CHAPTER 39

9.1K 319 26
                                    

FIOLEE's POV

Maaga akong gumising para maghanda ng sarili ko, magta-take na kasi kami ng exam sa isang university sa Manila at mag ahanap na rin ng apart? Unit or dorm na pagtitirahan namin.

Ano kayang mayroon sa Manila?

Nae-excite akong nag ayos ng sarili ko, isang simpleng dress lang ang sinuot ko at body bag ang dinala ko kasi sabi ni mama baka daw manakawan ako pag backpack ang dinala ko.

"Hi pa! Mag eexam na po ako sa Manila, wish mong makapasa ako ah." ngumiti ako kay papa at pinunasan ang salamin ng frame niya.

Kahit picture lang 'yun feeling ko kasama ko pa rin siya.

Nilapag ko na sa table ko ang picture frame ni papa at sinara ang pintuan ng kwarto ko, humalik na ko kay mama at nag paalam na kami nila Marshall sa kaniya.

"Good luck guys." nag wave siya at nag flying kiss sa'kin bago kami tuluyang makaalis.

❦❦❦

"Oh anong plano? Doon muna tayo sa Manila Institute?" Tanong ni Prince.

"Wag! doon muna tayo sa Manila university." ito na naman sila hindi magkasundo minsan na iisip ko pano ba ko nakakatagal sa mga 'to eh at sana sila na lang nag katuluyang dalawa para tahimik ang buhay ko ngayon.

The more you hate the more you love nga naman.

"Doon na lang tayo sa Agustine University pumunta." at na una na ko maglakad.

Sumunod naman sila agad at parang mga asong nakabuntot sa'kin, pero feeling ko mukha akong muchacha sa kanilang dalawa, ang popogi at hot kaya ng mga kasama ko tapos ako mukhang chinay or nanay nila na sasamahan sila sa pag eenroll.

"Hi cute," sabi nung isang babaeng naka panty lang. HAHAHA kidding ang ikli kasi ng short niya akala ko panty na maong.

"Hi," sabi naman ni Prince at dumaretsyo na naglakad at hindi man lang nilingon 'yung babae, siguro na aasiwa rin siya sa itsura nung babae.

"Kuya wait pwede ba daw mahinge 'yung number mo sabi ng friend ko?" Tapos tinuro niya 'yung babaeng nakaupo sa bench at kumaway 'to kay Marshall.

Nanlaki ang butas ng ilong ko sa haliparot na babaeng 'yun pero hindi ko siya pinansin at dare-daretsyong naglakad papuntang admin.

"Haha 30," sabi ni Marshall, napalingon ako sa kaniya at nag peace sign siya sa'kin, monthsarry kasi namin 'yun.

"Mobile kako hindi 'yung favorite number mo." tigas ng panga nitong babae na 'to.

"Haha ah eh kasi wala akong load." ngumuso 'yung babae.

"Okay then kung ayaw mo talaga pa-picture na lang." nang gagalaiti na ko at nangangatog ang kamao ko sa mga malalanding babaeng nakapaligid sa kanilang dalawa.

Parang mga zombie 'tong mga babae na 'to kung makadumog kala Prince at Marshall kaya naman iniwan ko na sila doon.

Bwesit na 'yan mag isa na nga lang ako pupunta sa admin.

Pero habang naglalakad ako na patingin ako sa paligid, kakaiba 'yung na aamoy ko, hindi lang mga mortal ang andito pati mga bampira at iba pang nilalang.

Napatigil ako sa paglalakad at napakingon bandang garden nitong school, hinanap ko kung saan nang gagaling 'yung amoy at nakita ko 'yung isang babae na nakaupo sa bench hawak ang isang libro at nagbabasa.

Grabe iba 'yung amoy niya, parang bampira na may halong iba. Alam niya kayang kauri niya ko?

Lumapit ako sa kaniya."pwede umupo?" ngumiti ako at ngumiti rin siya sa'kin.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now