CHAPTER 6

25K 823 42
                                    

I dedicate this Chapter to:

@dodoDORA12 & @JULIAhartsyou 

MARSHALL's POV

"Apo kanina ka pa paikot-ikot d'yan?" hinigop niya 'yung dugo mula sa baso niya.

Minsan nandidiri pa rin ako at parang nasusuka pero kailangan kong tanggapin ang kapalaran ko. Dalawang linggo na ata ako andito at pilit na sinasaksak sa utak ko na dito na ko ngayon titira at bagong na ang mundong ginagalawan ko.

"Apo nahihilo na ko sayo, pumirme ka nga d'yan." pagbaba niya sa baso niya. Umousok pa 'yun. Ano 'yun hot blood? parang tea lang?

Umupo ako gaya ng sabi niya, bakit nga ba ako 'di mapakali?

"Apo ano bang iniisip mo?" sabay dekwatro ng upo.

"Naiinis kasi ako sa kababata ko, balak ko kasi na ipakilala sila sayo lolo, pumayag siya." nagkamot siya ng ulo.

"Eh anong pinaghihimutok ng butche mo d'yan? Pumayag naman pala siya." asar na alala ko na naman 'yung kanina.

"Pano Lo, nung kinausap siya nung Prince na 'yun parang nakalimutan niya na 'yung usapan namin "

"HAHAHAHA nakaw!" tinawanan niya lang ako tsk!

"Edi ubusin natin ang dugo ng Prince na 'yan para matuloy ang balak mo mamaya haha." tinignan niya ko ng seryoso na para bang nagpapahiwatig na 'di siya nagbibiro.

"Lolo kala ko ba 'di kayo na patay ng tao? kala ko ba sa hospital tayo nakuha ng dugo ha?" Tumawa na naman siya ng malakas. Ano bang nakakatawa doon? 'tong matandang 'to lakas mang asar.

"Hahaha binibiro lang kita, pero apo kung gusto mo gawin natin. Matagal na rin ako hindi nakakatikim ng sariwang dugo, mga five hundred years na ata." para akong nabulunan sa sinabi ni lolo. Eh mukhang forty plus lang siya eh

"five hundred years?"

"Oo, one thousand years na ata akong nabubuhay and still counting hahaha." grabe! tatagal din ba ko ng ganung taon? dati naiisip ko mamatay ako sa age na seventy eh.

"Teka apo. Anong plano mo mamaya?" humigop na naman siya sa baso niya.

"Pupunta ako doon at guguluhin ko sila ni Prince, sisirain ko ang gabi nila haha." tama sisirain ko ang gabi nila, kala mo Fiolee ah gaganti ako dahil kinalimutan mo ko.

"Hahahaha para kang ama mo! osige anong oras na lumakad kana"

"Sige Lo, alis na nga ako." tumango lang siya at lumabas na sa kwarto ko.

FIOLEE POV

"Parang date na rin 'to Fiolee kaya dapat maganda ka!" Umikot pa ko ulit at tinignan ang itsura ko sa salamin. Nakapants lang ako na maong at t-shirt na puti. Nakalugay ang mahaba kong dilaw na buhok at light make-up para sa mukha ko.

"'Yan okay na 'to." gusto ko sana mag dress, gown o wedding gown na rin para mapansin niya na maganda ako. Kaso ang OA ko naman! gagawa lang kami ng kanta no.

* ding dong *

Napag-usapan ba naming pupuntahan niya ko sa bahay? Pero baka sinundo niya na rin ako? Omg!

"Fiolee may bisita ka!" namadali akong bumababa baon ang pinakamaganda kong ngiti.

"Ah sorry Prince na pag intay ba kita?" bungad ko agad pag kababa ko ng hagdan.

"Hi Fiolee HAHAHA." Marshall?

Pwedeng sumabog sa galit? Nakakagigil! sira na ang gabi ko letche bakit andito 'tong hudas na 'to?

"Anong ginagawa mo dito Marshall?" Ang ganda pa naman ng ngiti at bungad ko! 'di naman pala si Prince.

"'Hindi ba may usapan tayo? nakalimutan mo?" ngumisi siya sa'kin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Tingin tingin mo? isa pa nakalimutan ko sorry! bukas na lang Marshall." ngumuso siya tas tinalikudan ako.

"Wala ganiyan kana!" Umupo siya sa sofa namin feeling at home lang.

"Nakalimutan ko talaga eh saka importante talaga 'tong pupuntahan ko." 'di siya humarap sa'kin, inirapan pa kamo niya ko tas ngumuso na naman. Minsan iniisip ko nagpapa-cute ba 'tong lalaki na 'to? Gulo-gulo 'yung itim at makapal niyang buhok pero bagay naman sa maputla niyang mukha at mapulang labi tapos nakared plaid flannel shirt siya saka black na jeans, red na red siya dahil pati 'yung converse niya red din. Parang nag iba 'tong si Marshall?

"Fiolee admit it na gagwapuhan ka na sa'kin." para naman akong bumalik sa ulirat ko nang makarinig din ako ng tawa mula sa likuran ko.

"HAHA ang cute niyo talaga," sabi ni mama saka ako tinulak papalapit kay Marshall.

"Osige na mag date na kayo basta hanggang restaurant lang ha. Marshall eight pm uuwi na ha." tapos tinulak niya na kaming dalawa ni Marshall palabas ng pinto.

"Hahaha si tita talaga pinipilit ako sayo eh ikaw kang naman sating dalawa ang patay na patay sa'kin."

*peltok*

"Ano ginawa mo kinalbit mo ba ko?"

"Bwiset ka! bakit ba kasi naging kapit bahay pa kita dati eh." tawa na naman siya parang baliw. Laki-laki ng bibig kita ang pangil.

Pangil?

Tinignan ko ulit 'yung bibig niya, Oo nga pangil! ba't parang ang haba ng mga pangil niya? saka 'di ko 'to nakikita dati ah?

Nahalata niya atang nakatitig ako sa bibig niya kaya itinikon niya 'to at sumeryoso ng tingin sa'kin. ba't parang bigla akong kinabahan?

Nakatingin siya maige sa mata ko, tama ba 'yung nakikita ko? parang mapula pula kaunti ang mga ito.

"Wag mo kong tititigan Fiolee, nang hahalik ako." Letche! baka malik mata ko lang 'yun.

Di na ko nagsalita at hinayaang kong akbayan niya ako, lagi niya naman akong tinuturing kapatid niya eh kaya sanay na ko. Ang masaklap lang doon kapatid na lalaki! Bwiset!

"Tara na nga."

"Anong tara na?" Tumingala ako sa kaniya kasi medyo maliit ako.

"Sasama ako sa inyo nila Prince! mahirap na baka rapein mo siya haha."

Lord, bakit ko ponakilala ang hudas na 'to? Paki-explain Love you.

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now