniisip ko, 'di kaya nababasa niya nga? HOMAY!

"Osige itali mo na 'yan para makapagbihis na ko." sinunod ko 'yung sinabi niya at binuhol ang benda. Tapos nun ay nagbihis na siya.

"Pahinga kana, bababa muna ako ah." tumayo na ko at lumabas sa kwarto niya.

❦❦❦

Hinanap ko si Prince at sabi nila nasa garden lang daw siya kaya lumabas ako at hinanap siya.

Andun siya nakaupo sa duyan at may hawak na libro.

"Prince." tinaas niya ang ulo niya at nilingon ako sabay ngiti sa'kin.

"Fiolee upo ka." sinarado niya 'yung libro at tumingin sa'kin.

"Saan mo nakuha 'yan Prince?" Sabay turo ko sa libro.

"Pinahiram sa'kin nung Lenalie, 'yung kasambahay nila," sabi niya at sumimangot siya.

"Oh bakit?"

"Hindi ko kasi lubos maisip na nadamay ako sa gulong 'to, kilala mo ako Fiolee gusto ko simple at tahimik na buhay. Pero nung nalaman ko na iba sila, iba sila Marshall feeling ko may mga pangyayari pa kong malalaman at mai-incounter na hindi normal." miske ako ganun ang iniisip, syempre bilang parte ni Marshall hindi maiiwasan na may kakaiba pang mangyari. Ang nakakatakot lang doon ay kung kakayanin ba namin?

"Fiolee kung layuan na lang kaya na'tin sila? Kunware wala tayong nalaman o wala tayong kakilalang kahit sino sa kanila." nginitian ko na lang siya.

"Hindi pwede Prince, hindi na na'tin pwedeng takasan 'to. Tanggapin siguro pwede pa saka kung may panganib mang kapalit 'to hindi naman tayo papabayaan nila Marshall at lolo James." bumuntong hininga na lang siya.

"Tama ka." ngumiti siya at tumingin sa'kin.

"Tatanggapin ko na lang 'to." ngumiti din ako sa kaniya.

"Tara pasok na tayo." pag-aaya kko sa kaniya.

"Sige." at sabay na kami naglakad papasok ulit sa mansion.

Dito na rin kami kumain dalawa ni Prince, nung una ayaw niya kumain at sabi niya baka daw hindi karne ng hayop 'yun, pero pinagtawanan lang siya dahil hindi daw sila nakain ng tao na inum lang ng dugo.

Mga bandang 7pm hinatid na kami ni Jasper 'yung battler nila Marshall para daw sigurado na makakauwi kami ng ligtas.

❦❦❦

"Ma andito na ko." pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si mama na nanonood ng TV.

"Kumain kana ba?" Tanong niya na hindi ako nililingon

"Opo ma." humalik ako sa kaniya at nginitian lang ako.

"Nak si Marshall hindi ka hinatid?" tumango lang ako.

"Bakit?"

"Ah eh ahm nilagnat kanina eh. Hinatid ako ng lolo niya mama." parang nagtaka naman siya.

"Ang taray naman ng lolo ni Marshall nakakotse pa?" Siguro iniisip niya ugod-ugod na si lolo James haha.

"Opo malakas pa siya ma." tumango na lang siya at nanood ulit ng TV.

"Sige umakyat kana sa kwarto mo at magbihis kana, nakakalabas ka ng bahay ng nakapajama?" Natawa ako. Oo nga no hinabol na kame't lahat ng bampira nakapajama pa ko.

"Oo nga ma eh, sige po taas na ko." tumango lang siya at bumalik na ulit ang mata sa panonood ng TV.

Si mama kaya? Pag nalaman niyang bampira si Marshall tanggap niya pa rin kaya? Boto at pagkakatiwalaan niya pa rin kaya si Marshall para sa'kin?

Pumasok na ko sa CR at naligo.
Pinuno ko ng tubig at sabon 'yung bathtub saka ako lumublob. Mag bababad muna ako nakakapagod eh.

Napatingin ako sa pula na nasa binti ko, Sira talaga toktok nun ni Marshall nakakainis nag iwan pa ng love bite sa binte ko.

Napahawak ako sa mukha ko.

"Arrrghh hinalikan niya 'yung binti ko!" Para akong kinikilig na naiilang na may halong hiya dahil hinalikan niya 'yung binti ko! Feeling ko namanyak ako pero may part sa'kin na kinikilig ako? Bakit ganun?

"Arrrrrgggh nalolokakana Fiolee." 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is Mineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن