CHAPTER 12

18.3K 625 23
                                    

FIOLEE's POV

*Dug Dog Dug Dog*

Ang lakas ng tibok ng puso ko, 'yung hininga niya ramdam na ramdam ko, ang higpit ng pagkakayakap niya sa'kin at ang himbing ng tulog niya. Nakokonsensya tuloy akong alisin 'yung kamay niya na nakapaikot sa katawan ko. At take note nakadantay pa ang mga paa niya sa'kin! gawin ba naman akong unan?

Pero sa totoo lang hindi ko alam 'yung nararamdaman ko ngayon, may parang ewan na gumagalaw sa tyan ko tapos nararamdaman ko din ang mabilis na pagtibok ng puso ko feeling ko masosuffocate na ko anytime. No, scratch that! Masosuffocate na talaga ako dahil hindi na ko makahinga sa ginagawa niyang yakap sa'kin tapos nakasubsub ba ang mukha ko sa dibdib niya. Amoy na amoy ko ang fabric conditioner sa damit niya. Amoy baby!

Tumingala ako para tignan ang mukha ng kababata ko. Nakanganga siya ng bahagya para nakahinga sa bibig niya, may namumuong butil butil na tubig sa ilong niya na dulot ng kainitan siguro dahil sa magkayakap kami. Tapos 'yung labi niya na mapula at may kanipisan ay sobrang bagay sa makinis at maputla niyang balat. 'yung mga mata niya na nakapikit kaya lalo mong mahahalata ang mahaba at makapal niyang pilik mata na natatakpan ng iba niyang maitim at malagong hibla ng buhok. Kahit magulo ito ay ang cool niya pa ngang tignan, hindi ko inaasahang magiging ganito kagwapo ang kababata ko na dati eh payat at walang paki alam sa sarili at walang alam gawin kundi ang asarin ako, pero kahit anong titig na gawin ko sa kaniya hindi pa rin nagbabago 'yung lungkot at laki ng dinadala niya. Kaya hindi ko kayang magtanim ng galit sa kaniya kahit awayin niya ko at asarin dahil alam ko ang pinagdaan niya.

Pumikit na lang din ako at dinama ang yakap niya, sobrang lapit namin sa isa't isa pero komportable ako, yakap-yakap niya ko na dapat eh kinaiinis ko pero hindi ko alam at parang hindi ako nakatanggi sa yakap na 'to. Imposible bang mainlove ako sa shokoy na 'to?

Imposible ba?

❦❦❦

*yawwwnnm*

Umaga na pala, nag unat ako ng braso ko at sana tatayo na ako pero parang ang bigat ng tyan ko? Saka ko lang na alala na katabi ko nga pala si Marshall at nang tignan ko si Marshall ay nakapwesto ang ulo niya sa-- sa puson ko a-tt ya-yakap 'to?

"AHHHHHH MANYAK KA!" pinaghahampas ko siya ng unan at sinabunutan ko siya ng dalawang kamay. Pero siya parang lantang gulay lang na walang muwang sa mundo.

"Anong nangyayari dito?" iniluwa ng pinto si lolo James na halatang na gulat sa nangyayari samin ni Marshall. Napabitaw ako sa buhok ni Marshall at feeling ko sobrang pula ng mukha ko. Samantalang si Marshall 'yun parang wala lang at kinusot kusot ang mata niya.

"Ah eh lolo James 'to po kasi si Marshall eh ano ah eh ahm ano." tumawa na lang si lolo James kahit halatang nalilito pa rin siya. Si Marshall naman ang nagsalita.

"Wala samin nangyari lolo, nakitulog lang ako sa kwarto niya kasi miss na miss ko na 'tong si Fiolee eh hehe." pinisil at binanat niya 'yung pisnge ko. Miss niya daw ako?

"Hahaha magpapalusot ka na lang pinsan halata pa, pano mo siya mamimiss eh nagkita rin kayo sa school 'di ba? ang sabihin mo manyak ka lang talaga hohoho." pang-aasar ni ate Ainah na kadadating lang. Namula tuloy si Marshall at nagtawanan na lang kami. Bumaba na kami pagkatapos mag ayos ng sarili at kumain na.

"Fiolee ano ihahatid na ba kita?" tanong ni lolo James habang nakain kami.

"Mamaya po sana kung okay lang? kasi po kakausapin ko pa 'tong si Marshall, 'di ba?" tas nginitian ko si Marshall ng sobrang lawak. Kung alam niya lang sobrang nag-alala ako sa kaniya kahapon. Biglang nabulunan si Marshall na parang may naalala na kalokohang ginawa.

"Aho aho ~ ah oo nga pala," sabi niya sabay kamot ng batok niya. Parang kakaiba talaga siya ngayon, feeling ko ang dami-dami niya nang tinatago at lihim sa'kin. Pero kahit ano pa 'yun dapat kong malaman 'yun!

Natapos kami kumain at dinala niya ko sa garden nila na nasa likod ng mansion na 'to, mayroon pa silang isang garden sa unahan naman ng mansion kung saan nakatayo 'yung malaking fountain. Lumapit ako sa mga rosas. Sobrang pupula nila parang dugo na 'yung kuLay hindi katulad ng normal na rosas. Nang amuyin at kunin ko 'to ay natusok ako kaya nag dugo 'yung daliri ko.

"Aray." hinawakan ko 'yung kamay kong dumudugo, natarantang lumapit sa'kin si Marshall at tinignan 'to. Sobrang niyang tinitigan ang dugo na nalabas sa daliri ko.

"Ano titigan mo lang 'yan? penge band aid!" Sabay batok kay Marshall.

Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba para kasing ang daming nakatingin? Na pako ang tingin ko sa mansion na nasa likod namin, kinagulat ko dahil halos lahat ng tao doon ay nakatingin at nakasilip samin. Ewan ko pero may isang bahagi sa'kin na nag sasabing matakot ako at kilabutan ako. Ang sama ng tingin nila sa'kin na para bang gusto nila akong saktan. Nag taasan ang balahibo ko.

"Ma-Marshall?" Pagtingin ko kay Marshall at kagat kagat niya na ang daliri ko at sinisipsip ang dugo na nalabas dito.

"Yan tumigil na ang pagdugo." inangat niya ang tingin niya sa'kin saka ngumiti. kikiligin na ba ko? Hindi siya nandiri sa dugo ko at ginawa niya 'yun?

Muli akong tumingin sa mansion at tanging nakita ko na lang doon ay si lolo James na nakatingin samin. Kumaway siya at pumasok na sa loob ng mansion. Siguro babaliwalain ko na lang 'yung nakita ko, wala lang siguro 'yun.

Wala lang.

"Marshall tara nga." Inaya ko siyang umupo sa lilim ng puno, maaliwalas na ang araw at ang init-init na pero pagtataka ko sa taong 'to, todo ang jacket plus nakapayong pa! 'yung totoo masyado siyang conscious sa balat niya ah.

"Ano ba nangyari sayo kahapon?" nag iba 'yung timpla ng mukha niya.

"Fiolee alam ko na gusto mo malaman 'yung tungkol sa nangyari kahapon pero kasi hindi pa ko kayang sabihin sayo, siguro paghanda na ko." nakayuko lang siya at damang dama ko 'yung problema na mayroon siya.

"Ayos lang Marshall naiintindihan ko, pero promise mo sa'kin pag okay kana sabihin mo sa'kin ah." sinilip ko 'yung mukha niya saka ako ngumiti sa kaniya.

"Tingin mo pag nalaman mo 'yun matatanggap mo pa rin ako? Hindi mo kaya ako lalayuan o kaiinisan? ayoko ng ganun Fiolee!" umikom ang kamaao niya. Lalo tuloy ako nag alala sa mga nagyayari sa kaniya.

"Bakit may sakit ka ba? kaya ba namumutla 'yung balat mo? nakapatay ka ba? hahaha Marshall naman hindi naman siguro malala 'yan 'di ba? wag mo kong takutin ha-ha." pilit akong nagpapakampante, parang sa reaksyon niya kasi dapat talaga akong matakot o mag-alala. Ayoko ng ganito.

Tumahimik siya ng mga ilang minuto saka tumayo at inabot ang kamay ko.

"Haha basta Fiolee wag mo kong iiwan pag may nalaman ka ha! saka kahit iwan mo ko hahanapin at susundan pa rin kita kala mo ba haha." ngumiti ako at inabot ang kamay niya para alalayan ako tumayo. Oo tama dapat matanggap ko kung ano 'yung problema o na gawa niya. Isa pa parte na siya ng buhay ko kung ano siya dapat tanggap ko.

Ihinatid na ko ni Marshall sa bahay at iyon katulad ng dati parang si mama pa 'yung kinikilig samin. Doon na siya kumain ng tanghalian at nanood kaming tatlo ng movie. Nung hapon na doon siya nag paalam para umuwi.

"Oh alis na ko ah, masyado na tayong madaming oras para sa isa't isa." pagbibiro niya. Pero para siyang nahihiya dahil namumula siya at hindi makatingin ng daretsyo sa mata ko.

"Haha kapal mo! oo na umalis kana wag kana babalik dito ha." tumawa siya saka naglakad paalis at 'yung mga kamay niya ay nakalagay sa ulo niya, lumingon siya at sinabing.

"Fiolee salamat." ewan ko pero 'yung naramdaman ko kagabi? Na ulit na naman ng makita ko 'yung ngiti niya na dati naman ay kinaaasaran ko. Ano ba talaga ang nangyayari sa'kin?

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now